Kabanata 6

33 3 5
                                    

Im a QUEEN
Written by: Monicangggx

Kabanata 6

      Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakatitig sakin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin si Daniel na nasa kanang bahagi ng kamang aking hinihigaan.

   Bakas sa mata ni Daniel ang  galit at pag-aalala? Ikinurap niya ang kanyang mata at hinilot ang kanyang sentido.

"Why?" mahinahon pero nananaig ang galit at pagkadismaya sa kanyang boses

"Why didn't you tell me?!" Nagtubig ang sulok ng kanyang mga mata

"A-ano bang sinasabi mo?" umayos ako ng aking pagkakaupo sa kama

"Y-your d-ying..." niyakap niya ako at doon na nagsimula ang pagragasa ng aking mga luha

"Hindi ka m-mamatay, Queen. Your not going to die. Trust me" iniharap niya ako sakanya at pinunsan ang mga luhang patuloy parin sa pagtulo sa aking mga mata.

"Mas uunahin kong ipagamot ang mga kapatid ko bago ako"   ayos lang sakin na mawala ako ng maaga kesa ang mga kapatid kong mas malayo pa ang mararating kesa sakin.

"No. Magiging maayos ang lahat Queen, there will be a better future for us" Sana...


   Nakakapanibago ang katahimikan sa hapagkainan naming magkakapatid ngayong hapunan. Pinagmasadan ko sila habang marahang sumusubo. Hindi ko alam kung makakaya ba nilang wala ako?

"Alam mo ate hindi ko alam kung matutuwa bako kay Papa na nag-iwan siya ng pamana satin" hindi ko mawari ang gustong iparating ni Princess sa mga sinabi niya

"Pamana? Ni wala nga siyang iniwan e?" nakatawa kong sagot sakanya

"Yang mga sakit niyo." napawi ang ngiti sa aking mga labi ng banggitin niya iyon. Wala akong sama ng loob sa aming ama ng iwan niya kami pero minsan naitatanong ko sa sarili ko kung may halaga ba kami sakanya.

   Matapos ang hapunan umupo kaming magkakapatid sa labas ng bahay namin, wala naman kaming Tv para makapanood o magliwaliw manlang.

    Maya-maya ay sabay akong niyakap ng kambal kong kapatid.

"Nako! Anong ipapabili niyo bukas? Yung mura lang ah? Nagtitipid tayo e"

"Ate... Mahal ka namin ni Prime" hindi ko alam kung bakit tumulo ang aking luha ng banggitin iyon ni Primo na hagkan hagkan parin ako.

"Mahal din kayo ni Ate" niyakap ko sila ng mahigpit hinalikan

   Naramdaman ko ang pagbilis ng hininga ni Primo at Prime sa aking magkabilang balikat, nanlamig ang buong katawan ko at lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam ang una kong ihahakbamg dahil dalawa silang nahihirapan.

"Prince! Princesssss!" humahagulgol kong tawag sakanila

  

    Hindi kona namalayan kung paano kami nakarating agad sa Ospital dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay ang mga kapatid ko. Salamat at may napadaang isang Kotse. Hanggang ngayon ay nasa loob parin ng ER sila Primo.

"Sorry I came late" humahangos pang sabi ni Daniel ng makarating siya kasama sina Princess.

   Wala paring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nakayuko ako habang nakaupo sa gilid katabi ko si Daniel na nakatuoon ang pansin sa Pinto ng Emergency room. May isang pares ng sapatos ang nakita kong huminto sa aking harapan. Ng iangat ko ang aking paningin, gusto ko lalong umiyak.
    Siya ang taong nagsakay samin nila Primo. Siya. Siya ang taong nangiwan samin ng napakatagal na panahon, pinabayaan niya kami. Siya ang taong matagal konang hinihintay.

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now