Chapter 3

1.9K 64 2
                                    

Follow me ✨
Vote 🌟

Forgive the errors.

------------------------------

Siguro nga pagod lang si Ivan. Sana nga, sana nga pagod lang sya. Itutulog ko na lang ito. Para makapag pahinga nako dahil pagod na pagod nako.

Naalimpungatan ako sa sinag nang araw na nang gagaling sa bintana. Tinignan ko yung oras sa phone ko, 9am na pala. Tumayo ako at naligo. Pag labas ko sa kwarto may naka handa ng breakfast.

"Goodmorning anak." Bati ni mommy. "Oh, gising kana pala. Goodmorning princess" nakangiti nilang bati sa akin. "Goodmorning din po" kiniss ko silang dalawa sa chick.

"Ikaw ang laki na ng anak mo tintawag mo pading princess may boyfriend at trabaho na lahat lahat." Sabi ni mommy.

"Why? What's wrong with that?" Natawa na lang ako sa kanila.

"Oo nga dy, bakit princess padin ang tawag mo sa akin, edi sana princess na lang ang ipinangalan mo sa akin daddy."

"Eh yang mommy mo gustong gusto pangalan na Stacey di pa nga kami nag kaka baby lagi na nyang sinasabi sakin yun." I chuckled. Nag patuloy na lang ako sa pag kain.

Hinatid na ako ni daddy sa office at binigyan ng allowance dahil nawala ang wallet ko. "Bye dad, thankyou" bumama na ako.

Papunta na ako sa office chineck ko yung phone ko. Nag text mama ni Ivan.

From: Tita

Nak, andyan ba ngayon si Ivan sa inyo? Hindi pa umuuwi at nag aalala ang daddy nya dahil hindi sya nag paalam samin. Textback

Ano daw? Hindi umuwi si Ivan? Eh bakit nag text sya sakin kagabi na nakauwi na daw sya?

To: Tita

Sorry tita pero wala po samin si Ivan nag text po sya sakin kagabi na nakauwina daw po sya. Nag tataka din po ako kung bakit hindi pa nag tetext sakin si Ivan.

Saan naman nag punta yun? Pupuntahan ko na lang sya mamaya sa office nya kapag tapos ng work ko. Nag vibrate yung phone ko.

From: tita

Ah ganun ba nak, sige ako na lang mag cocontact sa mga friends nya. Salamat nak.

Nag reply ako..

To:tita

Welcome tita, pupuntahan ko nadin po sya sa office nya mamaya para makasigurado.

Asan sya nag punta kagabi? Kamusta kaya sya? Tawagan ko nga. Nag ring na. Pero ang tagal sagutin. May sumagot na.

"Iva--" di ko napag patuloy yung sasabihin ko dahil babae ang sumagot. "Excuse me, stop calling Ivan naiistorba sya sa pag tulog."  At biglang nawala ang linya. Natulala lang ako dito sa kinakaupuan ko... Ang sakit, ba't ganto?

"Stac- omg, bakit ka naiyak? May problema ka?" Sabi ni Mia isa sya sa mga katrabaho ko dito sa office. Close ko din sya simula pa lang nung unang pasok ko dito. "I'm o-okay, don't m-mind me "

"Nag away ba kayo ni Ivan, Stacey? Mag sabi ka nga sakin." Di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Pero dapat sabihin ko para kahit papano mawala yung bigat sa dibdib ko. "Hindi, hindi kami nag uusap. Simula pa nung isang araw mag uusap kami pero sa text lang tapos hindi pa maayos."

"Ah, baka busy lang."

"Alam kong busy sya, kaya nga ako na mismo nagawa ng paraan para mag kita kami. Pero iniiwasan nya ako. Ang bigat sa pakiramdam Mia, di ko alam kung bakit nag kaka ganun sya."

"Stacey, siguro may ibang dahilan yun. Atsaka malay mo mamaya lang sya na mismo pumunta dito."

"Atsaka.." Nahihiya akong sabihin sa kanya. "Ano yun? Sabihin mo na. Parang di mo naman kaibigan."

"Ano kasi.. Kanina tinawagan ko si Ivan. Babae sumagot."

