Chapter 1

6.2K 79 2
                                    

STACEY'S POV

"Kelan mo ba ko sasagutin Stacey? 1 year na kitang niligawan." So di na sya makapag antay ganon? "Ah, ganon? Naiinip kana? Edi wag kana manligaw. Di naman kita pinipilit."



"Hindi sa ganun Stacey, feeling ko kasi wala akong pag asa sayo." Si Ivan talaga, alam naman nya kung bakit ayaw ko pa syang sagutin.




"Alam mo naman kung bakit diba? Kapag sinagot kita ikaw ang first boyfriend ko. Syempre bago ako mag sabi ng 'yes' dapag sigurado akong mahal mo ko at hindi mo ako lolokohin."




"Mahal naman kita Stacey, alam mo naman yun diba. Please, alam nadin naman na nila tito na nanliligaw ako sayo. At pangako kapag sinagot moko hindi kita bibiguin." Di ko alam kung kikiligin ako o maiinis kasi ang kulit nya




Nag lalakad ako at sinusundan nya padin ako. Andito kami ngayon sa park. Pero pag lingon ko sa likod ko wala na sya, sabi na eh aalis din yun. Ilang minuto din ang lumipas nag tataka ako kung bakit may mga rose na hawak ang mga taong nasa paligid ko. Anong meron? Hindi naman valentines ngayon.




Biglang may lumapit saking bata at inabutan ako ng flowers hindi nya sinabi kung kanino galing at umalis na lang ito bigla, ang bango ng rose na to. Naalala ko tuloy si Ivan. Lagi nya kasi akong binibigyan neto.





Mamaya may lumapit nanaman sakin, lalaki naman walang kalayuan sa edad ko. Inabutan din ako ng rose "Thankyou, kanino galing?" Hindi sya sumagot. Ang weird naman.




Nag tataka nako ah, may lumapit nanaman sakin yung mamang nag titinda kanina ng ice cream at may dalawa syang batang kasama. Tatlong rose naman ang binigay at may letter na nakalagay bawat isang rose binasa ko sa unang rose I
pangalawa naman ay LOVE at ang pangatlo ay YOU




Di ko alam kung kanino galing to lahat, mamaya ay isang pila ng mga tao ang nasa harap ko isa-isang nag bigay ng rose. Ang dami, at paunti na ng paunti. Tanggap lang ako ng tanggap di ko na tinanong kung kanino galing.





Ang effort ha, pero naiinis ako feeling ko si Ivan. Pero di naman siguro. Nilayasan nga ako bigla eh. Dalawa na lang natitira at kinuha ko na yung isa at last na tong tatanggapin ko.




Pero namukaan ko yung suot ng nag abot sakin. Si Ivan nga, ang sweet nya talaga. "Stacey, will you be my girlfriend?" Di ko alam isasagot ko, ang daming taong nakatingin samin.




"Y-yes" Pumapayag nakong maging kami. Mahal naman nya ako at alam kong hindi nya ako sasaktan. "YES!! THANKYOU LORD!!" Nagulat ako sa sigaw nya at natawa. Ang cute nya "Salamat sa tulong nyong lahat" at nginitian nya ang mga tumulong sa kanya.




"Let's go babe?" Ano daw? "Babe?" Tanong ko "You're my girlfriend now so, babe na ang itatawag ko sayo" ngumiti sya at ngumiti din ako. Umalis na kami sa park at nag punta sa kotse nya dahil sasabihin daw nya sa pamilya nya na kami na.





Ang sweet nya talaga, kaya hindi ako mag sisisi na sinagot ko sya. Papunta na kami ngayon sa bahay nila, kinakabahan ako kahit kilala nako ng magulang nya. Andito na kami at pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse.




Pumasok kami sa loob at andun din ang buong pamilya nya. "Guess what mommy" Nakita ng mommy nya na mag ka holding hands kami. "Kayo na?" Ovious naman kasi to si Ivan. "Yes mommy, akalain mo yun?" Natatawa na lang ako sa sinasabi nya.




"It's good for both of you. Iha, buti naman naisapan mong sagutin tong si Ivan."



"Haha yes tita, matagal nadin kasi syang nanliligaw."


Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon