Joaquin's POV
Papasok na kamk ng room kasi nagbell na. Pagpasok namin wala pa yung tatlo. San naman kaya nagpunta yung mga yun? Pumasok na yung teacher namin.
"Goodmorning Class."
"Goodmorning maam"
"Okay take your seat. Parang may napapansin ako. Nasan sila Mr. Aguas, Mr. Aquino at Ms. San Pedro?"
"Kanina po pumunta po sila ng library." Mary
"Hindi nga po namin alam kung bakit wala pa po sila eh."
"Joaquin pakihanap nga sila Ms. San Pedro."
"Okay po." Lumabas na ko at pumunta ng library para hanapin sila. Nilibot ko na ang buong library pero wala silang tatlo. Bumalik na ko sa room.
"Maam wala po sila sa library."
"Maam nagtext po si Nash sakin." Grae
"Ano sabi Mr. Fernandez?"
"Baka hindi daw po muna sila makakapasok sa 1st class kasi nasa clinic po sila. Sumakit daw po yung tiyan ni Sharlene."
"Bakit kailangan dalawa pa sila ni Jai ang magbabantay dun?"
"Ewan ko po." Magsasalita na sana si maam pero biglang may nagsalita sa pintuan. Nandun sila Jai at Nash.
"Maam"
"Why are you late Mr. Aguas at Mr. Aquino?"
"Dinala po kasi namin si Shar sa clinic kasi bigla pong sumakit yung tiyan." Jai.
"Bat biglang sumakit yung tiyan ni Ms. San Pedro?"
"Hindi po namin alam. Sabi ng nurse sa Clinic food poisoning daw po." Ano?!
"Ano ba kinain ni Ms. San Pedro kanina?"
"Pagkatapos po namin sa library, bigla pong nagyaya si Shar na pumunta sa Canteen para kumain sinamahan naman namin sya. Tapos bumili lang po sya ng spaghetti at juice. Tapos bigla pong sumakit yung tiyan ni Shar." Nash. Ang kulit talaga ni Shar. Sinabihan ko sya na wag bibili sa canteen ng pagkain eh. Pasaway talaga kahit kailan.
"Kaya po pumunta kami dito para ipapirma po to sainyo.*sabay abot ng slip para makalabas ng school* kailangan pong umuwi ni Shar at ihahatid po namin sya ni Jai kasi hindi daw po makakapunta yung mga magulang ni Shar kasi nag out of town kanina lang. Kukunin lang po namin yung mga bag namin."
"Okay." Pinirmahan na ni maam yung slip. Lumapit na si Jai sa upuan ni Shar para makuha yung bag ni Shar.
"Wag kang mag alala kay Shar. Kami ng bahala kay Shar. Text ka nalang namin pag nahatid na namin si Shar." Bulong ni Jai sakin.
"Pwede bang sumama?"
"Wag na. Kami ng bahala kay Shar, tyaka baka wala ng kasama si ate Raine mamaya. Sige ha mauna na kami."
"Teka" hindi na ko pinatapos ni Jairus sa pagsasalita kasi tinawag na sya ni Nash.
"Bye maam." Nash and Jai
"Ingatan nyo si Shar ha." Sabay giggle ni maam.
"Syempre maam iingatan talaga namin sya. Mahalaga sya samin eh." Naghiyawan naman yung mga kaklase ko.
"Sige maam una na po kami." Umalis na silang dalawa. Nag aalala talaga ako kay Shar. Maghahalfday nalang ako mamaya. Kailangan kong bantayan si Shar. Buong klase ay lutang yung isip ko. Nag aalala talaga ako kay shar. Hindi ako mapakali.
Break time na namin ngayon. Humiwalay muna kami ni Ate Raine kasi may paguusapan daw kami. Pumunta kami sa Farden dahil tahimik dito
"Ano paguusapan natin ate Raine?"
"Hindi ako manhid Joaquin. Alam kong may crush ka sakin. Thankc you dahil may crush mo ko. Pero Sorry kasi may boyfriend na ko. 3 years na kami. Next year ieengage na kami. Tyaka ramdam ko na paghanga lang ang tingin mo sakin. Tyaka ramdam ko rin na si Shar ang gusto ng puso mo." Hindi pa nga ako naguumpisa busted na agad?
"Hindi mo pa kasi narerealize na mahal mo ang bestfriend mo. Mahal ka rin naman ni Shar ramdam ko yun. Alam kong nagseselos si Shar sa twing magkasama tayo. Kung ako sayo alamin mo yung nararamdaman mo kay Shar. Kaysa naman na kung kailan hindi na sya pwede tyaka mo palang mararamdaman na mahal mo Shar. Ikaw din. Masasaktan ka. Ano ba yung nararamdaman mo kung kasama mo si shar?"
"Masaya ako. Parang kumpleto yung araw ko pag kasama ko sya. Kung hindi ko sya kasama nalulungkot ako at namimiss ko sya."
"Ano naman ang pakiramdam mo kapag nakikita mo syang may kasamang iba?"
"Parang gusto kong sapakin yung kasama nya."
"Confirm. Mahal mo na nga si Shar. Kailangan marealize mo agad yung nararamdaman mo kay Shar, baka maunahan ka pa nila Jai at Nash."
"Salamat ate Raine. Itatry kong irealize yung nararamdaman ko kay Shar."
"Youre welcome." Bumalik na kami sa barkada. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung feelings ko para kay Shar.
"Guys maghahalfday lang ako. Kailangan kong puntahan si Shar."
"Nandun naman sila Jai at Nash ah." Kobi
"Basta uuwi ako. Sabi nila sakin magtetxt sila Jai pag naiuwi na nila si shar. Pero hanggang ngayon wala pa rin silang text. Sige ha akyat na ko para kunin yung gamit ko. Bye guys." Pumunta na ko ng room at kinuha yung gamit ko dumiretso ako ng faculty para kumuha ng slip para makalabas ako sa guard buti naman at effective ang dinahilan ko. Kailangan ko talagang bantayan at alagaan si Shar. Sumakay na ko sa kotse at nagmaneho papunta kila Shar.
》》》》》》》》》》》》》》》》
PLEASE VOTE AND COMMENT PO! DEDICATED TO: RedRys_28 AlleanMagpantay
-FRANCINE ♥♥♥♥
![](https://img.wattpad.com/cover/96137240-288-k181826.jpg)