Isa lang naman akong simpleng babae na nangangarap na maging isang sikat na artista balang araw. Ang taas ng pangarap ko nuh? Naman! Ako pa? Hahaha. So yun nga dahil sa pangarap kong iyon muntik na akong mapahamak.
Nang araw na iyon habang naglalakad ako papunta sa barangay hall namin para mag audition sa pag aartista, hindi ko napansin na may tumatakbong lalaki papalapit sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na alam na nahatak na pala ako. Take note! Holding hands while running ampeg! Ano to? Runaway Bride? Hahaha. Pero seryoso. Sinapak ko yung lalaki pagkatapos niyang/namin tumakbo. Napa- "aray" naman siya sa ginawa ko at tinignan ako ng masama tapos tumingin siya sa harapan ng nakangiti. Okay? Tinignan ko naman yung tinitignan niya. Holy crap?!! This guy is kidding me! Dinamay pa ako sa gulo niya! Wanna know why? Well it's just that andaming lalaki ang nakapalibot samin. Group of gangsters. Im hoping na sana mabuhay pa ako dahil sa kalokohan ng lalaking ito.
Dahil nakangisi nga itong lalaki na kasama ko. Nainis lalo ang pinaka leader ng mga gangster. Inutusan niya ang mga kasama niya na umatake samin at patayin kami. Pero itong kasama ko nakangisi pa rin at bigla niya akong yinakap. "Dito ka lang sa likod ko. Walang mangyayari sa iyong masama." Aba't loko to ah? Wala raw mangyayaring masama sa akin eh ano pa tawag niya dito? Naglolokohan ba kami? Pero since siya lang kakampi ko ngayon dito I will trust him.
Ayun nga. Sabay sabay na sumugod yung mga chaka na lalaki sa kasama ko. Pero siya, iwas lang siya ng iwas sa mga suntok at sipa na ginagawa ng mga kalaban niya. Pagkatapos ng ilang minuto. Pagod na yung mga lalaking umaatake sa kanya samantala siya nakatayo lang habang nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Pa-"cool" ang loko. After that, napanganga ako sa sunod na ginawa niya. Itinaas niya yung kamay niya at may lumabas na liwanag. What the hell?! paano niya nagawa iyon? Ang sakit sa mata nung liwanag. Ilang segundo lang ang lumipas tumigil yung liwanag at unti unti na rin akong nakakakita. Nang makita ko na ang paligid. Nakita ko siyang nakatayo habang bagsak naman ang mga humabol sa amin. How? Paano niya nagawa iyon? Sino ka ba? Yan ang patuloy na tumatakbo sa aking isipan bago ako nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/93955839-288-k467896.jpg)
BINABASA MO ANG
White Phoenix Academy: Beginning of New Adventure
FantasíaAko si Crenzis Emerald Lee. Isa lang naman akong simpleng babae na may mataas na pangarap. Pangarap kong maging isang artista. Pero sa isang kisapmata, naglaho na parang bula ang inaasam kong pangarap ng dahil lang sa isang incidente. At ng dahil sa...