Kabanata 3

33 3 5
                                    

KABANATA 3

   KATULAD ng nakasanayan tapos na agad ang lahat ng aking gagawin bago pa lamang sumikat ang araw.

"Princess bantayan mong mabuti sila Primo. Prince magpakakuya ka muna hah? Babalik din ako mamayang hapon bago mag-alas siete" Niyakap ko sila bago ako umalis.

   Naglakad nako papunta sa kanto para maghintay ng dadaan na Jeep. Nakakapang dalawang isip kung sasakay paba ako? Dahil ako lang naman mag-isa kaya ko namang lakarin at isa pa tipid din ako nito kahit papaano. Mas minabuti kona lamang na lakarin, buti na lamang at hindi ko sinuot ang sapatos na bigay sakin ni Daniel. Ang isinusuot ko parin kasi ay ang luma ko, pwede pa naman kasi e.

  Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may bumusinang kotse. Kaya't napitlag ako at lumingon.

"Kay agang ehersisyo naman ng iyong ginagawa mahal na binibini. Kung iyong mamarapatin isasabay na kita sa aking paglalakbay patungo sa mundo ng kaalaman" Hindi ko mapigilang matawa sa salitang ginagamit ngayon ni Daniel

"Hindi na. Ok lang ako." Sabi ko habang tumatawa

"Binibini." Isang salita lamang iyon ngunit walang pasubali ay nag tatakbo na akong sumakay sakanyang sasakyan. Masabi-masabi ng lolo mo. Umaambon din kasi. Hihihi.

"Kumain kana ba binibini?" Kumain nanga ba ako? Hindi pa dahil iniwan ko ang lahat ng aking binili para sobra ang kainin ng mga kapatid ko.

"Hayyyy! Ayoko nanga magsalita ng ganon! Di mo naman ako sinasagot. Ano kumain kana ba? I guess hindi pa. So tara kain muna tayo ah"

"Sagot mo tanong mo. Saka kahit naman sagutin kita gusto mo din naman ang masusunod e. Para kang si Koby sunud-sunuran niyo ko. Sabagay yun naman talaga ang role ko simula pa lang nung bata ako." Medyo natatawa kong sabi pero ng mapatingin ako kay Daniel bigla siyang nagseryoso

"Ok so ayaw mong kumain?"

"Hindi naman sa ganon-" ngumisi siya at inihinto ang sasakyan sa drive thru ng jollibee

"Two breakfast meal etc... etc..." Di kona siya pinakingan pa dahil nagulat ako sa lakas ng ulan.

HABANG binabagtas namin ang daan patungo sa school ay nag-simula na kaming kumain. Isang kamay lang ang gamit ni Daniel kaya nag-kusa nakong iabot-abot sakanya ang inumin. Sinipsip naman niya ito, napansin kong medyo namula ang pisngi niya. Mainit ba? Pero ang lakas ng aircon dito sa loob at umuulan.


   NAKAKAPAG-TAKA hindi ba pumasok si Koby? Simula kasi ng first subject namin hanggang ngayong last ng tanghali ay wala pa siya.

Maya-maya ay biglang may humahangos na tumapat sakin habang inaayos ko ang aking mga gamit "Queen im sorry. Di kita mahahatid saka next time nalang yung tutor session natin. Pinapauwi kasi ako ng maaga ni Dad. Business matter." Kibit balikat niya ngunit halata ang pagkadismaya.

"Ayos lang yon. Mag-iingat ka." At ayon nagmamadali uling tumakbo.

  Hindi ako lumabas para maglunch dahil sa tingin ko kaya pa ng tyan ko madami-dami din kasi yung kinain namin ni Daniel kanina. Wala din si Daniel dahil whole day daw pala ang training niya para sa Scince competition.

Nang magalas singko na ay ako nalang ang naiiwan sa loob ng classroom namin, ginagawa ko kasi ang mga assignment ng mga classmate ko, dagdag din kasing pera. Nangangailangan e.

"BOOM!" halos mapatalon ako ng may magtakip ng mata ko

"Sino ka?" Kabado kong sabi

"Guess who" inamoy kong mabuti ang kanyang pabango. Matipuno, kaakit-akit.

"Daniel Bien" hindi ko alam kung tama pero ang amoy niya ay isinisigaw ang pangalang Daniel Bien.

"Pano mo nahulaan ng ganon kadali" umiiling-iling nitong sabi habang magkasalubong ang kilay.

"Yung pabango mo kasi"

"Wow hah wow! Asan si-" biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin ako sa labas ang lakas parin ng ulan, kanina pang umaga ah.

"Hello Mom.... Hah? Ganon po ba?..... Alright, im with her..... Yes..... Take care too Mom"

"Sabi ni Mom hindi daw tayo makakadaan sa mga Roads halos hanggang bewang nadaw ang baha. Magstay nalang daw tayo sa office niya"

"Hah? Hindi pwede yung mga kapatid ko naiwan sa bahay wala silang kasama, siguradong pinasok na ng baha yung bahay!"

"Dont worry kasama sila ni Mom sa bahay. Tara na sa Office"

   Dahil sa kabilang building pa ang office kailangan naming sumugod sa ulan. Nang makatapak na mismo kasi sa loob ng office ng Mama ni Daniel ay pareha kaming basa.

  May kinalkal si Daniel sa isang cabinet, nakita ko na lamang na may hawak na siyang dalawang T-shirt. Walang ano-ano'y inihagis niya ito sakin.

"Ano to?"

"Pagkain yan. Try mong kagatin Queen" halos lumuwa ang mata ko ng bigla niyang hubarin ang Polo niya pati narin ang sando niya.

  Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko, hindi parin humihilom ang pagkagulat sa aking sistema. Pilit kong iniiwas ang aking tingin sa katawan niyang pinupunasan na niya ngayon pati ang buhok niyang may tumutulo pang tubig.

"Tititigan mona lang bako hanggang magkasakit ka jan?" dahan-dahan niyang isinuot ang T-shirt na hawak niya, kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga muscle niya. Kung paano ito magflex pati ang Abs at biceps niya ay sumisigaw ng kabusugan sa ehersisyo.

"A-ano kasi..." kinagat-kagat ko ang ibaba ng aking labi dahil sa hiya, ni hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
    Bago kopa tuluyang sabihin ang gusto kong sabihin ay humangos na ang aking mga paa papunta sa CR sa office ng kanyang ina.

   Ilang sandali lamang ay lumabas na agad ako, isinampay ko ang basa kobg blouse sa Kahoy na upuan sa aking gilid. Ramdam ko parin ang lamig dahil masiadong malaki at maluwag ang suot kong damit.

"It suits you well Queen. Bagay na bagay sayo." Puri niya at nagsimulang buksan ang Ref sa parang kusina ng Office.

"Sana tayo rin bagay" Parang pakiramdam ko ay nagsalita rin siya ngunit hindi ko naintindihan.

"Ano yon? Di ko narinig e?"

"Uulitin ko nalang yon kapag malakas na ang loob ko"

Im a QUEEN.Where stories live. Discover now