Kabanata 13

10 0 0
                                    



   Kinabukasan ay nagising ako sa tilaok ng mga manok sa bakuran, agad akong nag-inat at sumilip sa bintana. Agad naman akong napangiti dahil medyo umayos na ang panahon hindi na umuulan ng malakas pero makulimlim parin, malamig padin ang simoy ng hangin at halatang may pagbabadya padin ang bagyo.


"Gising kana pala, magbihis ka ha? at  ngayon na tayo pupunta kay Kiko para maipatingin na ang cellphone mo baka kasi kapag tumagal pa ay lalo lang na hindi na umayos pa" salubong sakin ni Danilo sa kusina habang nagtitimpla ako ng kape para sakanila ni tay estong


  Tanging tango ang aking naging sagot at matapos ihanda ang agahan ay tumuloy nako sa palikuran at naligo. 

   Nakasuot lang ako ngayon ng isang kulay asul na bestidang lampas tuhod na labas ang aking mga balikat regalo ito ni Danilo noong isang araw matapos makabenta kami ng malaki ni Nay Delia.


"Bagay pala saiyo ang ganyan hindi katulad ng mga damit ni nanay" humahalakhak na sabi ni Danilo na may halong panunuya


"Mabuti pa at tumulak na kayo Danilo para hindi kayo abutin ng gabi, bukas ay mag-eenroll kapa" asik ni nay Delia ng nasa labas na kami ng bahay


"Opo nay, mauna napo kami" paalam ni Danilo at iginiya na niya ako sa daang sementado 


"Kaya mobang lakarin ang ganong kalayo Diana?" 


"Sa tingin ko ay kaya ko naman tatlong barangay lamang hindi ba?" 


"Oo, huwag kang mag-alala kung hindi mo kaya ay papasanin kita"


"Ang kaso lamang kung abigat ka ay baka hindi kayanin ng aking likod" tumawa  siya ng bahagya na siyang ikinasimangot ko


"Joke lang ano kaba" napalitan ang simangot kong mukha ng tawa


"Joke lang naman din. Anong year mona sa school?"


"Grade 11 nako, maswerte nga at hindi ako pahinto-hinto katulad ng nakatatanda kong kapatid"


"Ako kaya? Dibale babalik din naman siguro ang mga alaala ko. May mga kapatid ka?"


"Wag kang mag-alala kapag humupa na ang malakas na mga alon maipapatingin kana namin. Mayroon akong dalawang kapatid ang kaso ay may mga asawa na at malayo samin ang tirahan nila"


"Nahihiya nanga ako sainyo at dagdag problema lang ako" napatungo ako at tinitigan lang ang dalampasigan na tanaw sa daang tinatahak namin ngayon


"Ano kaba masarap ang nakakatulong sa kapwa kaya hindi ka problema sa amin nila inay at itay"


"Maraing salamat talaga, pero kung sakali at makapagtapos ka ng pag-aaral ano ang kukunin mo?"


"Gusto ko sana ang may kinalaman sa business ang kaso ay wala naman kaming negosyong patatakbuhin kaya't magiging praktikal na lamang ako at magiging isang teacher" nakangiti niyang sabi

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now