WPA Chapter 1

102 13 16
                                    

Author's Note: FYI Guiz. Yung prologue na nabasa niyo eh etong chapter na ito ang complete scene niya. So clear na? I dedicate this chapter to my new friend, Mr. Gurusaki and to my idol, Rising Servant.. :)

Enjoy reading !!!

~~~~~

Emerald's POV

"Hoy! Bessieeee! Gising na! Tanghali na oh?" Sigaw ng kaibigan kong si Jade habang hinahampas pa rin ang maganda kong pintuan.

"Hmm. 5 minutes please?" Sabi ko ng mahina. Pero the hell, malakas ata talaga pandinig ng babaeng ito o sadyang may lahi lang ito ng paniki? Lakas maka radar eh. Psh.

"Anong 5 minutes ka jan! Hoy bessie ! kapag di ka pa bumangon jan wawasakin ko talaga itong pintuan mo! And besides may nakalimutan ka ata?"

Napamulat naman ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.

"Oo na! Babangon na nga po ako ohh. At anong pinagsasabi mong may nakalimutan ako?" Pasigaw kong wika habang nakahega pa rin sa maganda kong kama. Lalalala~ mamaya na ako babangon hahaha bahala kang maghintay jan. .

"Gaga! Bessie nakalimutan mo agad? Pinag usapan pa natin to kagabi pero ngayon limot mo na? I can't believe this." Nayayamot na sabi ni Jade.

"W-what? What are you talking about?"

"Gaga! Isa pang beses na magsalita ka ng english eh sisipain na kita papuntang planet mars! Psh. Ugh next time di na ako magshe share sayo ng mga secrets ko. Kinakalimutan mo eh! Hmpf .. To tell you Crenzis Emerald Lee. Ngayon po yung audition sa barangay hall natin and exactly 30 minutes from now magsisimula na po iyon." Mahinahong wika ni Jade mula sa labas ng aking kwarto.

"Yun lang naman pala eh. Audition lang pala sa barang-." Naputol ang sinasabi ko nang bigla kong naalala yung pinag usapan namin ni jade kagabi tungkol sa audition ng mga may balak mag artista.

"WHAT?!! Ngayon na ba yun?"

Agad akong napabangon sa aking higaan at inayos kaagad ito.

"Yup. Exact 8:30 magsisimula na yung audition."

"Ehh! Naman eh! Bakit hindi mo ako kaagad ginising?!" Naasar kong wika sa kanya.

"Gaga! Anong hindi! FYI! bukam bibig ng bunganga mo yung salitang FIVE MINUTES. At dahil sa naasar na ako sayo kanina pa. Hinayaan nalang kita na matulog."

"Kaasar ka naman jade eh!" Nagdadabog kong wika.

"Wow bessie! Nahiya naman ako sa mukha mo. Ikaw pa may ganang maasar huh." Sarkastikong wika ni Jade.

Agad kong kinuha yung tuwalya na nakasabit sa cabinet at ang mga kailangan kong suutin sa araw na ito. Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa aking harapan ang isang bruha na nakangiti ng pang asar.

"Che! Ewan ko sayo. Tabi nga riyan! Haharang harang eh!" Naasar kong wika ng palabas na ako ng aking kwarto. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Hahaha. Bilisan mo bessie! Kundi male-late ka sa audition!" Natatawang sabi ng bruha.

"Heto na nga oh?! Binibilisan ko na. Umalis ka na nga dito baka mabato ko pa sayo itong tabo eh." Nakasimangot kong wika kay jade.

"No thanks bessie haha sayo lang yang tabo. Osya aalis na ako huh? I will meet someone pa naman eh. So byeee bessieee!"

"Sige ingat ah? Umuwi ng maaga?! Huwag na huwag mong ipapaubaya ng basta basta ang perlas ng sinilangan!" Pasigaw kong wika sa kanya.

"Che! Ginaya mo pa ako sa iyo."

"Heh! Huwag ka nga! Virgin pa kaya ako." Wika ko naman sa kanya.

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon