CHAPTER FOUR: BOOKWORM

2 0 0
                                    

Jessie's POV

"Kuya, tumawag na ba si mama?", tanong ko kay kuya.

"Hindi pa, pero baka mamaya sya tumawag. At sasabihin kong tumawag sya sayo." Sagot ni kuya

Nasa London si mama at papa, bata pa lang kami dun na sila nag wowork, naiwan kami ni kuya kay lola.

Ako nga pala si Jessie Mae Reyes. Ako yung tipo ng babae na masungit, tahimik at iilan lang yung kinikilalang kaibigan. Hindi ako friendly, dahil ayaw ko sa magulo. Pero kalog din naman ako sa mga piling kaibigan ko. At mahilig ako mabasa ng mga libro at magtravel.

Si kuya ang kasangga at tagapagtanggol ko lage at maituturing kong best friend. Pero,ngayon bihira na kami magkasama,ayaw ko naman agawin atensyon ni kuya kay ate Sofie.

Hindi kami ganun kayaman. Pero may maliit kami na business dito na pinagipunan nila mama. Isang maliit na restaurant. Pero kahit maliit madaming kumakaen. Si kuya ang nag mamanage at tinutulungan ko sya.

"hello",biglang may tumawag sa akin.

"hello anak? Naayos mo na ba yung papers mo?" tanong sakin ni mama

"opo ma inaayos ko na po." Sagot ko naman

"sige anak, pupunta ka na dito once okay na yung papers mo. Sige nak, ingat kayo ng kuya mo dyan. Bye. Iloveyou." Sabi ni mama

"Sige po ma, kayo din ni papa, iloveyou too" at binaba ko na yung phone ko.

Pinapasunod na ako nila mama at papa sa London, pero si kuya maiiwan dito kasi sya yung nag mamanage ng business namin.

Ayaw ko sana iwan dito si kuya pero kasi kailangan kong mag aral ulet duon ng photography para mas maayos ang mga kuha ko at dahil yun ang gusto ko

"kuya, kakatawag lang sa akin ni mama, tinanong kung okay na mga papers ko. Sabi nya pupunta na ako dun once naayos na papers ko." sabi ko kay kuya

Andito kami sa sala ngayon at nanunuod,bonding nmin ni kuya

"Ay si bunso iiwan na ako dito, malulungkot na ako." Pgadadrama ni kuya.

"kuya naman eh, andyan kaya si ate Sofie. Saka bibisitahin kita dito. At behave ka lang ah. Tutuparin ko lang ang pangarap ko.Mamimiss kita ng sobra kuya. Wala na akong tagapagtanggol dun" malungkot na sabi ko

"ikaw talaga. Halika nga dito" sabay gulo ng buhok ko at niyakap nya ako. "alam kong kaya mo yan,alam kong malakas ka. Basta tawagan mo lang ako pag nalulungkot ka ha or may ngaaway sayo dun. Pupunta agad ako" masayang sabi nya.

"kuya alis muna ako saglit ha?may bibilin lang ako." Paalamko sa kanya. Ayaw ko kasi ng malungkot kaming dalawa.

"okay sige magkikita din kami ni Sofie eh.Mag iingat ka" sabi ni kuya.

Umalis na ako ng bahay. Nag cocomute lang ako kasi hindi ako marunong mag drive. At ayaw kong matutunan.

Balak kong mag mall ngayon at magtingin tingin ng mga libro. Kasi nakakabored din naman pag nasa bahay lang. Busy rin kasi ngayon sila Peter at Jenny eh.

Silang dalawa lang yung tinuturing kong kaibigan, at kilalang kilala na namin ang isat isa since elementary kami. At nagkakasundo kami dahil gusto namin ng katahimikan.

From: Peter

Friend, asan ka?pwede ka ba ngayon? Andito kami ni Jenny sa tambayan natin. Punta kakung free ka.

Text sakin ni Peter. Akala ko ba busy sya.

To: Peter

Okay sunod ako. See you.

TRUE LOVE WAITSWhere stories live. Discover now