Isha's P.O.V
Bakit kapag sinasabi ko yung gusto kong sabihin sa isang tao, naiinis, nagagalit or natatawa sila? Masama na ba maging Prangka? Eh kasi, paano kung mamatay na ako bukas? E 'di hindi ko na masasabi yun sakanila.
Kapag namatay na ako bukas, hindi nila malalaman yung nararamdaman ko para sakanila. Kapag namatay na ako bukas, hindi nila malalaman yung kung ano man yung gusto kong sabihin sakanila. Kaya habang hindi pa ako namamatay, sinusulit ko na lahat kasi, s'yempre malay mo, mamatay na ako bukas. Edi sayang yung 24 hours ko ngayon.
I just want to express my feelings now before it's too late. Sabihin na ang dapat sabihin. Ang mga bagay na kailangan gawin, gawin na, kung magagawa naman ngayon, bakit ipagpapa-mamaya mo pa.
"Isha, aren't you going to eat? Come on. I'm so hungry!"- Steffi asked. My so childish friend. S'ya lang bestfriend ko ever since. Never na ako nagkaroon ng kaibigan aside from her. Classmate ko rin s'ya. Pero dahil mabait ako. Di ko na sinali introduction n'ya.
"Order mo nalang ako." I smiled.
Inis s'yang tumayo sa table namin, "Arghh! Fine!"
Si Ian.. wow. Andito s'ya. Ofcourse, diba? Canteen 'to.
Tinignan ko lang s'ya habang umo-order s'ya. Cute siya. Cute siya. Cute lang. Habang hinihintay si Steffi, napadako 'yung tingin ko sa isa pang lalaki. Teka, classmate ko rin 'to. Drei ata ang pangalan? Drei? Andrei? Ewan. Basta.
"Drew, 'nu sayo?" Tanong ni Ian. Aaah! Drew! Andrei ako nang Andrei e. Magkasama sila ni Ian. Wow, tropa?
"Kain na, b. Gutom na talaga ako." Sabi ni Steffi nang makabalik na s'ya dito. 'B' shorts for 'best'.
"B, look." Tumingin siya sa'kin, nginuso ko yung Drew. Tumingin naman siya tapos nagtaas ng kilay sakin like asking, 'so?'. "Gwapo." Sabi ko.
"Ano, crush mo nanaman?" Sabi niya.
"Hindi pa naman, nagagwapuhan lang ako sakan'ya."
"Eh? Paano yung Ian? Sabi mo, crush mi s'ya?"
"Oo nga."
"What about that guy?" nguso n'ya kay Drew.
"Wala, gwapo lang."
"Gulo mo."
-
Being 'prangka' is not that annoying. I may be one but, ofcourse. Everyone needs to. Pag namatay sila bukas, e, 'di, hindi na nila masasabi 'yung gusto nilang sabihin, 'di ba?
Dahil 17 palang ako, may driver ako. Habang pauwi, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sht, biglang umulan. Ang taas taas ng sikat ng araw kanina, ah? An'yare?
I kept on looking outside, napatigil ang mata ko sa kalilibot nang may makita akong matanda.
"Stop the car." Sabi ko kay kuyang Driver.
"Bakit po ma'am?" Tanong n'ya. Inutusan ko s'yang bumaba at kunin ang payong at raincoat sa compartment. Kinuha ko rin ang payong ko sa bag ko at yung jacket ko. In case of emergency lang.
Pinayungan ako ni kuya hanggang sa makapunta ako dun sa matanda. Wala siyang payong, andito lang siya sa waiting shed sumisilong. Binigay ko sakaniya yung payong ko pati 'yung jacket, tsaka yung raincoat.
"Lola, tanggapin n'yo na po. Para hindi na kayo malamigan at mabasa." Sinuot ko sakaniya yung jacket.
"Salamat, ija. Pagpalain ka ng panginoon." I smiled.
Paano kung mamatay na ako bukas? Atleast, may mga tao akong natutulungan bago ako mawala. :)
BINABASA MO ANG
What If I'll Die Tomorrow?
Genç Kurgu"Paano kaya kung mamatay na ako bukas?" * Sasabihin ko na ngayon sa taong gusto ko na gusto ko siya. * Sasabihin ko sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila. * Gagawin ko na lahat ng bagay na gusto kong gawin. At higit sa lahat.. * Hindi ko na sasaya...