CHAPTER EIGHT: JUST A DREAM

2 0 0
                                    

Chino's POV

"Chino, buntis ako. At ikaw ang ama" sabi ni Tricia

"hindi totoo yan Tricia" sabi ko sa kanya.

"ikaw ang ama nito Chino" pilit ni Tricia

Hindi ko alam ang isasagot ko. Umalis na lang ako bigla at iniwan sya.

Paano ngyari yun? Paano kami ni Jessie.

Si Jessie ang mahal ko at seryoso na ako sa kanya.

Kung kelan magserseryoso na ako sa isang babae, ganto pa mangyayari.

Binukasan ko yung laptop ko at nag online sa fb.

May nakita ako sa news feed ko.

Jessi Mae Reyes is Married

Natulala ako. Ano yung nakita ko?

Bat ang bilis ng pangyayari. Kinakarma na ba ako sa mga pinaggagawa ko.

Saktong nakaonline sya nag message ako sa kanya.

Me: Kinasal ka na?

Jessie: Sorry tol

Me: Kelan pa?

Hindi na sya nagreply. Nag log out na sya.

Nagtungo ako sa profile nya. Nakita ko yung picture nya at nung lalaki. Parehas silang masaya. At nakaunfriend na ako sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Eto ako nakatulala at umiiyak.

.............

Nagising ako.

Bigla akong napaupo.

Weeew! Panaginip lang pala.

Pero agad agad akong tumayo at nagbukas ng laptop para makasigurado. Hindi totoo ang lahat.

Tumawag na rin ako kay Tricia para kamustahin sya. Muka naman masaya sya ngayon kay Chester.

Nag browse na rin ako ng mga picture ni Jessie. Napatulala ako sa ganda nya. Tunay ngang nabihag nya yung puso ko.

At saktong naka online sya.

Me: Goodmorning tol 

Jessie: Goodmorning din tol  out na muna ako may pasok ako eh. Mamaya na lang.

Me: okay sige tol. Ingat ka

After two weeks

Madalas parin kami mag usap ni Jessie. At hindi na rin ako madalas mag punta sa clubs. Naayos na rin naming ni mama yung mga papers naming papunta sa Japan.

Ngayon din ang dating ni Bea.

Tumawag ako may mama.

"Ma, papunta na po ako dyan" sabi ko kay mama

Excited na kong makita yung kapatid ko. Tagal kong walang kakulitan.

Dinaanan ko na si mama at dumaretso kami sa airport.

Naghintay kami ng 30mins sa airport bago makadating si Bea.

"kuya!" sigaw ni Bea. Takbo nya sakin sabay yakap.

"ikaw talaga bunso" niyakap ko sya pabalik.

"tara na at kumaen" sabi ni mama

At umalis na kami dumaan muna kami sa restaurant bago umuwing bahay.

Nagkwento lang si Bea ng mga ginawa nya dun at nakwento nya rin yung mga pinaggagawa nila ni Travis.

Balak daw ni Travis na makasama kami pagkatapos nya ng pag aaral dun. Isang taon na lang daw at matatapos na sya.

TRUE LOVE WAITSWhere stories live. Discover now