WPA Chapter 10

39 1 0
                                    

Emerald's POV

"Nasaan na tayo?" Tanong ko kay Nathan habang naglalakad kaming lahat. Naglalakad kasi kami ngayon sa isang gubat.

"Tsk. Tigilan mo nga ako babae." Sabi nito sakin na parang naasar sa akin.

"Oyy! Ano nga kasi? Nasaan na tayo?" Tanong ko sa kanya habang kinukulbit ko ang kanyang bewang.

"What the hell! Stop doing that for crying out loud!" Naiinis niyang sabi sakin kaya agad akong tumakbo papunta kay Mark at nagtago sa likod nito.

"Oh? Anong ginagawa mo jan at nagtatago ka?"

"Si Nathan kasi eh! Tinatanong ko lang siya kung saan tayo pupunta p---"

"Sssshhhh. Huwag kang maingay." Sabi ni Mark habang nakalagay sa labi ko ang kanyang hintuturo. Ewan ko ba kung namumula ang mukha ko o hindi.

"A-anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Eh paano ba naman kasi bigla na lang siya tumigil sa paglalakad kaya nauntog ang ulo ko sa likod ng katawan niya tapos parang hindi mapakali yung mukha niya na animo'y may hinahanap.

"Guiz! Ihanda niyo ang inyong sarili! May sumusunod satin!" Sigaw niya sa mga kasama namin kaya naging alerto naman ang mga ito. "At ikaw Emerald, dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang aalis. Naiintindihan mo ba ako?" Tanong niya sakin kaya tumango ako bilang sagot.

Habang patuloy kaming naglalakad bigla kaming nakarinig ng kaluskos malapit sa kinaroroonan namin.

"Dianne, tignan mo nga kung ano iyon." Utos ni John Ace sa kanya.

"What?! Bakit ako?!!" Sigaw na patanong ni Dianne kay John Ace.

"Dianne! Remember, ikaw ang may kapangyarihan ng Nature kaya kontrolado mo ngayon ang lugar na ito kaya mas maganda kung ikaw ang tumingin."

"Oo nga noh? Psh. Alright! Break a leg!" Masigla niyang sigaw habang tatalon talon pa.

Eh? Seryoso? Kanina lang ayaw niya pero bakit ngayon? The way she acted parang gusto naman niya yung gagawin niya? Weird talaga siya.

Tinitignan lang namin si Dianne habang tinitignan niya kung ano ang naging dahilan ng kaluskos kanina pero ng matapos niyang itong tignan humarap siya sa amin at nagkibit balikat.

"Guiz! Wala naman eh!" Sigaw niya habang nakapamewang.

"Aisssh. We're paranoid lang siguro kaya kung anu- ano na ang naiisip natin." Sabi naman ni Ash na sinang- ayunan namin lahat.

Maglalakad na sana si Dianne pabalik sa kinaatayuan namin ng bigla kaming napanganga dahil sa nakikita namin.

"Hahahahaah. Oh my gosh! Anyare sa mga mukha niyo at nakanganga kayo?" Natatawa niyang sigaw sa amin but no one dated to answer her dahil nakapokus ang aming tingin na nasa likod niya.

"Dianne! Run!" Narinig kong sigaw ni Mark na siyang nakapagpabalik sa wisyo namin.

"Heheh. May laban ba ako ngayon ng karera at gusto niyo akong tumakbo?" Natatawa niyang sagot pero dahil nga sa seryoso ang mukha ni Mark tinignan niya kung saan ito nakatingin.

Nang tuluyan na siyang tumingin sa kanyang likod agad siyang humarap samin at sumigaw.

"Kyaaaaaaaah!!!" Sigaw niya bago kumaripas ng takbo papalapit samin.

"Graaaaaar."

"Oh my gosh! Huhuhu." Narinig namin na sigaw niya dahil hinahabol siya ng dahon ng higanteng bulaklak.

"What the hell is that thing!" Tanong niya samin habang iniiwasan ang mga atake nito papunta sa kanya.

"As far as I know that type of flower is still a Legend. That flower was called, FIuiah Flower. A type of flower that blooms only in the Death Valley." Narinig namin na sabi ni John Ace.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White Phoenix Academy: Beginning of New AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon