"Hala uy, ang kapal mo. Gigisingin na talaga sana kita kaso nag dadalawang isip ako kasi baka magalit ka pag nagising kita"
"Ang galing mo talagang mag palusot Stacey, kanina ka pa nakatingin sakin so it means, kanina mo pa ko gustong..."
"Ano? Gustong ano? Hoy wala akong balak galawin ka ha! Ang kapal ng mukha mo, tingin mo gagawin ko sayo? Iw, hindi noh! At never akong nag isip na galawin ka."
"Ikaw ha, napag hahalataan ka. Di pa kasi tapos i mean, kanina mo pa ko gustong gisingin. Tsaka ano ba yung mga pinag sasabi mo? Dami mo na agad sinabi." Red said.
Medyo pahiya ako sa part na yun. Eh kasi naman eh, di ko din alam kung bakit pumasok yun sa isip ko. Grabe nakakahiya talaga. Nakakahiya tuloy humarap sa kanya.
"Ah ganun ba, wala yun. U-um, t-tara kumain na tayo. Nagugutom na ako." Palusot ko na lang kay Red.
Nauna na akong lumabas sa kwarto dahil nahihiya ako sa kanya. Eh kasi naman kasi, hahaha. Pag labas ko hinanap ko agad si manang bet. Yung bantay nila dito sa rest house nila.
Nakita ko itong nag wawalis sa garden nila.
"Hi manang." Sabi ko
"Oh, hello hija kanina kapa nandyan? Naka handa na ang pang gabihan ninyo andun sa kusina. Teka kuhanin ko lang, gising na ba si Red?"
"Ah, opo gising na siya. Tulungan ko na po kayo."
"Ay hindi na hija, bisita ka kaya gawain ko ito."
"Hindi po, okay lang."
"Salamat hija."
"Walang ano man po, sumabay nadin ho kayo sa amin sa pag kain ng gabihan."
"Hindi na, at nakakahiya mamaya na lang ako kakain."
"Ano ka ba manang, okay lang atsaka mas gusto ko na madami tayong kumakain sa lamesa."
"Oo nga manang, atsaka bakit kayo nahihiya." Red said.
Andito pala si Red di ko namalayan. Kanina pa ba siya nandyan?
"Oo na, sige na nga ang kulit nyong dalawa haha kaya bagay na bagay kayo eh."
Nag ka tinginan naman kami sa mata ni Red. May sparks na naramdam yung puso ko parang nakiliti ka. Pano ba naman kasi, once na tinitigan ka niya. Parang tinutunaw ka niya sa titig nya.
"Kain na tayo, tara na." Sabi ko.
Habang kumakain kami nag kwento si manang about kay Red.
"Alam mo ba hija, ikaw lang ang unang babaeng dinala nya dito, nagulat nga ako kasi sa dinami dami niyang naging babae ikaw lang ang idinala dito." Sabi ni manang.
"So madami ka na palang naging girlfriend Red?"
Napatingin naman sakin si Red.
"Yea, pero sa dinami dami nila walang ni isang nag seryoso sakin. You know what? Pera lang at katawan ko ang habol nila sakin." Red said.
"Pera at katawan? Siguro kung pera maniniwala pa ako. Pero katawan mo? Parang di naman."
"You don't understand me. Unang pag kakakilala ko sa lahat ng babaeng yun, seryoso at may respeto sa sarili. But im wrong. They only want fuck and money thats all."

BINABASA MO ANG
Amnesia Girl
Romance"Sana ako padin ang mahal mo, kung sakaling bumalik na ang mga ala-ala mo Stacey." Di ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Red sa mga sinabi niya. Kelan ba babalik ang ala ala ko? PS: FIRST TIME KO GUMAWA NG STORY. Start: January 26, 2017 Publ...