Chapter 8

93 7 1
                                    

Joaquin's POV

Pagkatapos kong uminom bumalik ako sa sala ngunit wala na sila Shar dun. Nasan kaya sila?

"Tita Carrie sila Shar po?"

"Nasa Garden."

"Sige salamat po." Pumunta naman agad ako sa Garden.

Pagdating ko sa Garden naabutan ko na nakapatong si Shar kay Nash. Nanlaki ang mata ko. Nagulat naman sila dalawa ng makita nila ako. Tumayo sila agad.

"Ah wacky baka kung ano iniisip mo ha. Nadapa kasi ako tapos natumba si Nash kaya nakita mo kaming magkapatong."

"Oo nga tol nadapa lang sya sakto nasa harap nya ko kaya nya ko nadaganan."

"Okay." Cold kong sagot sakanila.

"Pasok lang ako sa loob." Paalam ko sakanila at pumasok na ko. Nakakainis bat ang sweet nila sa isat isa? May Chance ba na mahulog si Shar kay Nash? Hay kung ano ano nalang iniisip ko.

Shar's POV

"Ikaw kasi Nash eh yan tuloy."

"Wow ako pa. Sino kaya satin yung lampa? Hahaha.."

"Grabe ka. Hahaha.. hindi ako lampa. Strong ako. Hahaha.."

"Oo na Strong na kung Strong. Hahaha.. ah Shar may tanong ako."

"Ano?"

"Mahal mo pa rin ba si Joaquin?"

Nagulat ako sa tanong nya. Mahal ko pa nga na si Joaquin?

"Ewan ko. Kung mahal ko pa rin sya wala rin naman akong pag asa kasi alam kong mahal nya si Ate Raine. Tyaka baka MU na nga sila eh. Pero sa tingin ko kailangan ko ng kalimutan yung nararamdaman ko sakanya."

"Nandito naman ako para tulungan ka." Sabay hawak nya sa kamay ko.

"Salamat."

"Ehem ehem pwede bang pumasok na kayong dalawa dito? Magmemeryenda na din kasi. Tyaka gising na si Jai. Nagluto si mama ng Pancit Canton." Masungit na sabi ni Joaquin. At pumasok na sya.

"Ano ba talagang problema nun? Bat ang sungit nun?"

"Ewan ko dun. Hayaan mo na sya. Tara gutom na ko." Sabay hatak kay Nash.

"Kailan ka pa ba nabusog? Hahaha."

Hindi ko na sya sinagot at pumasok na kami sa loob.

"Uy ano yang holding hands na yan. Kayo na ba? Naku Shar ha alam ba yan ni mama?" Ate Kath. Binitiwan ko agad ang kamay ni Nash.

"Pinagsasabi mo ate Kath? Hindi kami ni Nash okay? Friends lang kami."

"Ouch" bulong na sabi ni Nash.

"Ano nash?"

"Huh? Wala wala."

"Ah okay."

"Sigurado kang Friends lang?"

"Oo nga ate Kath. Ikaw naman tanungin ko kayo na ba ni kuya Daniel?"

"Jusko Sharlene anong tanong yan? Syempre hindi. Aral muna uy." Ate Kath.

"Oo nga naman Shar, mag aral muna kayo. Nakakapaghintay naman kaming mga lalaki eh." Kuya Daniel.

"So hihintayin mo si ate Kath?"

"Oo naman." Nagblush naman si Ate Kath.

"Uyyyyy namumula si ate Kath oh. Boto ako sayo kuya Daniel. Hahaha.."

"Salamat Shar, Salamat."

"Tara na kain na tayo." Kumuha na kami ng pagkain namin. Ganto ang pwesto namin.

Kuya DJ|Ate Kath|Nash|Tita N
---------------------TABLE-------------------
Tita C| Jairus|Ako|Wacky|Tita E

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin lahat na manuod nalang ng movie. Horror ang pinanood namin. Majority kasi eh. Ako lang naman ang may ayaw sa horror eh.

"Guys akyat nalang ako ha."

"Ang KJ mo Shar." Ate

"Wag ka ng umakyat Shar. Nanjan naman sila Wacky oh." Kuya DJ

"Oo nga naman Shar nandito lang kaming tatlo oh." Jai.

"Okay sabi nyo eh."

Joaquin's POV

Tuwing may nakakatakot na scene napapayakap or napapakapit sya kila Jai at Nash. Katabi nya kasi yung dalawa. Nandito ako sa baba nya nakapwesto. Naiinis lang ako kasi parang may chance na mahulog si Shar kahit kanino kila Nash at Jai. Tyaka medyo nagtataka ako dahil madalas na akong iwasan ni shar at lagi nalang sila Nash at Jai ang kinakausap nya. Oo na inaamin ko na sa sarili ko na MAHAL KO NA SI SHAR AT NAGSESELOS AKO SA SWEET GESTURES NILANG TATLO! GAGAWA AKO NG PARAAN PARA MAUNAHAN YUNG DALAWA!

》》》》》》》》》》》》》》》》

HANGGANG DITO NALANG PO MUNA.. MAG EENTRANCE EXAM PA PO AKO SA UE CALOOCAN BUKAS EH.. BABAWI NALANG AKO SA NEXT CHAPTER. PLEASE VOTE AND COMMENT PO.. SALAMAT... LOVE YOU ALL

-FRANCINE ♥♥♥

Falling In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now