Chapter Three

10 1 0
                                    

Unang stanza palang ng farewell graduation song ay naiiyak na si tiffany. Isipin palang niyang last day na niya iyon sa kanyang mahal na paaralan ay di niya mapigil ang sarili sa pagluha. Ang dami niyang mamimiss sa school na ito.

Oo, mahirap ang pinagdaanan nia dito pero kasama din duon ang mga oras na naging masaya siya kasama ang mga naging kaibigan at kamagaral nia. Maging ang kanilang mga naging tagapagturo ay mamimiss din niya.

Inisip nalang niyang after graduation ay panibagong paaralan at panibagong kaalaman ang mga matutuklasan niya. Now she's ready for something new and make new memories.

"Sana kasama ko si Richard sa bagong school na papasukan ko." Her mind speaks.

Nang matapos ang graduation program ay nagyakapan lhat ng magkakatabi. Most of them are crying.

Hinanap ng mga mata niya ang kaibigang si Richard. Kasama na ito ng kapatid at ng mga magulang kaya hindi na siya lumapit. Mamaya nalang niya ito babatiin pag hindi na busy.

Ilang sandali pa ay kausap na niya si girly na kaklase niya nang may tumakip sa mga mata niya.

Nagulat siya.
"Sino to?"  Tiffany asked.
"Guess who?" Tugon naman ni Richard. Pagkakita niya kay tiffany ay nagpaalam siya sa mga magulang.

Nagbuntong hininga si tiffany. " sino pa nga ba?" Sabay alis ng mga kamay nito sa mata niya.

Richard: congratz satin.
Tiffany: yehey!.  Ngumiti siya. San kayo magsecelebrate ?

"Kakain lang kami nila Dad sa favorite resto namin. Kayo ba?"

"Nagpahanda lang si Mummy sa bahay."  Punta ka after ng lakad niyo ha?"

"Try ko humabol"

Sumimangot si tiffany at umiba ng tingin. Nakita ito ni Richard.

"Sige pupunta ko basta hintayin mo ko ha.?"

Napangiti siya. "Ok sige."

Nagpaalam na si richard at umalis narin sila tiffany kasama ang mga classmates niya na inimbitahan niya sa bahay nila.

Masaya si tiffany kasama ang mga kaklase habang nagvivideoke sa sala. Kaduet niya si girly sa kantang destiny nang dumating si Richard.

"Ang ganda pala ng boses mo."

Nagulat ng bahagya si tiffany. andito na pala ang kaibigan.

Binitawan muna niya ang microphone para estimahin si Richard.

"Tara kain ka muna"

"Hindi na kakatapos ko lang din. Thanks."

"Ikaw bahala."

"Nasan si tita?"

"Umakyat na. Sabi niya pakainin nalang kita. Iniready na nga din ni mummy yung dadalhin mong food mamaya." Tumawa siya.

"Ang thoughtful talaga ni tita nagabala pa siya."

"Alam mo naman si mummy. By the way, Nakausap niya daw sila tito and tita kanina sa school." Sandaling katahimikan. "Pupunta pala kayo ng Manila?"

Natigilan si Richard. At pinagmasdan ang mukha ng kaibigan."Oo"

"Ikaw huh bat hindi mo man lang sinabi na may plano pala kayong magbakasyon?" Pagbibiro naman niya.

"Tiffany."

"Yes?".

"Actually may sasabihin ako sayo. Pupunta kami ng manila dun nadin kami magaaral next school year and not sure kung kelan kami babalik. Baka dun na din kami magaral ng college."

Sobrang nalungkot si tiffany nang mga oras na yun.  Nabigla siya sa narinig niya. She was caught off guard and she automatically cries and speechless as if she lost her voice for a while.

Niyakap naman siya ni richard upang patahanin pero di niya padin mapigil ang sarili sa kakaiyak. Kahit pa sinabi nitong gagawa siya ng paraan para makabalik dito every vacation.

Natatakot siyang umalis ito. Takot siyang malayo sa taong dahilan kung bakit siya masaya. Ito lang ang pinaktuturing niyang best friend at tiyak na malaking kawalan ito sa buhay niya. sa pagalis ng kaibigan siguradong malaking parte niya ang mawawala.

Two days after the graduation.

Tahimik na nakamasid si richard sa paligid ng sapa habang nakaupo sa isang tabi. Gustong gusto niya ang lugar na ito dahil presko at payapa dito. Naalala pa niya nuong unang beses na nakita niya si tiffany.

Naglalaro siya ng tubig nang marinig niyang may papalapit. Nagtago siya ng makita ang isang batang babae na naka school uniform. Oras iyon ng klase kaya naisip niyang nagbubulakbol ito. Natawa siya sa sarili dahil maging siya ay absent ng araw na iyon. But at least alam ng mama niya na absent siya.

Gusto niya itong lapitan at gawing kaibigan pero nagkamali siya ng gulatin niya ito. D niya akalaing mahuhulog ito sa pagkagulat sa kaniya.

Napailing si richard sa alaalang iyon.  Maya maya pa ay may tumakip sa mga mata niya.

"Sino ka?" Kunwaring tanong niya.

"Secret" sagot nito.

"Parang awa mo na maawa ka sakin." Pagarte ni richard na itinaas pa ang dalawang kamay.

Inalis ni tiffany ang mga kamay niya sa mata ng kaibigan.

"Grabe ka. Ano ka artista?"

"Hindi. Mukha lang artista." Pagyayabang ni richard.

"Haha! Edi kaw na da best ka.!"

Pinisil nito ang ilong niya sabay sabing."ang cuuute mo talaga!"

"Ah.! Kaw talaga!" Hinawakan ni tiffany ang ilong niya at hinabol si richard. "Humanda ka sakin pag nahabol kita pipisilin ko ng maraming beses yang ilong mo.!"

Ilang sandali pa ay napagod ang dalawa sa habulan nila. Naupo sila sa isang tabi.

"May iba ka bang hinihintay dito?" Tanung ni tiffany.

Napakunot noo si richard."tayo lang naman may usapan diba? Bat mo natanong?"

"Eh kanina kasi tinatanong mo kung sino ako."

Napangiti. "Aasarin lang dapat kita. Alam ko naman ikaw eh. Tampo ka naman agad."

"Tsssss..." tiningnan niya ito ng masama.

"Mas cute ka pag naiinis ka.."

"Kaya pala lagi mo ko inaasar. Okay, now i know." Ngumiti naman siya.

" pero mas maganda ka kapag nakangiti ka."

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito.maganda pala siya at cute sa paningin nito. Nahiya siya ng konti.. konti lang..

" uy feel na feel.. kilig ka naman." Pangaasar ulit nito.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin basta Maganda Ako.  Haha!."

"Haha! , naniwala ka naman."

"Pang asar ka talaga!."

"Haha! Ang sarap mo kasing asarin eh. Nga pala. Para sayo." Iniabot ang isang malaking paper bag.

"Graduation gift ko for you.!"

"Can i open it?" She asked with excitement.

"Sure"

A big white teddy bear.. with a letter inside the paper bag.

"Wow! Ang cute niya. Thank you." She hugs the teddy bear.

" yung letter saka mo na basahin."

Napatingin siya sa kaibigan. May kakaiba dito at di niya alam kung bakit siya kinabahan nang mga sandaling yon. Pero sa kabila nuon ay pinili niyang manahimik at maging masaya.

Mabilis na lumipas ang oras at oras na para umuwi sila. Pero bago yun ay niyakap siya ng kaibigan.

Nagtaka siya sa ginawa nito pero di padin siya nagtanong.

Malaking palaisipan sa kanya iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon