Chapter 15

1.1K 33 16
                                    

RED'S POINT OF VIEW

On the way to home, biglaang uwi. Nag taxi na muna kami pauwi. Kasi hanggang ngayon hindi padin nadating si manang at yung driver namin.

Ang tahimik ni Stacey ngayon, di ako sanay na ganyan siya. Na miss ko na yung kakulitan nya. Feeling ko talaga may problema, di niya lang sinasabi sakin. Sobrang curious nako, tapos nabibingi na ko sa sobrang tahimik ng loob ng taxi. Pati yung driver tahimik din. Ano ba yan.

Simula nung pumunta kami sa rest house inisip ko na agad kung ano yung buong nangyari. Pero sa tingin ko naman, wala naman akong nagawang masama. O na ikaka galit niya. Oh baka naman, dahil sa napkin na may wings? Baka mali yung nabili ko.

Uggggh! I can't take this anymore, gustong gusto ko na siyang kausapin pero parang may pumipigil sakin. Yung hiya at takot ko sa isasagot niya.

"Hmm, Stacey? Gusto mo kumain? Mag pababa muna tayo. San mo gusto kumain?" I said.

"Busog pa ko" she replied.

"Ice cream, you want? Bumili ako kanina, baka gusto mong kainin?" I asked him.

"Hmm, Red. No thanks, I'm okay don't mind me, pagod ako mag pahinga na lang muna tayo okay lang?"

Ewan, ko may problema talaga. Wala akong magawa kundi mag nod na lang sa sinabi niya. Siguro nga, pagod lang siya.

Nagising ako ng may gumagalaw sa tabi ko, teka nakatulog na pala ako.

"Stacey, ano yung hinahanap mo?"

"Hmm, wa-wala wala."

Then, tahimik na ulit. Back to normal sakit ng ulo ko. Na bigla ata ako sa pag gising ko.

STACEY'S POV

Finally, naka uwi na din.

"Oh, hi Stacey" mom said.

"Hello mom" I said.

Dumaretso akong kwarto dahil feeling ko pagod na pagod ako kahit wala akong ginawa.

Nag lalakad ako papunta sa kwarto pero narinig kong nag uusap si mom at red.

"There's something wrong? May nangyari ba?" Mom asked Red.

"Di ko din alam tita, bigla na lang sya nag ka ganon"

Pumasok ako sa kwarto at humiga iniisip ko kung anong gagawin ko pag tapos ko malaman ang lahat.

Should I pretend na wala padin akong alam? O, sasabihin ko na sa kanila?

Damn, lalong sumasakit ulo ko I just want to rest.

RED'S POV

Sinilip ko siya sa kwarto nya, at nakatulog na agad. Siguro sa pagod sa biyahe. Aantayin ko na lang sayang magising, kasi alam ko hindi pa nakain yun ng dinner.

Pumunta ako sa salas at umupo sa sofa binuksan ko yung TV dahil okay lang naman kila tita at sabi feel at home lang ako.

Medyo na bobored ako kasi wala akong maka usap, okay naman yung palabas. Ang tagal ni Stacey gumising.

"Red?"

Napa kunot-noo ako ng pag mulat ko si Stacey nakita ko. Agad ko naman inayos yung upo ko di ko namalayan naka tulog nadin pala ako.

"Stacey, a-hmm sorry naka tulog ako" pag papaliwanag ko. Feeling ko kanina pa siya nasa tabi ko. Tapos yung TV naiwanan ko pang naka bukas.

"Wala yon, ang cute mo nga eh."

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon