WPA Chapter 8

52 5 0
                                    

Someone's POV

"Nakuha mo ba ang babae na nagmula sa mundo ng mga tao?" Tanong ng isang misteryosong lalaki sa kanyang kanang kamay.

"Opo." Sagot ng isang lalaki na nakasuot ng blackcape habang nakaluhod.

"Kung ganun. Nasaan ang babae?" Tanong muli ng misteryosong lalaki habang naglalakad papunta sa tapat ng nakabukas na bintana.

"Siya ay mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto."

"Mabuti naman kung ganun, dahil sa susunod na araw, isasagawa natin ang Magic Transfer." Nakangiting wika ng misteryosong lalaki.

Nagulat naman ang lalaki sa kanyang narinig.

"M-magic T-transfer?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.

"Oo. Tama ang iyong narinig. Yan ang natatanging paraan para lumakas pa ang ating Academy." Nakangiting wika ng misteryosong lalaki na parang baliw habang nakatingin sa labas ng bintana.

'Malapit na.' Nakangiting wika ng misteryosong lalaki sa kanyang isipan bago naglakad papalayo sa nakabukas na bintana kasama ang kanyang kanang kamay.

Emerald's POV

Nagising ako sa isang malawak na puting kwarto na kung saan nakita ko ang mga taong nakatulog sa malaking upuan, sina Ashley, Grace, July, John Ace, Dianne, Rein at Mark.

Bumangon ako ng dahan dahan at isinandal ang aking ulo sa Headboard at ipinikit ang aking mata pero habang nakapikit ang aking mata, sinubukan kong iginalaw ang aking katawan para malaman kong may masakit ba sakin pero habang iginagalaw ko ang aking katawan, tumaas ang aking kilay dahil wala naman akong maramdamang sakit.

'Ehh? Maybe I was healed by the nurse here?' Tanong ko sa aking sarili.

Hindi naman ako makapaniwala na magaling na ako kasi after all, nakatanggap lang naman ako ng isang torture mula sa isang Class A Mage which is one of the Top 20 Strongest Mage sa Academy na 'to at hindi ko naman alam na ganun pala kalakas ang isang Class A Mage.

Class A palang iyon ah! Paano nalang kapag Class S na! Tsk. Tsk. Tsk. Lagot sa akin ang impaktitang babaeng iyon kapag nakita ko siyang muli! Nakuuu! Lintik lang ang walang ganti!

"Gising ka na pala." Narinig kong wika ng isang lalaki kaya agad akong napatingin sa kung sino man iyon.

Si Mark.

"Oo. Kakagising ko lang. Hindi ba masakit ang iyong katawan na nakatulog ka sa ganyang pwesto?" Tanong ko sa kanya. Paanong hindi eh nakaupo lang sila na matulog.

"Stupid. Pwede ba Emerald na alalahanin mo muna ang sarili mo bago mo alalahanin ang iba?" Naiiritang wika niya kaya napanguso naman ako ng wala sa oras.

Napabuntong hininga nalang si mark at tumayo sa kinauupuan niya papalapit sa akin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya pero sinimangutan niya lang naman ako.

"Kamusta na pakiramdam mo? Hindi na ba masakit katawan mo? Hindi kaba nahihilo?" Sunod sunod na tanong ni niya sa akin habang hawak niya ang kamay ko.

Ugh! Why he is holding my hands!

"Y- yeah. I- im fine. Don't worry too much." Nauutal kong sabi sa kanya sabay iwas ng tingin.

Yung feeling na naaasar ako sa kanya sa tuwing nakikita ko siya pero kapag ganito na pinapakita niya na nagaalala siya sakin, Nahihiya ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero ganun yung nararamdaman ko. Basta! Yun na yun.

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon