Tricia's POV
"Babe, Im sorry",sabi ko kay Chino. Kasi baka nagalit sya nung isang araw nung nakita nya kami ni Chester na naghahalikan sa club. Si Chester yung ex-boyfriend ko.
Andito ako ngayon sa condo ni Chino. Hindi kami mag makasintahan pero 5 months na kami lumalabas labas magkasamasimulanung nangyari yung insidente kung paano kami nagkakilala.
-flashback-
"Tricia, come with me", sabi ng isang lalaki. Hindi ko matandaan kung pano nya ko nakilala. Kasi sa club kung sino sino nakikilala ko.
"i'm not going with you" sabi ko at medyo napalakas ako ng sigaw. Medyo natamaan na kasi ako ng alak na iniinom ko.
Hiniwakan nya na ko sa braso ng mahigpit at nasasaktan na ako.
"Pre,ayaw nga nya sumama.Kaya wag mo ng pilitin.", sabi Chino pagkalapit nya sa amin
"Sino ka ba?!",pasigaw na tanong nung lalaki.
"Boyfriend ko!", sabi ko.Nagulat yung lalaki, maski si Chino nagulat.
Biglang bumitaw yung lalaki sa pagkakahawak nya at umalis na.
"what's with that?", tanong ni Chino sa akin.
"Para layuan na ko ng lalaking yun. Okay? Pero thank you talaga. From now on, boyfriend na kita.", sabi ko sa kanya.
At dun nagsimula kaming magkakilala ni Chino.
-end of flashback-
Ako nga pala si Tricia Mendoza. Mabaet, maganda at mayaman. Mayaman ang mga magulang ko. Marami kaming business. Nag iisa akong anak. Spoiled brat. Mahilig din mag club para makahanap ng kaibigan.
Marami ang nanliligaw sa akin at maramirin akong nagiging ka fling perosimulanung dumating si Chino, nag iba ang lahat. Bihira na lang ako pumunta sa club. Hindi kami official magbf/gf ni Chino pero alam kong mahal ko sya. Pero sya hindi nag babago. Ganun parin sya,hindi ko naman sya masisi kasi biglaan ang lahat.
"Babe?" tawag ko sa kanya.
"Nakabihis ka na pala, may pupuntahan ka ba?", tanong nya.
"Mag kikita kami ni Monica. Sama ka?", sabi ko. Magkikita kami ni Monica pero kasama si Chesteryung ex boyfriend ko. At alam kong hindi sya sasama kasi never pa sya sumama sa mga lakad ko na kasama ang mga kaibigan ko.
"Hindi, pupuntahan ko si mama eh. ",sagot naman nya.
"Okay, i'll text you when i'm already with Monica. Bye", paalam ko sabay alis.
To: Babe
Babe, kasama ko na si Monica. Love you. Mwaaa.
Nag text ako kay Chino pagkakita namin nila Monica.
From: Babe
Okay babe, text me when i'll pick you up. Love you. Take care.
Nagreply naman sya. Oo mabaet si Chino at gentleman pero hindi talaga maalis sa kanya ang pagka chic magnet.
"Hi sissy!" bati sakin ni Monica pagkakita, sya nagbest friend ko best friend namin ni Chester. At alam nya lahat nangyayari sa akin.
"Hi sissy,kamusta ka na?" bati ko sabay yakap.
"Tara na muna dun sa table? Andun na rin si Chester." Sabi nya sabay turo dun sa pwesto namin.
Tumungo na kami dun sa pwesto namin at umupo.
"hi",maikling bati ko kay Chester. In good terms naman kami pero nakakailang lang kasi.
"hi" bati nya rin at biglang may katahimikang naganap.
"tara order na tayo." Sabi ni Monica para mawala ang katahimikan.
Nag order na nga kami at nagkwentuhan ng kung ano ano pero si Chester tahimik lang. Mas marami yung pagkakataon na nakikinig lang sya sa amin ni Monica.
"Chester,okay ka lang?", tanong ni Monica sa kanya. "Kanina ka pa kasi tahimik dyan. Magkwento ka naman"
"Okay lang ako." maikling sagot nya sabay ngiti.
"Excuse lang ah, magcomfort room lang ako," paalam ni Monica at nagkaroon ng katahimikan sa amin ni Chester.
"chester"
" Tricia"
Nagkasabay kaming dalawa. "sige mauna ka na" sabi ko.
"Sorry sa ngyari nung isang Linggo ah" sabi nya. "Sorry kung inaya kita sa club nun at nakita tayo ni Chino. Mahal mo na ba sya? Wala na bang pag asa sa ating dalawa? Sorry kung naging gago ako. Sorry kung nasaktan kita."
Natahimik ako saglit. Iniisip ko kung mahal ko nga ba si Chino or kasi andyan sya lagi sa tabi knowing our situation. Oo sobra ako nasaktan sa ginawa sakin ni Chester kaya naging ganto ako.
-flashback-
Anniversary namin yung ni Chester. Tinatawagan ko sya that time pero hindi parang nakapatay yung cellphone nya. Kaya nagdecide ako na pumunta sa bahay nila.
"SiChester po?" tanong ko sa isa sa mga maids nila.
"Ay mam, nasa kwarto po nya." Sabi nya sakin.
"Sige pupunta na lang ako."sabi ko
"ay mam, ayaw nya po mag paistor---," hindi ko na pinatapos yung sasabihin ng maid nila nagtungo na ko papunta sa kwarto nya.
Kakatok na sana ako ng may marinig akong maingay sa kwarto nya at boses iyon ng isang babae at sa ingay na yun maririnig ko yung pagmamake out nila.
Bakit ngayon ba kung kelan anniversary natin. Ang sakit Chester, patakbo akong umalis sa bahay nila na umiiyak at dumeretso ako sa club.
At kinabukasan nakipaghiwalay ako kay Chester at sinabi sa kanya yung dahilan.
Isang taon na ang nakalipas, simula nung magkahiwalay kami ni Chester.
-end of flashback-
"i guess its a yes" banggit ni Chester at nawala yung pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.
"Hindi ko alam pero masaya ako kasama sya."sagot ko
Bigla naman bumalik si Monica.
"Sissy, need ko na umalis may pupuntahan pa kasi ko." Sabi ko.
"Sabay na ako sis." Sabi ni Monica.
"Sige, hahatid na muna kita sainyo kesa mag taxi kapa." Sabi ko
At sabay sabay na nga kami umalis ng restaurant.
"Bye",paalam ni Chester sa amin pero nakatingin syasa mga mata ko.
"Bye, Ches!" paalamni Monica sa kanya.
At nasa bayahe na kami ngayon ni Monica papunta sa kanila.
"Sis, tingin ko mahal ka pa ni Chester. Alam kong masaya ka kay Chino, pero tignan mo naman yung sitwasyon nyo. Mahal mo pa rin ba or may natitira ka pa bang pagmamahal kay Chester?" biglang pangbabasag sa katahikan.
"Di ko alam",yun lang ang naisagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung mahal ko pa sya. Kasi ang alam ko masaya ako sa tabi ni Chino.
Am i still inlove with him?
![](https://img.wattpad.com/cover/97838138-288-k580830.jpg)
YOU ARE READING
TRUE LOVE WAITS
RomansaHanggang kelan kaya tatagal ang relasyon na malayo kayo sa isa't isa? Kaya nyo bang tiisin na wala kayo sa piling ng isa't isa? Makukuha mo pa kayang makatakas sa mga tuksong nasa paligid mo kung ang minamahal mo ay malayo sayo? Sa isang salita, man...