Kabanata 7

34 2 3
                                    

Im a QUEEN
Written by: Monicangggx

Kabanata 7

   Hanggang ngayon ay nakatitig parin ako sakanya at ni hindi ako kumukurap, gaano nanga ba katagal? Hindi kona matandaan kung gaano katagal niya kaming iniwan at pinabayaan. Ngayong nasa harap kona siya hindi ko alam kung anong gagawin ko, ni hindi ko magawang kumilos.

"Patawarin niyo ko" ng sambitin niya ang mga katagang iyon lalong rumagasa ang aking luha.
   Niyakap niya ako, isang mainit na yakap na nagsasabing nanjan lamang siya para sayo. Hindi ko magawang itanggi na kailangan ko ang yakap na iyon sa panahong ito kaya't yumakap ako pabalik na animo'y sabik.

"P-papa..." kay' sarap muling banggitin kay' sarap muling maramdaman na hindi ako nag-iisa.

   Hindi paman nagtatagal ang aming paghagkan sa isa't-isa ay iniluwa na ng pintuan ang isang doktor at dalawang nurse na kasunod nito.

"Paumanhin... Pero wala na sila. Nagbreakdown ang puso nila dahil sa sobrang hina nito" Tinapik ng doktor ang aking balikat ngunit ako ay nanatiling walang galaw at imik.

   Ayaw tanggapin ng isip ko ang lahat ng ito. Hindi to totoo kanina palang ay kayakap ko sila, bukas ay ipagtitimpla ko pa sila ng kape at ihahatid sa eskwelahan kukulitin pa nila si Koby at Daniel. Panaginip lang ito.

"Ate, Papa? Gusto kong makita sila Prime" pagpapaalam ni Princess samin ni papa habang umiiyak

   Nanlambot ang aking tuhod at tuluyan akong napaluhod habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Queen, may mga bagay na nangyayari dahil may dahilan. Nawala man sila Prime at Primo mananatili sila sa ating puso. Mas minabuti ng Diyos na hindi na sila mahirapan at mamuhay ng masaya." Itinayo ako ni Daniel at pinunasan ang aking luha.





    ISANG buwan na magmula ng pumanaw sila Prime, ngunit sariwa parin sakin ang lahat. Ang daming pagbabago ang dumating sa buhay ko, matapos ang libing isinama kami ni papa sa kanyang bahay. Magarbo, malaki at payak ito napapalibutan ng mga pigurin at painting. Ito na siguro ang umpisa ng bagong buhay ko.


    "Queen doon na kayo titira nila Prince at Princess sa bahay ko" hindi ako kumibo

"Pa hayaan niyo nalang po muna si Ate" rinig kong sabi ni Princess

    San paba pupunta ang lahat kundi kung saan niya gugustuhing, Sanay nakong wala siya, sanay nakong ako yung nahihirapan mag-isa pero hindi ko siya hinanap, sana pala maaga siyang dumating para mas maagang nasagip ang buhay ng mga kapatid ko.

   Habang isinasakay namin amg mga bag sa malaking sasakyan niya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa katapat bahay namin. Hindi ko alam kung namalik mata lamang ba ako dahil nakita ko si Daniel na nakasilip sa bintana.

"Queen anak tara na" napabuntonghininga ako ng banggitin niya ang salitang anak sa pangalawang pagkakataon.

Bago paman tumapak ang kanang paa ko sa sasakyan niya ay nakarinig ako ng malambing ngunit matigas na tono ng boses

"Queen?" nilingon ko ang direksyon niya at nakita kong unti unti na niyang tinatahak ang kaonting pagitan na siyang nagpapalayo samin.

"Pwede kopo ba siyang makausap kahit sandali lang?" Paalam niya sa lalaking nakatayo sa puntuan ng kotse

Tanging tango lamang ang isinagot nito sakanya at tuluyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.

"Queen mamimiss kita" gusto kong humagalpak sa tawa ng ibulalas niya sa bibig niya ang mga salitang iyon

"Baliw kaba?" nagpipigil sa tawang saad ko

"Mababaliw palang..." seryosong sabi niya "Dahil malalayo ka sakin" pahabol niya pa na lalong nagpalabas ng itinatago kong tawa

"Hahahahaha Nag-aadik kaba Daniel Bien?"

"Seryoso ako" tinanggal niya ang salamin niya at isinukbit sa damit na suot niya

"Aalis nanga ko" tumalikod nako pero napatigil ako

"Palagi mong tatandaan mahal na mahal kita" Kinain ko ang natitirang espasyo sa aming dalawa

Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sakanya

"May nagbago sayo ah"

"Dahil binago moko, sa mga araw na ikaw ang palagi kong kasama pinaramdam mo sakin na hindi lang kailangan libro ang kasama ko hindi lang kailangan ituon ang atensyon ko sa bagay na walang halaga"

"Pero nagbago nako"







Im a QUEEN.Where stories live. Discover now