"Baka nanay nya? Kung ano ano pumapasok sa utak mo Stacey, malay mo kapatid nya."

"Hindi nga sya umuwi sa kanila kagabi. Atsaka wala syang kapatid na babae. Sabi pa nung babae wag ko daw tawagan si Ivan naiistorbo daw sa pag tulog" Hindi ko naiwasang mapaluha habang nag kwe-kwento ako. Ang sakit talaga. Yumakap sakin si Mia at hinimas yung likod ko.

Uwian na, hindi ko alam kung pupunta ba ako sa office ni Ivan. Hanggang ngayon ang sakit padin sakin. Sana hindi dito matapos ang lahat. Miss na miss ko na sya. Pupuntahan ko na para makapag usap din kami.

Andito nako sa labas at tumawag ng taxi. Malayo kasi ang office nila Ivan kung lalakarin ko lang. Malapit nako. Bumababa ako at nag bayad sa taxi.

Pumasok ako sa loob at sumakay ng elevator, bat ganto pakiramdam ko? Kinakabahan ako na parang may di magandang mangyayari. Di ko alam kung mae-excite ako o ano.

Eto na, palapit nako sa pinto ng office nya halos wala nang tao dahil uwian na. Pero madalas nag o-over time si Ivan kasi madami daw iniwan na gawain sa kanya.

Nang bubuksan ko na ang pinto may narinig ako nag uusap. "Ivan, sabihin mo nga ako lang ang mahal mo. At hindi yung Stacey na yun. Please." Teka ano tong naririnig ko?

"Oo Kim, ilang beses ko bang sasabihin na ikaw lang mahal ko at hindi si Stacey. Simula ng binigay mo sakin ang lahat pati pag ka babae mo ikaw na ang minahal ko. Si Stacey kasi ayaw masyadong maarte." Maiiyak ba ako? O maiinis sa naririnig ko?

Nang wala nakong narinig na nag uusap pumasok ako. Nakitang kong nakaupo si Kim sa lap ni Ivan at nakawak si Ivan sa waist ni Kim habang nag hahalikan. Napatingin si sakin. Natulak naman ni Ivan yung boss nyang malandi!

"S-stacey"

"Ano 'to Ivan?" Tumulo ako mga luha kong kanina pang gustong lumabas.

"Well, andito ka pala Stacey. Long time no see." Sabi ni Kim

Hindi ko pinansin ang sinabib nya at kinausap ko si Ivan. "Ivan, sagutin mo ako!"

"Oo hindi ka nya mahal, oo pinag palit ka nya sakin. Oo may nangyayari na samin. At oo, ako na ang mahal nya! May tanong kapa? Kung wala na makakaalis kana. At naiistorbo mo kami."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" This time mas lalong lumakas ang sigaw ko. "Ivan!"

"Sorry Stacey pero-" hindi ko na sya pinatapos at tumakbo papalabas sa office na yun. Ang sama nila! Ang bababoy nila! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ganto? Bakit moko ginaganto Ivan?

Lumabas na ako sa building na yun nag lakad pa ako papalayo dahil ayaw ko sa lugar na yon. Nag mamadali akong mag lakad dahil sa sobrang galit ko.

Dare-daretso ako at hindi ko pinansin yung stop light. *beeeep!! beeeep!!* napatingin ako sa maingay na bumubusina. Nag slow motion sa paligid ko. May truck na paparating sa harap ko. Anong gagawin ko?

Biglang may tumawag ng pangalan ko "Stacey!" Si Red ang natawag sa akin kung hindi ako nag kakamali. Pero... Andyan na pala yung truck

Ang sakit ng katawan ko lalo na yung kaliwang kamay ko napansin ko na may buhat ng sa kalahati kong katawan nahawakan ko ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ko na kinaya yung sakit. "Red" Katapusan naba to ng buhay ko? Biglang nandilim ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko..

"Stacey! Gumising ka Stacey! Lumaban ka!"

Hindi ko na marinig ang sinasabi nya at biglang nandilim ang mga mata ko. Katapusan ko na ba to?





FOLLOW ME. AND DONT FORGET TO VOTE. 🌟

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon