Kabanata 10

24 1 0
                                    

   Nasanay akong sa aking pag-gising sa umaga'y sisilip ako sa bintana at makikita siyang nakikipagtawanan sa mga kapatid niya, nasanay akong siya ang kasabay kong papasok at uuwi galing sa eskwela, nasanay akong kami lang dalawa ang palaging magkasama, sinanay niya kong dapat siya lang ang mahalin ko.  Nasanay ako.

   Nagulat nalang ako isang araw ay aalis na sila, nasabi niya saking nabanggit ng ama niya iyon pero hindi niya alam kung kailan o kung papayag ba siya. Pero ayon ni hindi niya nakuhang magpaalam man lang.

   Isang paalam lang. Hinintay kong sumagi man lang ako sa isip niya bago siya sumakay sa kotse ng kanyang ama ngunit wala nga ata talagang pag-asa hindi ko kayang malayo siya sakin.

  Wala ring pinatunguhan ang usap namin at lalo lang akong nasaktan sa mga binitawan niyang salita. God knows how much Im hurt!

  Sa halos ilang buwan ay wala kaming komunikasyon, tiniis niya ako! Natiis niya ako! Habang ako tanong ng tanong sa kapatid niya kung ok lang ba siya, kung kumakain ba siya sa tamang oras.

  Tapos dadating siya sa birthday ko? Nang makita ko siya sa labas palang ng bahay namin gusto kona siyang yakapin, gusto kong tumakbo papunta sakanya at sabihing ayos lang ang lahat samin kahit sobra akong nasasaktan sa mga pinag-gagagawa niya.

   Ang buong akala ko kaya siya pumunta ay alam niyang kaarawan ko ngunit hindi man lang niya ko nilapitan. Sinadya kong hindi siya pansinin ng makita kong makadireksyon sila ni Honey isa sa malapit kong pinsan.

  Pero hindi kodin kinaya at tinawag ko siya, akala ko'y yayakapin niya ako ng makita ko ang saya sa labi niya ngunit nasaktan lang muli ako. Dahil kitang kita ko kung pano yon nagbago na tila dumalaw lang saglit at lumisan din.

  Ang laki ng pinagbago niya ang kanyang buhok na dati'y aliw na aliw akong suklayan sa haba ngayon ay hanggang balikat nalang niya, maging sa pananamit ni minsan ay hindi ko siya nakitang lumabas ng kanilang bahay na naka shorts o anumang kasuotang lampas tuhod ngunit ngayon sa suot niyang bukas na long sleeve polo na pinalooban lang ng itim sando pati ang denim skirt niya na tinernohan ng puting chucks ay isa na siyang tunay na Reyna sa paningin ko. Nagustuhan ko ang pagbabagong iyon ngunit sa kabila rin ay hindi.

  Hinihintay kong batiin niya ko ngunit ni walang salitang lumabas sa kanyang bibig, lalo akong nasaktan kaya't hindi ko napigilang sabihin kung gaano kalaki ang pinagbago niya at iwan siya pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko nanaman siya natiis at inaya kong muli.

  Inabutan ko siya ng isang shot, gusto ko siyang lasingin at ikulong sa bisig ko magdamag para maramdaman niya kung gaano ko siya namiss pero sa mga tinginan niya ay ni wala ata siyang nararamdaman na ganun para sa akin.

   Napadaan lang daw siya?! So hindi niya talaga natatandaang birthday ko ngayon?! This hurts!

  Matapos niya iyong piliting inumin ay umalis din siya at iniwanan ako na may kirot sa puso. Pakiramdan ko'y hindi niya nako muli pang babalikan. Na kahit hindi pa kami nagsisimula ay tapos na ang lahat samin.









  Nilasing ko ang sarili ko buong magdamag para makalimutan ko ang sakit na pinaramdam niya sakin sa mismong kaarawan ko.

  Nagising na lamang ako sa maingay na sigawan ng mga pinsan kong nasa kwarto ko ngayon.

   "Dan! Ganda nung chikas mo kagabi pakilala mo naman ako! Bakit kasi hindi mo pinag-stay" yugyog sakin ni Afli

   "Sakin nga hindi nag-stay e" mahina kong sabi

  "Yun naman! Humuhugot! May something sainyo nun no? Buti nalang di ko pinormahan baka makalimutan ka nun hahahaha" singit naman ni Jio

   "Matagal na niya kong nakalimutan" umupo ako galing sa pagkakahiga at itinulak silang dalawa paalis sa kama ko

  "Ahuh! Kaya pala nagpakalasing buong magdamag kasi broken si Daniel na akala ko ay sa libro nalang magpapakasal!" humagalpak sila sa tawa dahil sa pang-aasar sakin ni Honey

   "So what happen bro?" sumeryoso sila at nagsilapitan pa lalo

  "Wala!" sigaw ko

   "Ang baho ng hininga mo! Maligo kana nga" sigaw pabalik sakin ni Tina ang maarte kong pinsan

  Nagsitawanan muli sila at pinagtutulak ako sa cr.






  Paglabas ko ng Cr ay maayos na ang kwarto ko kaya't tumuloy nako sa kusina dahil siguradong lumalamon na ang mga iyon. Hindi parin mawaglit sa isip at puso ko yung sakit kaya mas kabuti pang idivert ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

   At tama nga ang hinala ko nadatnan ko sila sa kusina halos magkulang pa ang 6 seaters naming dining table sa dami namin ngayon.

  Umupo ako sa tabi ni Jio habang katapat namin ang dalawa naming maingay na babaeng pinsan. Nagsimula nakong kumain habang pinapakinggan ang plano nila ngayong umaga

   "Mas maganda kung ililibot muna tayo ni Daniel dito? Diba good idea? Whahaha" suhestiyon ng hambog na si Jio

   "Nice one Ji! Ngayon kalang nagkasibli hahaha Siguradong nagkalat jan ang mga nag-gagandahang babae witwiw!" banat pa ni Afli na walang inisip kundi babae

  "Anyways Dan I really want to meet that girl" maarteng turan ni Tina habang nagbrobrowse sa cellphone niya

   "The who Tin? Yung chikas niya kagabi?" tanong ni Afli

  "Right! The one thats jealous when I make kapit to Dan whahaha" muntik pang mabulunan si Honey ng sabihin niya iyon

   "No need" simple kong sabi

   "Ah basta! What I want is what I get!" sumubo muli siya at nagbrowse nanaman

   "Dont worry Bro, your girl is safe with us!" nag evil grin si Jio kaya tinitigan kolang siya









   Matapos kumain ay nag-aya sila sa plaza upang tumingin tingin sa magagandang tanawin sa aming lugar na dati ay kaming dalawa ni Queen ang palaging sumisita at bighaning-bighani rito. Ang lakas na talaga ng tama ko sakanya hindi ko alam kung mapipigilan kopa tong nararamdaman kong ito. Maya-maya pa ay binuksan ni Jio ang radyo sa kotse habang kami ay nakatayo sa labas nito.

"Whats the use of making patugtog ji? like hello we're here to make appreciate the nature" akmang papatayin na sana ni Honey ang radyo pero pinigilan siya ni Jio

"Bakit ba ang kj mo naman, wag monang patayin"

  naramdaman kong may nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya't kinuha ko agad ito nakita kong tumatawag si Prince kaya't sinagot ko ito ng walang pakundangan.





















"Kuya nawawala si Ate"

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now