Emerald's POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa Cafeteria upang bumili ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom simula nung umalis ako sa Silid aklatan ng Academy na 'to na tinatawag na Magic Library, ngunit habang naglalakad ako papasok mismo sa pintuan ng Cafeteria napansin ko ang mga tao na nagkakagulo kaya naisipan ko na sumiksik upang tignan ang nangyayari. Hindi dahil sa gusto kong maki chismis kundi dahil curious lang ako.
Nang makita ko na ang nangyayari, nakita ko ang isang babae na naka upo sa sahig habang ang kanyang mga pinamili ay nagsikalat sa kanyang tabi at ang isang babae naman ay naka tayo habang pinupunasan ang kanyang damit habang tinitignan ng masama ang babaeng naka upo.
Nagtanong ako sa tabi ko dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari.
"Anong nangyari? Bakit sila nag aaway?" Tanong ko sa katabi kong babae.
"Uhmm yung babaeng nasa floor po kasi hindi niya tinitignan yung dinadaanan niya kaya nabangga niya si Stephanie. Naawa ako sa babaeng naka upo ngayon kasi alam naman nating lahat na si Stephanie ay isang Class A Mage kaya kinakatakutan siya rito." Sabi nung babaing kinausap ko.
Napatango naman ako sa aking nalaman. Kung ganun kawawa nga yung babaeng nakaupo sa sahig habang umiiyak kasi banggain ba naman ang isang Class A Mage.
Kung ako lang ang tatanungin, gusto kong tulungan yung babae kasi kaawa awa siya sa itsura niya at alam kong nahihiya na siya dahil na rin sa maraming tumitingin sa kanya pero anong magagawa ko? Wala nga akong kapangyarihan eh. Aalis na sana ako dahil alam ko sa sarili ko na pag di pa ako umalis rito baka kung ano pang magawa ko na ikapapahamak ko pa.
Saktong tatalikod na ako ng marinig kong nagsalita yung Stepahanie kaya napatingin akong muli sa direksyon nila.
"Are you Blind or Clumsy? My goodness! Ng dahil sayo nasira ang damit ko." Sabi ni Stephanie habang nakataas ang kilay nito sa babaeng patuloy pa rin ang iyak.
"S-so-sorry. H-hindi k-ko naman s-sinasadya." Naiiyak na sabi nung babaeng naka upo habang pinupunasan ang luha na lumalabas sa kanyang mata gamit ang kamay.
"Hahaha. Sorry? Did you just say Sorry? Alam mo bang kailangan mong bayaran ang ginawa mo sakin?" Mariin na sabi ni Stephanie kaya mas lalo pang umiyak yung babae na naka upo.
What the?!- nagso-sorry na nga yung tao eh pero anong ibig sabihin niyang bayaran? As far as I know libre lahat dito sa mundong ito.
"Kailangan mong bayaran ang ginawa mo sakin sa pamamagitan ng pagkuha ko sa yung buhay."
Halos magsitahimik ang mga tao dito sa loob ng cafeteria ng marinig nila ang sinabi ni Stephanie. Ang tanging maririnig lang ay ang pag-iyak nung babae na palakas ng palakas.
What the hell. Did she just said na kukunin niya ang buhay na babaeng ito ng dahil lang sa natapon sa kanya ang iinumin nung babae. I can't believe this.
"S-sorry t-talaga. H-hindi k-ko naman t-talaga sinasadya." Nahintatakutang sabi ng babae habang umiiyak pero bigla siyang itinayo ni Stephanie at sinakal na siyang ikinabigla naming lahat na nandito.
"Ibabalik ko ang sorry mo sapagkat hindi ko ito kailangan. Ang tanging kailangan ko lamang ay ang iyong buhay." Seryosong wika ni Stephanie dun sa babae.
Dahil sa hindi maatim ng konsensya ko ang nakikita ko, napagpasyahan kong pigilan ang ginagawa ni Stephanie dahil kung hindi maaaring mamatay ang babaeng ito ngunit may biglang humatak sa akin kaya napatingin ako kung sino man ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/93955839-288-k467896.jpg)
BINABASA MO ANG
White Phoenix Academy: Beginning of New Adventure
FantasyAko si Crenzis Emerald Lee. Isa lang naman akong simpleng babae na may mataas na pangarap. Pangarap kong maging isang artista. Pero sa isang kisapmata, naglaho na parang bula ang inaasam kong pangarap ng dahil lang sa isang incidente. At ng dahil sa...