WPA Chapter 9

21 0 0
                                    

Emerald's POV

"Hey. Sure ka bang okay ka na?" Nag aalalang tanong sa akin ni Grace habang inaayos namin ang pwedeng dapat dalhin sa pupuntahan namin like water, foods and etc.

"Yah. Huwag kang mag alala sa akin, okay na ako." Nakangiti kong sagot sa kanyang tanong habang inilalagay ko sa bag ang Mapa.

"Then let's go. Baka mahuli pa tayo sa pupuntahan natin at siguradong naiinip na ang mga iyon kakahintay sa atin." Seryosong wika ni Grace sa akin habang isinusukbit niya sa kanyang balikat ang isang malaking bag.

"Opo ma'am. Hehehe" sabi ko at sabay saludo sa kanya.

.
.
.
.
.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Grace sa madilim na bahagi na pasilyo ng biglang siyang nagtanong.

"So Emerald, Uhmm pwede ba magtanong?" Seryosong tanong ni Grace sa akin.

"Sure! Huwag lang tungkol sa pag ibig hahaha." Natatawa ko namang sagot sa kanya.

"Pfffft. Hahaha yung totoo kasi Emerald na tanong ah hmmm .. How is your life nung hindi ka pa napupunta dito?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Napaisip naman ako dahil sa tanong niya. Paano ko ba sasabihin sa kanya na isa ako sa mga babae na nangangarap na maging isang artista.

On the second thought. Huwag na nga lang, iba nalang.

"Sobrang lungkot." Nakayuko kong sagot sa kanyang tanong kaya napatingin siya sa akin.

"Why?"

"Kasi yung family ko sa totoong mundo eh wala man lang time para sakin. Lagi nalang silang nasa trabaho."

Naalala ko pa noon, kapag tinatawag ko sila para dumalo sa program ng school namin. Hindi man lang sila interesado. Kesyo daw mad magandang magtrabaho nalang daw sila kesa sa mag aksaya ng oras sa napaka walang kwentang bagay.

Napatingin naman ako kay grace ng bigla siyang nagsalita.

"Eh? Well. Siguro wala nga silang time para sayo pero diba ginagawa lang naman nila iyon para sa kinabukasan mo hindi ba?"

"Siguro pero kahit papaano napapaisip din ako minsan. Hindi ko naman kailangan ng pera eh. Ang kailangan ko lang naman ay ang pagmamahal at atensyon na dapat ibinibigay ng isang magulang sa kanyang anak."

"Hmm. Then sino ang nakakasama mo ngayon kung busy naman ang family mo sa business niyo?"

Naaalala ko na naman ang bruha kong kaibigan. Kamusta na kaya 'yon? Haysss. Nami- miss ko na siya. Sobra.

"Hmm yung kaibigan ko. She became my bestfriend nung niligtas niya ako sa mga taong nagbubully sakin."

"Hahaha. So may tagapagligtas ka pala?"

Natawa naman ako sa sinabi ni Grace. Tagapagligtas talaga? Haha.

"Hell yeah. Parang ganun na nga." Pero agad din lumungkot ang mukha ko dahil sa naalala ko. "But the saddest part is.. Iniwan ko siya sa mundo ng mga tao at alam kong nag aalala na iyon sakin." Haysss.

Agad naman akong nabigla ng bigla akong yakapin ni Grace.

"You said na walang time sayo ang family mo diba?" Tumango naman ako bilang sagot at yinakap din siya. "And your bestfriend ang laging nagliligtas sayo." Tumango ako ulit.

Humiwalay naman si Grace sa pagkakayakap sakin na siyang ipinagtaka ko.

"Look at them." Tinignan ko naman yung tinutukoy niya and nakita ko ang mga kasama namin na nagtatawanan at nagkukulitan.

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon