Kabanata 12

19 1 0
                                    


    Wala akong planong imulat ang aking mata dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong sistema. Hindi ko alam kung ilang beses akong tumama sa matitigas na bagay o sa kung ano mang dahilan ng pag-agos ng dugo sa aking katawan ngayon.

   Hanggang sa isa nanamang malakas na alon ang rumagasa sabay ng malakas na kulog at kidlat, sigaw at iyak ang naririnig ko habang dinama ko ang lakas ng hampas ng alon na siyang naging dahilan ng aking pagkahilo mula sa pagtama sa bagay na hindi ko ni minsang gustong tingnan pero ng imulat ko ang aking mata bago tuluyang lamunin ng dilim ay mga taong walang buhay at nagkalat na parte ng aking sinasakyan kanina ang huli kong nakita kasabay ng pagpikit ng aking mata ay ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na aking nararamdaman.
   

















    "Delia nako! Baka kailangan na niyang madala sa pagamutan" isang boses mula sa isang matandang lalaki ang nanggising sakin, sakit ng aking katawan ang una kong naramdaman

   "Estong napakalayo ng pagamutan dito sa isla natin at ayon kay Danilo ay sa susunod na linggo pa ang balik ng mga bangka dahil sa bagyo" nang tuluyan kong imulat ang aking mata ay bumungad sakin ang isang matandang babae na halos pumuti na ang lahat ng buhok sa likod niya ay isang matandang lalaking hawak ang isang sumbrero at bayong

   Dali-dali akong napaupo sa gulat "S-sino kayo?! Nasan ako?" Kahit ramdam ko sa munting pagbuka ng aking bibig ay ang sakit hanggang sa aking ulo

   "Ineng nasa Isla Pulang bato ka ako si Nay Delia at siya naman ang aking asawa si Estong natagpuan ka nila ng aking anak kagabi sa dulo ng dalampasigan malapit rito sa aming bahay na walang malay at puno ng sugat saan kaba galing ineng?" Inalalayan niya akong makaupo hinawakan ang aking kamay. "Huwag kang mag-alala mabuting tao kami, nais ka lamang naming tulungan. Ano ang iyong ngalan?"

   Sa hindi ko malamang dahilan ay tumulo ang aking luha dahil sa bawat tanong niya ay wala akong makapang sagot. S-sino ako? Saan nga ba ako galing? B-bakit ako napadpad dito? Lalong bumuhos ang luha saking mata.

   "Hindi kopo alam! Hindi ko alam kung sino ako... Hindi ko alam! Hindi ko alam" humagulgol ako sa iyak pinipilit kong alalahanin kung ano man lang ang aking pangalan ay hindi ko magawa.

   Hinagod niya ang aking likod at niyakap ako "Wag mona lamang pilitin ang iyong sarili, wag kang mag-alala at nandito kami at tutulungan ka namin" pilit kong pinahupa ang aking iyak

   "M-maraming salamat po" pumasok ang isang lalaking halos nasa parehang edad ko lamang ata at nagmano sa dalawang matanda nakasuot siya ng sumbrerong katulad ng sa matanda kulay asul na longsleeves ang kanyang suot at nakatupi ang kanyang pambabang kasootan bago dumating sa tuhod.

   "Eto nga pala ang aking anak si Danilo, Danilo eto nga pala si...." Napakamot si Nay Delia sa kanyang batok "Tatawagin kana lamang naming" kinuha niya ang isang maliit na bag sa aking tabi "Kasama ito ng matagpuan ka ang tanging laman lamang niti ay teleponong ayaw naman magbukas dahil siguro sa pagkababad sa tubig, maliit na kwadernong basang basa, panulat at panyong may burdang letrang D"

   "Nay maaaring ang pangalan niya ay nagsisimula sa D" suhestiyon ni Danilo habang ibinaba ang kanyang hawak na sumbero

   "Diana na lamang nay" suhestiyon muli ni Danilo at ipinilig ang ulo upang tingnan ako at tapunan ng ngiti

   "Diana" ulit ko sa pangalang hindi ko alam kung akin nga ba napansin ko ang suot kong malaking damit ni Nay Delia at saya nito

   "Sa makalawa ay ipapatingin natin ang iyong telepono kay Isko baka sakaling gumana pa ito" sabi sakin ni Danilo tumango lamang ako at sinubukang tumayo nakatayo naman ako ng maayos sa tulong ni Nay Delia at Danilo

   "Dalawang araw kanang hindi gising kaya't nag-aalala si tatay gusto kana nga niyang dalhin sa pagamutan ngunit walang mga bangka dahil sa bagyo" inaalalayan niya ako sa bintana ng kanilang kwarto

   Bumungad sakin ang malakas na alon sa dagat at malamig na simoy ng hanging pantanghali dhil sa nagbabadya pang pagulan napapalibutan ng punong niyog ang kabahayan rito.













   Naging maayos naman ang pagtira ko kala Nay Delia at naging maganda naman ang pakikitungo nila saakin sinubukan ko ding tumulong kay Nay Delia sa pagawa ng mga kwintas, pulseras at pamaypay na ibinebenta sa bayan minsan rin ay sa pagbibilad ng mga isda na gagawing daing ni Danilo. Madalas ay isinasama ako ni Danilo sa kabilang baryo ng isla para makalibot.

   At ngayon ay kayayari ko lamang magsaing at magluto ng aming hapunan

   Pawis na pawis na dumating si Danilo at tay estong kaya't dinaluhan ko sila agad ng tubig at pamunas

   "Salamat Diana ang sabi ko sayo bata ka magpahinga ka at baka yang mga sugat mo ay magdugo nanaman katulad ng dati" paalala ni Tay estong

   "Hayaan moyang si Diana tay napakatigas ng ulo sayang at ibibili ko pa naman sana ng paborito niyang minatamis na buko" tituonan ako ng pansing nang-aasar ni Danilo at inilabas ang ang isang kulay pulang supot

  Walang ano-ano'y lumapad ang aking ngiti at inagaw agad iyon sakanya may tatlong singlaki ng aking palad na bukong minatamis ang aking nakita niyakap ko siya ng napakahigpit sa ligaya.

   "Walang wala ang pagod ko rito sa bahay kung palagi mokong mapapangiti Dan" umikot ang aking paningin at napakalas sa aking pagkakayakap kay Danilo kumirot muli ang aking ulo na para bang minamartilyo

   "Diana ayos kalang ba?" Sumunod na pagpasok ni nay Delia sa tahanan isang hampas ang iginawad niya kay Danilo "Ikaw naman kasing bata ka masiado mo atang hinahayaang mapagod si Diana hindi pa siya gaanong magaling" iniuopo ako ni Nay Delia

   "Nay hindi po ayos lang po ako siguro'y sa init lamang kaninang tanghali kaya nahilo ako at sumakit nanaman ang ulo" ngumiti ako at itinaas ang hawak kong supot "Salamat dito! Nay, Tay kumain na tayo para mabuksan na natin ang pasalubong ni Danilo" tumayo nako ng maramdaman kong wala na ang sakit ng aking ulo at pagkahilo.

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now