HAPPY 500+ READERS!! DI KO AKALAIN NA AABOT KAYO SA GANYAN. 😂 PERO NAKAKATUWA KAHIT PAPANO MAY NAKAKA APPRECIATE NG STORY KO. YUNG MGA HINDI PA NAG FO-FOLLOW SAKIN FOLLOW NYO NAKO :) GAGAWA ULIT AKO NG BAGONG STORY. THANKYOU FOR STAYING AND SUPPORTING GUYS! LALO KO PANG GAGALINGAN. :)
Natahimik ako sa sinabi niya. Girlfriend daw? Girlfriend agad? Di ba pwedeng manligaw muna siya? Mali tanong niya eh. Dapat tanong niya 'pwede ba kitang ligawan?' Dapat ganun.
"Let me think about it." sabay wink ko sa kanya.
Pwede naman, mabait naman siya ang gwapo pa. Sino bang hindi maiinlove sa itsura niya? Kanina nga lang nung kumakain kami sa restaurant ng mommy niya grabe na maka tingin yung mga babae sa kanya. Hindi ako nag seselos ah, napansin ko lang.
Tapos sobrang maalaga pa niya. Perfect na nga yata eh, kasi yung nga pinapangarap halos ng mga babae nasa kanya na. Gwapo, matalino, mabait, matangkad, mistiso, maleffort. Medyo bully nga lang at mapang asar.
"Napag isipan ko na."
"So ano? Hmm, ano na?" sabi niya.
"My answer is NO."
"What? no?"
"Yes No."
Bigla siyang natahimik. Di niya ako kinakausap. Di rin niya ako kinukulit hanggang sa nakababa na yung ferris wheel. Ganun din nung nag lalakad kami sa parking lot, nauuna siyang mag lakad. Ganun din sa loob ng kotse. Ganyan ba siya mag tampo or magalit?
"Hey, are you mad at me? Di pa kasi ako tapos sa sasabihin ko kanina. May kaduktong pa kasi yun, kaso di ko alam kung pano ko sasabihin eh hindi mo naman ako pinapansin. Galit ka ba?"
"Sabihin mo lang gusto mong sabihin nakikinig ako. Hindi ako galit."
"Kasi diba ang tanong mo sakin 'can you be my girlfriend' girlfriend agad? Hindi ba pwedeng ligaw muna? Papayag ako, pero syempre ligawan mo muna ako." feeling teenage pa ako sa lagay na to. Syempre dapat ligawan muna niya ako.
Di niya padin ako pinapansin. Nanahimik na lang din ako, baka ako naman mabadtrip sa kanya. Biglang huminto yung koste. Pinisil niya yung pisngi ko. At tumingin ako sa kanya.
"Hey, ang cute mo kapag nag tatampo para kang bata. Okay, handa naman akong mag antay sayo eh. Basta wag mo lang akong papaasahin ha?" He said.
"Oo naman." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Okay, sabi mo yan ah. Umaasa na ako" sabay kiss niya sakin sa forehead. Ugh, ang sweet talaga niya. Lalo na kapag naka tingin pa siya sakin nang daretsuhan.
Nakauwi na kami at nakakain nadin, napag kwentuhan namin yung nangyari sa ferris wheel at nag paalam sya kay mommy at daddy na liligawan niya ako. Pumayag naman sila. Papunta nako ngayon sa kwarto ko.
"Thank you. You made my day." sabi ko kay Red.
"Always welcome, thank you din. You also made my day. So, pano bukas na lang? Good night" sabay kiss ulit sa forehead ko.
Pumasok nako sa kwarto ko, at humiga. At hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng babae na kaya daw ako iniwan ng boyfriend ko kasi ganto ugali ko? Sino ba boyfriend ko dati? Kim? Oo Kim nga pangalan nun, na cu-curious ako lalo.
Pag kapa ko sa ilalim ng unan ko may cellphone kinuha ko ito, mukhang akin yata to? Kasi picture ko wallpaper eh. Binuksan ko ito, kinalikot ko, walang laman ang messages. Binuksan ko naman yung gallery walang ng picture pero may recently deleted. Tinignan ko yun.
