Chapter 6

1.8K 52 1
                                    

After 1 month...

Stacey's Point Of View



Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Asan ako? Teka, sino ako? Inikot ko ang mata ko sa paligid. May nakita akong picture sa may table. Tinignan ko ito.

Ako ba to? Sino yung kasama ko dito? Bakit wala akong naaalala? Aaaa! Ang sakit ng ulo ko. Ugh, wala ba akong kasama dito? Parang isang malaking kwarto to. Kumbaga parang master bed room. Tatayo na sana ako pero may pumasok sa kwarto.

"Stacey! Omg gising kana!" May kasama itong lalaki.

Tumingin ako sa likod ko kung sino yung tinatawag nilang Stacey wala namang ibang tao dito ako lang. Teka, familiar sakin yung mga mukha nila. Sila yata yung nasa picture.

Agad na lumapit sakin ang babae at niyakap ako, yumakap na lang din ako.

"Bakit ka tumayo agad? Hindi mo man lang ako inantay para natulungan kita. Nagugutom kaba? May gusto ka bang kainin ano?" Sabi ng babae.

"Hon, ano ka ba wag mo masyadong pinepressure yung anak natin."

Teka anak? Anak nila ako? Ha? Magulang ko ba sila?

"Na-excite lang ako. Teka tatawag lang ako ng doktor." At umalis ang babae.

"Anak are you okay? May problema ba? Kanina kapa hindi nag sasalita."

"Sino kayo?" I said.

"Are you kidding me my princess of coures im your daddy." He said

"Daddy? Daddy kita? Wala po akong matandaan eh "

Biglang pumasok yung doktor at lumapit sa amin

"Honey, wala daw maalala si Stacey."

"Omg what?!" Sigaw ng babae.

"Calm down miss, ako na po nag bahala. Stacey, may naaalala kaba? Or may natatandaan ka? Kilala mo ba sila? Alam mo ba yung nangyari sayo?"

"Hindi po eh, wala po akong maalala."

"Ma'am, Sir. May amnesia po ang anak nyo. Gawa po ng pag kaka gawa ng damage sa kanyang ulo. Ito ay pansamantala lamang, may time na babalik ang mga ala-ala nya."

"Uh, thankyou dok. Kelan ba kami makakauwi?"

"Bukas pwede na syang makauwi, at kapag sumakit ang ulo nya makibalik na lang sya dito para ma check-up sya."

"Okay dok, salamat"

Umalis na ang doktor.

"Stacey, okay ka lang ba? Hindi mo ba ako naaalala? Hindi mo ba kami naaalala?"

"Hindi po "

"Okay lang yan anak, tutulungan namin bumalik ang ala-ala mo. Okay? Kami ang mga magulang mo. Ako si mommy mo at sya naman ang daddy mo." Biglang may pumasok na lalaki

"Oh, Red andito kana pala. Tara dito, gising na si Stacey." Sabi ng daddy ko daw.

Lumapit ang lalaki samin at naka ngiting naka titig sa akin.

"Nak, si Stacey walang naaalala ni isa, pero sabi naman ng doctor anytime pwedeng bumalik yung mga ala-ala nya."

"Ganun po ba tita, sige po. May gusto po ba kayong pabilhin sakin? Pag kain? Nagugutom po ba kayo? Ikaw Stacey nagugutom kaba gusto mong kumain?" Naka tingin ito sa akin

Nagugutom nako, gusto ko na kumain ng madami grabe na miss kong kumain kaya sumagit ako.

"Hmm, oo."

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon