Chapter 2

2.2K 36 0
                                    

Stacey's POV

Mag la-lunch time na. Andito ako ngayon sa work ko, nakakapagod. Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung may text si Ivan. Wala nanaman, ilang araw na syang ganto. Pero dati naman lagi syang nag memessage sakin kahit busy sya.

Nakakatampo tuloy, ako na lang kaya mag text? Baka busy lang talaga sya sa work nya.

To:Babe

Hi babe, sabay tayong mag lunch?

Alam ko namang papayag si Ivan na sabay kaming mag lunch kasi ganun kami lagi. Nag vibrate phone ko at tinignan kung sino yung nag text.

From:Babe

Kasabay ko nang mag lunch si Kim at ayaw kitang kasabay.

Nagulat ako sa text nya, ano? Teka sya ba talaga to? May dumating nanaman na text galing sa kanya.

From: Babe

Sorry stacey di ako makakaalis sa office ngayon. Busy pa ako.

Teka kanina sabi kasabay si Kim mag lunch tapos ngayon busy. Tapos Stacey na lang ang tawag sakin. Ganto ba talaga sya ka busy? Pareho naman kaming nag tatrabaho ha? Pero bakit ako nagagawa kong gumawa ng oras para sa kanya.

Ilang araw na syang parang walang ganang kausap at makita ako. Bahala sya, di ko na sya papansinin. Lumabas ako sa office namin at nag hanap ng makakainan. May bagong bukas na restaurant dito. Ma-try nga.

Pumasok ako at dito pa lang amoy na amoy mo na ang bango ng niluluto. Hmmm ang sarap nagugutom na ako. Umorder ako at hinihintay na lang. Andito ako ngayon nakaupo hays. Di ako sanay na hindi sya kasabay kumain.

Mamaya dumating na yung order ko mukhang masarap. Nagugutom nako, kumain agad ako. Nang makakalahati ko na yung pag kain ko may lalaking umupo sa harapan ko. Tinignan ko gwapo, maputi, makinis, at color brown yung mata.

"Hi" feeling ko may contact lence lang sya, "Mis?" Di ko namalayan na tinatawag nya pala ako. "A-ano yon?"

"Kanina ka pa naka tingin sa mga mata ko. Maganda ba?" Nagulat ako sa sinabi nya. "Ha? Ang kapal naman ng muka mo napatingin lang ako color brown kasi!" Pag tanggi ko. "Ganyan talaga yan. Baka isipin mo naka contact lence ako."

"Anong ginagawa mo dito?" Napansin kong tumingin sya sa kinakain ko "Nakita ko kasing wala kang kasama. Kaya nilapitan kita." So kailangan nya pa akong lapitan dahil dun? Eh sa loob ng kinakainan ko madami din naman ang nag iisa.

"Di ko kailangan ng kasama."

"Hi, I'm Red." Inabot nya yung kamay nya. At di ko naman pinansin at nag patuloy lang sa pag kain. Kapag kasi nalaman ni Ivan na nakikipag usap ako nang gantong katagal sa lalaki magagalit yun.

"And you are?" Di ko padin ito pinapansin. Tapos nako kumain, dumating nadin yung bill ng kinain ko hinahanap ko yung wallet ko sa bag pero wala ito.

"Any problem?" Nainis ako. "Mind your own business." Hindi ko talaga makita wallet ko. Hindi kaya naiwan ko? Ano bayan Stacey ang burara mo. Pero alam ko andito lang talaga yun eh.

"Sungit mo naman. Ms. Sungit" Napangiti ako sa kanya. "Hm, Red right?" He nodded. "Gusto mong malaman ang pangalan ko? Gusto mo ba? Di naman kita pinipilit." Nginitian ko sya.

"Oo naman, so you are?" Yes buti pumayag sya. "In one condition" napataas ang kilay nya. "Ano naman yun?"

"Tsaka ko na sasabihin kapag andun nako sa pintuan. Dun ko nadin sasabihin ang condition."

"What? Bakit doon pa? Pwede naman dito."

