WPA Chapter 6

73 7 6
                                    

Emerald's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang Library dahil gusto kung magbasa patungkol sa kung paano palabasin ang Magic at kung ano ang history na lugar na 'to. Yeah, nakwento na sakin nila Grace, John Ace, Ash at Dianne kung paano naitatag ang lugar na 'to pero syempre mas maganda kung aalamin ko 'to sa sarili kong sikap.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang ilang mga kabataan na kagaya ko na nagpapalabas ng Magic.

May mga nagpapalabas ng apoy sa kamay, may biglang nawawala, may lumilipad sa ire, may nagiging taong puno at syempre tulad ng sa mundo ng mga tao may mga taong naghahabulan, magkahawak kamay habang naglalakad at may nag aaway na magkasintahan at iba pa.

Hindi lang iyon, kung sa mundo ng mga tao ang ginagamit na pang-transportasyon sa himpapawid ay mga airplanes, sa mundong ito mga dragon at malalaking ibon ang ginagamit nila para makapunta sa ibang lugar ngunit mas mapapadali ang mga iyon kung may kapangyarihan ka ng Teleportation Magic.

Siguro unti- unti ko ng natatanggap na nasa ibang mundo na ako pero yun nga lang hindi mo ako masisisi kung bigla nalang ako sisigaw dahil sa mga kung anu ano nalang ang nagpapakita sa akin katulad ng mga Lost Spirit at iba pang Magical Creatures.

Pagkapasok ko sa loob ng Library, napansin ko na iilang tao lang ang narito. May nagbabasa, nagsusulat, nagkwekwentuhan at may mga taong malalandi na nagkukubli sa di makikita ng iba.

Napansin ko ang isang matanda na nakatayo habang inaayos ang kanyang gamit kaya agad akong lumapit sa matandang babae na sa tingin ko siya ang nagbabantay sa lugar na'to. Kung titignan mo ang matanda, ang edad nito ay nasa 70 pataas, pero pansin mo parin na maganda ang kanyang pangangatawan.

"Sabagay nasa ibang mundo kami." Sabi ko sa sarili.

"Magandang Umaga. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting tanong niya sa akin saka yumuko.

"Magandang umaga rin po sa inyo lola. Naku! Huwag na po kayong yumuko hehehe." Nakangiti kong bati sa kanya.

Tumingin sakin ang matanda at ngumiti.

"Hindi kataka taka na kamukha mo nga siya. Hindi lang sa mukha maging sa ugali parehong pareho kayo." Makapangahulugang sabi ni lola sakin na siyang ikinanganga ko.

Huh? Ano raw? Kamukha ko?

"Ako nga pala si Therese Mortel. Tagapangasiwa ng Silid Aklatan na 'to. Lola tere nalang ang itawag mo sa akin. Ikaw binibini, anong pangalan mo?"

"Ahh ako po si Crenzis Emerald Lee. Bago lang po ako dito at gusto kong matutunan kung paano magpalabas ng Magic." Nakangiti kong sagot sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

"Iyon ba ang dahilan kaya't naparito ka?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Ahmm nga pala, matanong ko lang po kung saan ko makikita ang libro ng pinagmulan ng lugar na 'to at yung libro kung paano gumamit at magpalabas ng Magic."

Ngumiti muna siya sakin bago naglabas ng isang papel at may ibinulong dun kaya nagkaroon ng sulat.

"Ito ang hanapin mo anak, makakatulong iyan sa iyo." Nakangiti niyang wika sa akin.

Tinignan ko naman yung binigay niya sa akin na papel at binasa ang nakasulat dun.

"The Legend of White Phoenix Clan and Red Tiger Clan."

"How to learn and control Magic."

"The Legendary Magic Tools."

At binasa ko ang dalawang panghuli na siyang ikinabilis ng pagtibok ng aking puso.

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon