Emerald's POV
Ilang minuto na ang nakakalipas andito pa rin ako sa loob ng classroom namin. I've been waiting here for almost 30 minutes at ewan ko lang ba kung sadyang maaga lang talaga ako pumasok o sadyang tinatamad lang ang mga magiging classmate ko na pumasok ng ganito kaaga. Psh kaasar.
Maya- maya napansin ko ang isang lalaki na biglang pumasok at umupo sa pinaka likod na bahagi ng classroom na ito. Medyo may katangkaran ito, maputi na parang snow ang kanyang balat at may green siyang mata tapos kulay puting buhok. Tumayo ako mula sa kina uupuan ko at lumapit sa kanya.
"Hi! Magandang Umaga." Masayang bati ko sa kanya habang nakangiti pero agad din itong nawala ng tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay.
What the?!- Ang sungit naman ng lalaking 'to. Inisnob ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
"Uhhm. Ako nga pala si Crenzis Emerald Lee. Class E Mage at yung Magic Ability ko hindi ko pa alam. Ikaw?" Nakangiti kong tanong sa kanya kahit hindi niya ito nakita.
"Hindi ko tinatanong kung sino ka kaya umalis ka dito sa harapan ko. Wala akong panahon para makipag usap sa kagaya mo." Mahabang litanya ng lalaking 'to sakin habang nakadukdok pa rin kinauupuan niya.
Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.
What the heck?! Isang magandang katulad ko na nga ang nakikipag usap sa kanya, siya pa itong may ganang magsungit. Psh. Dahil sa ayaw naman ako kausapin ng lalaking masungit na 'to umalis nalang ako sa harapan niya. Psh. Hindi siya kawalan.
Maya-maya narinig ko ang pagtunog ng kampana ng academy na ito hudyat ng simula na ng klase. Mabilisan pumasok ang mga classmate ko sa mga upuan nila. Tumabi naman sakin ang isang babae. Medyo chubby siya kung titignan, maputi at kung ngingiti naman nawawala ang kanyang mata.
"Hi! Pasensya kung dito ako umupo." Sabi niya sakin habang nahihiyang nagkakamot ng ulo.
"Hah? Okay lang. Ano ka ba. Mabuti nga dito ka umupo eh atleast may kasama ako at kausap." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Ahh thanks. Ako nga pala si Rein Dreyar. Fire Magic is my ability." Nakangiti niyang sabi sakin. "Eh Ikaw?"
"Aahhh. Ako naman si Crenzis Emerald Lee." Sagot ko sa tanong niya pero bigla siyang napanguso.
"Eh anong magic meron ka?"
Nag-aalangan man ako pero lumapit ako sa kanya at ibinulong sa tenga niya para walang makarinig sa sasabihin ko sa kanya. Nanglalaki naman ang mata niya na tumingin sa akin.
"Ssssshhhh. Huwag mong sasabihin sa iba." Sabi ko sa kanya habang nakalagay ang hintuturo ko sa aking labi at tumango naman siya bilang sagot.
Habang nag uusap kami ni Rein, biglang pumasok ang isang pamilyar na lalaki at inilapag ang kanyang dalang gamit sa mesa.
"Hmmm. Teka san ko ba nakita ang lalaking ito? Pamilyar siya sa akin eh." Sabi ko sa aking sarili habang tinitignan pa rin ang gurong nakatayo sa aming harapan.
"Good Morning Class! I'll be your teacher in Physical Education." Nakangiti niyang sabi habang tinitignan kami isa isa. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba ng tumigil ang tingin niya sa akin at nginisihan niya ako.
Eh?
"So before we start our discussion. Please introduce yourself first. Just tell me your name and what magic do you have." Sabi niya habang nakatingin pa rin sakin na siyang mas lalong nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman ko. Napansin naman siguro ni Rein na kinakabahan ako kaya hinawakan niya ang kamay ko. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.
BINABASA MO ANG
White Phoenix Academy: Beginning of New Adventure
FantasyAko si Crenzis Emerald Lee. Isa lang naman akong simpleng babae na may mataas na pangarap. Pangarap kong maging isang artista. Pero sa isang kisapmata, naglaho na parang bula ang inaasam kong pangarap ng dahil lang sa isang incidente. At ng dahil sa...