Kabanata 9

21 1 0
                                    

   Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan siyang palayo sakin nagsituluan ang mga likido sa mata ko, nanlambot ang tuhod ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko.

   Napansin kong lumingon ulit siya "Queen halika na!" aya niya sakin

  Dapat bakong matuwa na inaya niya ko? Dahan dahan akong lumapit habang lihim na pinupunasan ang mga luhang nakatakas saking mata, pilit koring tinitiis ang patuloy na pagsikip ng aking dibdib

  Nang ako ay nakalapit sakanya ay inabutan niya agad ako ng shot glass na hindi ko tinanggap "Hindi na, Hindi naman ako magtatagal napadaan lang ako" tatalikod na sana ako ng iwan niya ko ng katagang yumurak muli sa puso ko

  "Hindi lang pisikal na kaanyuan ang binago mo Queen pati pala ugali mo? Kunin mona to Birthday ko naman, nakalimutan mo ano?" ngumiwi siya at muling iniabot ang shot glass

   Birthday niya? Siguro sa dami ng iniisip ko ay nakalimutan kona ang isa sa mga pinakamahalagang araw niya. Hindi nako nagdalawang isip na lagukin ang kaunting alak na iyon para hindi siya mapahiya at bilang respeto sa kaarawan niya.

   Gumuhit ang init nito sa aking lalamunan at umikot ang aking paningin.

   "M-mauna nako happy birthday, Daniel" binigyan ko siya ng ngiting sakanya kolang ipinapakita

  "Hon! Tara sa loob!" matapos niyang tumango sakin ng walang emosyon ay inakay siya ng babaeng kanina lang ay hinalikan niya sa noo

   Hanggang sa lumayo na ng tuluyan ang agwat namin.





   Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng bahay nila at nakasakay sa taxi. Halong hilo at pagkakapos ng hininga ang nararamdaman ko kaya't napakatindi ng hawak ko sa aking bag.

   "Miss ayos kalang ba? Gusto mo sa ospital na tayo tumuloy namumutla ka?" tanong ng driver

  "H-hindi po, ayos lang po ako. Sa f-ferry station na po"








   Pagdating ko sa ferry station ay medyo umayos ang aking pakiramdam ngunit ang lakas ng buhos ng ulan mukhang may bagyo pa ata. Hindi konga alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at sasakay ako sa ferry papunta sa bario ni mama.


   Ilang minuto din ay nakasakay nako sa loob

   "Jimmy wag nanga muna tayong tumuloy ang lakas parin ng ulan o" ana ng isang matanda sa asawa niya

   "Ano kaba Yves nandito na tayo" sagot naman ng awasa nito



  Nang maglayag ang ferry hindi naman ganon kaalon kaya't nakatulog ako sa pagod ng aking mata kakaiyak kanina.

   "Panginoon! Jusko! Iligtas mopo kami!"

   "Ayoko pang mamatay!"

   "Napakalakas ng alon pano nato?!"

   "Kumalma lang po ang lahat" ana ng isang crew kaya tuluyan akong nagising sa ingay

  Grabe ang pag-alon o lasing lang ako dahil sa ipinainom ni Daniel? Nangangahulog ang mga laman ng cabinet sa itaas ng upuan nagkalat na ang kung ano-ano sa lapag.

   Lalong lumakas ang sigawan ng hamapasin kami ng napakalaking alon

   "Ito po ang inyong kapitan nakakaranas po tayo ng kaonting problema sa alon ngunit wag po kayong mag-alala at gagawin ko ang aking makakaya kaya't kumalma ang lahat at isuot mga life vest"

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig na hinanap kung saan nakalagay ang vest na tinutukoy ng kapitan. God please! Save me.

  Bago ko paman. Maisuot ang vest ay humampas muli ang malaking alon dahilan upang tumilapon ang pagkakahawak ko sa vest at mapunta sa lapag.

  Ginapang ko iyon ng maingat sapagkat umaalon parin ng napakalakas

   "M-may tubig na pumasok!" sigaw ng isang lalaki at nagtatakbo palabas kasunod ng napaka rami pang tao hindi nako makaalis sa aking lugar dahil sa patuloy na pagragasa ng tao at sinabayan pa ito ng malakas pa muling alon na naging dahilan para mauntog ako sa bakal sa aking tabi

   Hindi ko naramdaman ang sakit ngunit nakita ko ang dugong tumutulo mula rito, pinilit kong tumayo at makaabot sa labas kahit hinang hina ako dahil narin siguro sa pag-apak sakin kanina at pagkauntog.

  Nang maalala ko muli ang vest ko ay gusto ko pa sanang bumalik ngunit nakita kong pumasok na ang tubig at anumang oras ay lulubog na ang sinasakyan namin. Nagsisitalunan na sila jusko! Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya't tumalon na lamang din ako at sinubukang lumangoy kahit nanghihina na.

   "H-hindi kona k-kaya" ...




Im a QUEEN.Where stories live. Discover now