Kabanata 4

35 2 3
                                    

Im a QUEEN
Written by: Monicangggx

Kabanata 4



    Nanuot ang katahimikan sa paligid habang si Daniel naman ay may kung anong hinahanap. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang epekto sakin ni Daniel, alam kong bata palang kami ay hangga nako sa mga kaya niyang ipamalas. Halos lahat ng gugustuhin ng isang dalagang walang priyoridad sa buhay ay nasa kanya na. Kung tutuusin masasabi mong kapanga-pangarap ang isang Daniel Bien.
   
"Isa pang titig mo sakin, iisipin konang may gusto ka sakin Queen" napitlag ako sa pagtitig saknaya at iniwas ang aking tingin.
    Umupo ako sa kahoy na upuan katapat ng isang malambot na sofa.

"Pero hindi ko naman sinabi na iwasan moko ng tingin" Umupo naman siya sa malambot na sofa sa aking harap, may bitbit na siyang dalawang Cup noodles na umuusok pa sa init. Pati rin dalawang miniral water.

"Your so interesting Queen, i want to know you better" marahan niyang saad sabay bigay sakin ng isang Cup noodles na siyang naging dahilan upang magkasagi ang aming mga darili sa kamay.
   Rama ko ang agos ng daang daang boltahe ng kuryente na dumaloy sa bawat parte ng aking katawan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito. Pero hindi ako tanga para hindi malaman kung saan ito patutungo.
    Iisa lang naman ang sinisigaw ng puso ko. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko.

"Natatandaan moba nung bata pa tayo?" Tumango ako "Gustong-gusto kong lumabas ng bahay para makipaglaro sayo" Napatingin ako sakanya. Ang akala ko hindi niya ko pansin o kilala man lang.

"Nakakatawa ka kapag inaasar ka ng mga kalaro mo, there are also times na nakita ko ang pinaka epic mong itsura" Tumawa siya na naging dahilan lalo ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam "Pati yung time na nahulog ka sa drainage, that time natawa ako pero when I saw your face nagpumilit akong lumabas kaso yung yaya ko..." Napawi ang tawa niya na para bang sobrang lungkot niya. Ipinilig niya sa aking direksyon ang kanyang mga mata

"Noong mga oras nayon Queen, doon nagsimula ang lahat" Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating, ibinaba ko ang hawak kong cup noodles at itinuon rin ang pansin sakanya

"A-ano?" yun lamang ang lumabas sa bibig ko ng mga oras nayon

    Ayaw kong mag-bigay ng ibang kahulugan sa mga katagang kanyang binitawan. Gusto kong manatiling wala akong alam, na nakalimutan kona ang lahat, gusto kong manatiling simple lang ang mga bagay. Hindi komplikado. Matagal konang kinalimutan ang mga bagay na magpapakomplikado sa mga bagay bagay.

"Iniwan kayo ng Papa mo sa kapatid ng Mama mo, kitang kita ko kung paano niya kayo alipustahin" nakita kong ikinuyom niya ang kanyang kamao "Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang kita naipagtanggol ng mga oras na iyon" kinagat niya ang ibaba ng kanyang labi

   May kung anong bumara sa aking lalamunan at ang aking mga mata ay nag-uumpisa ng magpa-agos ng luha.

"Hindi ko alam kung masama ba o mabuti lang na nakulong ang Tito niyo, dahil simula non wala nakong napansing pasa sa mukha mo pati na sa mga braso mo" napangiti siya ng mapait nanatili parin ang kanyang mata sakin

"T-tama na..." iyon na ang naging hudyat para magpatuloy ang luhang kanina kopa pinipigil

"Ayaw konang makita kapang nahihirapan Queen. Kaya na kitang protektahan ngayon" nagitla ako ng hawakan niya ang aking kamay

"Queen Mahal kita" hindi ko alam kung ano ang dapat kong ipakitang reaksyon sakanya. Masaya ako dahil bukod sa mga kapatid ko may iba pang taong nagmamahal sakin at alam kong ganun rin ang nararamdaman ko para sakanya, Oo mahal ko din si Daniel. Matagal na. Pero hindi lahat ng bagay na ipinapagkaloob satin ay dapat nating tinatanggap.
    Mahal ko siya pero mas mahal ko ang mga kapatid ko, Mas mahal ko ang mga kapatid ko kesa sa sarili kong kaligayahan.

To be continue...

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now