Teka? Kilala ko tong lalaki na to ha? Eto yung nakita ko na kausap ni Red yung pinapasok niya ako sa kotse. Mag kakilala pala kami? Ang sweet namin sa mga pictures, na curious nako lalo.
Naguguluhan nako, sumasakit ang ulo ko, pati nadin puso ko. Bakit ganito pakiramdam ko? Gusto ko na bumalik ang ala-ala ko. Bakit ba kasi nangyari sa akin to?
&&&&&&&&&&&&&&&&
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw, minulat ko ang mata ko. At tumayo, naligo at nag tooth brush. Paalis nako pero tinawag ako ni daddy..
"Oh princess san ka pupunta?"
"Princess? Diba stacey pangalan ko?"
"Ay oo nga pala, yung kasi ang tawag ko anak. Kaya masanay kana. San ka pupunta? Kumain ka muna."
"Busog pako daddy, saglit lang ako. Bye"
"Te-teka."
Hindi ko na pinansin si daddy, umalis ako nag pasama ako sa driver namin. Pupunta ako ngayon sa hospital. Para tanungin kung ano talagang nangyari sakin. Andito na kami, hinanap ko yung doctor na nag alaga sakin.
"Oh Stacey, why are you here? Are you already okay na ba?"
"May tatanungin lang sana po ako sa inyo dok. About sa nang yari sa akin kaya nangyari sakin to."
"Hindi ba sinabi sayo ng mommy at daddy mo?"
"Opo, ayaw nilang sabihin"
"Car accident. Yun lang muna ako masasabi ko pero yung buong pangyayari hindi ko pwedeng sabihin. Kasi sinabihan nadin ako ng mommy at daddy mo noon pa lang. Ayaw kasi nila na makaapekto muna sayo ang mga nakaraan."
"Ganun po ba dok, okay thank you. Una na po ako."
Umalis na ako, car accident? Bakit? Sana bumalik na ang ala-ala ko. Hays naiinip nako. Lagi na lang akong walang alam. Umuwi na ako. Pag dating ko sa bahay andito na si Red.
"San kaba galing? Di ka man lang nag sabi kay tito kung san ka pupunta. Nag aalala ako sayo. Kumain kana ba?"
"Not yet, don't worry about me. I'm okay. Dyan lang sa tabi tabi. Ikaw kumain kana? Sabayan mo ko kumain"
"Sige, may dala akong madaming letche flan para sayo. Gawa ni mommy"
"Bakit ka nanggaling sa hospital Stacey?!" tanong ni daddy.
Psh, nakalimutan ko sabihan yung driver namin na wag maingay nako. Yatap na! Huhu
"A-umm, daddy ano kasi. Tinanong ko lang kung ano talagang nangyari sakin, kasi kahit ni isa sa inyo wala man lang mag kwento tungkol sa nangyari sakin. Car accident daw po, tapos wala na yun lang sinabi sakin. Ang hirap kasi dy, wala akong ka alam alam. Gusto ko nang makaalala ulit"
"Wag mo nang pangarapin na bumalik ala ala mo, sana hindi na bumalik kasi masasaktan ka nanaman, at ayokong nararamdaman mo yun."
"Yung ginagawa niyong mag lihim sakin daddy nasasaktan ako dun, pano ko kayo maiintindihan kung hindi niyo naman pinapaintindi yung mga nangyari?"
Nilabas ko yung cellphone. "At sino siya daddy? Ka ano ano ko tong lalaking to? Boyfriend ko ba to?"
VOTE VOTE VOTE VOTE.

BINABASA MO ANG
Amnesia Girl
Romantika"Sana ako padin ang mahal mo, kung sakaling bumalik na ang mga ala-ala mo Stacey." Di ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Red sa mga sinabi niya. Kelan ba babalik ang ala ala ko? PS: FIRST TIME KO GUMAWA NG STORY. Start: January 26, 2017 Publ...