"Edi wag." Hindi ako tumitingin sa kanya.

"Okay okay." Yes pumayag sya! Pumunta ako sa entrace door ng restaurant nag aabang padin ito nang sasabihin ako. Andito nako ngayon sa pintuan

"Stacey ang pangalan ko, and yung condition bayaran mo yung kinain ko. Thankyou!" Ngumiti ako sa kanya at agad na tumakbo hahaha bahala sya dun, mukha naman syang mayaman. Kaya feeling ko babayaran nya yun.

Nag lalakad nako papunta sa office namin. Di padin mawala sa isip ko kung anong nangyari sa Red na yun hahaha. Yung wallet ko kasi asaan kaya? Tss sana andun lang sa office kundi wala akong pamasahe pauwi.

Andito nako sa office. Agad kong hinanap akong wallet ko pero wala talaga. Naiinis na naiiyak ako haaaays saan ko ba nilagay? Hindi ko na muna inisip yung wallet ko at nag trabaho muna.

Ilang oras na rin nakakalipas, yung ibang kasamahan ko umuwi na. Yung wallet ko wala padin. Text ko na lang si Ivan para maihatid nya ko at sabay nadin kaming umuwi.

To: Babe

Babe, i lost my wallet. Sunduin moko?

Sana naman hindi sya busy ngayon. Miss na miss ko nadin yung Ivan ko. Teka ang tagal nyang mag reply naiinip na ko. Inaantok nako gusto kong mag pahinga. Papikit nako pero biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Babe

Sorry di kita masusundo.

Yun lang yon? Yun lang dahilan nya? Naiiyak nako. Lagi na lang syang ganyan simula nung nag ka trabaho kami. Bahala sya sa buhay nya hindi ko na talaga sya papansinin kapag nag kita kami.

Sumakay ako sa taxi at kay daddy na lang papabayaran kapag nakauwi nako. Nag salpak ako ng earphone at nag patugtog. Para mawala ang stress ko.

Andito na kami sa bahay tinawag ko si Daddy. "Daddy!!" Agad namang lumabas ito "Oh anong problema? Pwede namang mag doorbell ang princess ko pero hindi ginawa." Hanggang ngayon pini-princess nya padin ako kahit ang laki ko na.

"Daddy, pay the taxi. I lost my wallet." Binayaran naman nya ito.

"Hindi ka nanaman ba sinundo ni Ivan?" Wala akong gana sumagot sa tanong nya. Naiinis lang ako.

"Yes dad, at kailangan ko nadin yata sanayin ang sarili na ganun sya." Umupo ako sa sofa at binuksan yung TV "Gusto mo ba kausapin ko si Ivan? Kasi ayokong nakikitang malungkot ang nag iisang Princess ko."

"No dad, no need. But thanks."

"Kumain kana ba?"

"Not yet."

"Kumain kana, baka malipasan kapa ng gutom."

"Hindi ako gutom dad at wala din akong gana."

Pumunta ako sa kwarto ko at iniyak lahat ng bigat sa dibdib ko. Bakit ganun si Ivan? Ano bang problema nya? Ilang araw na syang ganun. Naiinis ako sa kanya! Hindi naman nya ako ginaganun dati.

*knock knock* "Stacey?" Si manang.

"Yes manang?"

"Pinapadala ng mommy mo sayo tong pag kain. At kumain kana daw."

"Busog pako, paki lagay na lang sa lamesa kakainin ko kapag nagutom ako. Pasabi kay mommy thankyou."

"Okay"

Nag vibrate cellphone ko. Nag text si Ivan.

From: Babe

Kakauwi ko lang, kumain kana. Goodnight

Hindi ko na nireplyan, dahil wala akong ganang kausap sya. Di nya man lang kayang gumawa ng oras kahit busy sya. Oh baka naman lumandi nadin sa Kim nya?

Oh baka naman may babae sya? Naguguluhan ako, napapraning ako sa kakaisip kung bakit ganun sya. Ngayon nya lang ginawa sa akin to.

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon