WPA Chapter 4

76 13 7
                                    

A/N:

Dedicated po itong chapter na ito sa mga kaibigan ko..Julius, Grace, Ashley, Dianne. Hello! So enjoy reading! :D

-----

Grace POV

Ala- Singko palang ng umaga ng maisipan kong pumunta sa kwarto ni July. Bakit? Eh kasi naman! Ngayon ang unang araw ng pasok ni Emerald so kailangan kong gisingin ang unggoy kasi may sasabihin pa ako sa kanya.

Habang tumatakbo ako papunta sa kwarto ni July, nakasalubong ko si Dianne na naglalakad habang hinihimas ang kanyang tiyan. Psh.

'Gutom na naman siguro ang babaeng ito.' Sabi ko sa isip ko.

Tumigil ako sa pagtakbo at kinausap si dianne.

"Hoy! Gutom ka na naman?" Tanong ko habang nakataas ang kilay ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin.

"Hi Grace! Uhmm Oo? Hehehe." Nagkakamot ulong sabi ni Dianne sakin.

"Psh! By the way pupunta ako sa kwarto ni July. Wanna come?" Tanong ko sa kanya.

"Eehh! Mauna ka na. Pupunta lang ako Cafeteria, kukuha ng pagkain ko. Gutom na talaga ako eh." Nakangusong sabi ni Dianne habang tinutulak ako. "Sige na! Pumunta ka na sa lovey doves mo!"

Dahil sa asar ko naman sa sinabi ni Dianne hinampas ko siya sa braso niya pero the heck! Bakit feeling ko ako pa ang nasaktan? Lol.

"Oo na! Sige na pupunta na ako. Sunod ka nalang dun ah?" Sabi ko sa kanya.

"Sige." Pagkasabi ni dianne agad akong tumakbo muli papunta sa kwarto ni July.

Pagkarating ko sa kwarto ni July. Inayos ko muna ang buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Psh. Haggard ang lola niyo. Haha! So since feeling ko okay na ang ayos ko agad akong kumatok sa kulay asul niyang pintuan.

*Knock! Knock! Knock!"

Pero ilang minuto na ang lumilipas wala pa ring nagbubukas sa pintuan na 'to. Eh? Ba't ang tagal niya naman atang buksan yung pintuan niya?

"Wala kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak sa baba ko.

Pero dahil sa gusto kong malaman kong andito ba siya o wala, hinawakan ko ang seradura ng pintuan niya at pinihit ito. Nagulat nalang ako ng mabuksan ko ito. Eh! This guy! Ugh. Bakit hindi man lang niya nila lock tong kwarto niya! Lagot siya sa akin mamaya pag nakita ko siya.

Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ang bawat sulok nito. Hmm kagaya parin ng dati. Very Manly parin ang ayos ng gamit niya. Nakita ko ang isang pintuan na may nakasabit na "Don't you dare to come Inside my Room or else Your DIE!!!" Psh. Ang daming alam ng lalaking ito.

Pero dahil nga sa may pagka loko loko ako, agad kung binuksan ang pintuan ng kwarto niya at binati siya ng masigla.

"Gooood Moooorning!" Sigaw ko habang nakangiti na parang baliw.

Agad napadilat ang aking mata nung marinig ko ang isang sigaw. Tinignan ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa. What the hell!

"Aaaaaah!" Sigaw namin pareho at agad akong tumalikod sa pagkakaharap sa kanya. Feeling ko tuloy pulang pula ang mukha ko.

'Oh my gosh! Oh my gosh! I see it! I see his sexy body! He was just only wearing his boxer. Oh my gosh!' Sabi ko sa sarili ko habang hinahawakan ko pa rin ang magkabilang sides ng mukha ko.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE!" Sigaw ni July sakin.

"U-uhmm. I.. I j-just-" sabi ko pero agad niya akong pinigil.

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon