Nagulat siya ng makita ako.
“Troy?” sabi ng puso ko.
Kinalma ko ang sarili ko, hindi ako nagbigay ng ekspresyon sa mukha ko.
"Ayena? Ayena ikaw nga?"-sabi niya
Well, naaalala niya pa pala ako.
Nagkunot ako ng noo at umupo sa tapat niya.
Tiningnan ko siya ng mabuti.
"Yes. I’m Ayena. Ahm… you look familiar, have we met before?"-nagkunwari na lang ako na hindi siya kilala
Umawang ang bibig niya.
Saglit siyang nag-isip.
"Ahm… may naging kakilala ako noon."-paliwanag niya
"Ayena… hmm… ano bang surname mo? Nakalimutan ko na kase ung sa kanya eh."-tanong niya
"Castro. Ayena Castro"-sagot ko
"Ahm… ewan ko hindi siguro ikaw yun."-sabi niya na lang,
"Ah… siguro nga…"-sagot ko na lang
Ngumiti ako.
Natatawa ako dahil sa pagkukunwari niya niya na hindi na rin niya ako matandaan.
Pero paano kung nakalimutan na nga pala niya talaga?
Hindi ko alam…
Sacramento ang apelido ni Troy.
Nag-asawa pala ang Mama niya kaya napalitan ng Tenaro.
Habang nag-uusap kami ni Troy ay pansin kong inaalam niya kung ako nga ba si Ayena Castro na nakilala niya.
Lalo ko namang ipinapamukha na ako nga ang kilala niya para malaman niya na nakalimutan ko nga siya, na hindi ko na siya maalala.
Effective naman.
At least kahit papano hindi ako nagmukhang
“total looser”
sa laro na ginawa niya noon.
Litung-lito siya…
kung noon nagpaka-nerd siya,
magpapaka-amnesia girl naman ako ngayon.
Ako naman ang makikipaglaro.
Pagkatapos ng araw na yon,
pumasyal ako sa puntod ni Jeno.
Nag lagay ako ng bulaklak dun a nagdasal.
Umupo na rin muna ako.
"Jena, gurl, nakita ko si Troy. And guess what siya yung pumalit sa lugar mo. Na-meet ko siya kanina lang. Alam mo hindi niya na ako gaano nakilala. Pero nakakapagtaka na kilala niya yung pangalan ko. Kasi sa dinami-dami ng mga babae niya at isa ako sa mga napaiyak niya, dapat nakalimutan niya na ako di'ba? Bakit kaya alam niya pa ang pangalan ko, ang itsura ko."-kinakausap ko ang puntod ni Jeno.
Kahit na magmukha na akong baliw dito okay lang kasi ito lang ang paraan para mailabas ang feelings ko.
"Pero,gurl, nagkunwari akong di ko siya kilala, parang gusto kong gumanti sa kanya dahil siya na nga yung lalaking nagpaiyak sa akin sa unang pagkakataon na umibig ako. Kaya gagawin ko rin sa kanya ang ginawa niya sa akin."
Haixst.....
"Sige gurl, uwi na ako. Di'ba sabi mo kahit anong stress pa ang nandiyan dapat hindi pinapabayaan ang beauty, kaya uuwi na ako ng makapagpahinga na."-paalam ko sa kanya
Habang pauwi ako ay nakita ko si Chelsea.
"Chelsea!!!"-sigaw ko sabay kaway
"Oh!! Ayena ikaw pala. Antagal nating hindi nagkita ah?"-sabi niya
"Kaya nga ei"-sabi ko
"Tara pasyal muna tayo, doon tayo sa Park"-yaya niya
Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa park. Madalas naming puntahan ito noon.
Naalala ko ang secret fountain.
Sabi ni Troy dati
fake lang daw yon dahil agad din siyang nabuko.
Pero sinubukan ko pa rin na maghulog ng coin
at
hilingin na sana ay maging maganda ang larong gagawin ko…
A/n:
Dedicated sa kanya dahil sa konting info na kaming gumagawa lang ng MGMB ang nakakaalam.