CHAPTER TEN: INVITATION

2 0 0
                                    

Naging busy na si Jessie nitong mga nakaraang araw.

Madami na siguro syang ginagawa para sa pag aaral nya ng photography.

Madalang na rin kaming mag usap. Minsan hindi sya naka online.

Pero araw araw ko parin syang hinihintay mag online.

Nakakuha na ako ng work dito, tapos nag aaral naman si Bea.

Si mama naman may business kasama mga tita ko.

Andito ako ngayon sa kwarto. Nag hihintay kay Jessie mag online.

Biglang nag message si Jessie.

Syempre natuwa ako, sya kasi unang nag message sakin.

Jessie: Tol

Me: Bakit tol?

Jessie: Naguguluhan ako tol.

Me: Saan?

Jessie: Lesbian ako tol. Nagkakagusto din ako sa kapwa ko babae.

Me: Sigurado ka tol?

Jessie: Oo tol, at may girlfriend na ako tol. Akala ko dati parang wala lang. Sorry ngayon ko lang nasabi sayo

Me: Kelan pa tol? Kayo ng girlfriend mo?

Jessie: Last week tol. Mahal ko sya tol

Me: Masaya ako para sayo tol. Andito lang ako para suportahan ka.

Jessie: Salamat tol. Sige matutulog na ako tol. Goodnight.

Me: Goodnight

Humiga na ako sa kama after ng pag uusap namin.

Masakit pero need kong tanggapin kasi mahal na mahal ko sya.

Bukas ko na lang iintindihin lahat.

Maututlog na muna ako para mapahinga yung puso't utak ko.

Lumipas yung arawpagkatapos yung araw na nag usap kami tungkol sa girlfriend nya.

Naging busy na rin ako upang makalimutan ko yung pangyayari na yun. At tanggap ko nang hindi sya para sa akin.

After 5 months....

"kuya! May sulat ka"sigaw ni Bea

"Galing kanino?" tanong ko

"Jessie" sagot ng kapatid ko

Nakangiti ako pagkaabot nya sa kin ng card.

Pero napawi iyong mga ngiti pagkabukas ko ng envelope.

Isang Wedding Invitation ang natanggap ko.

Ikakasal sya dun sa girlfriend nya sa isang linggo.

May nakaipit na sulat at binuksan ko.

"Tol, punta ka ha.Ikaw ang pinakabest guy friend ko. Una ka sa lahat ng lalake sa buhay ko na sunod sa tatay ko." – Jessie

Natuwa ako kasi kahit ganun nangyari sa amin,kahit paano naging espesyal parin ako sa buhay nya.

"kuya?" nag aalalang tanong ni Bea

Hindi na ako nag salita at niyakap ko na lang sya.

"Andito lang kami kuya. Magiging okay din ang lahat, wag mong pilitin makalimot. Unti untiin mo lang kuya, alam kong kayayanin mo din yan."sabi ni Bea

Pagkatapos ko matanggap yung invitation naging busy ako sa work.

3 trabaho yung kinuha ko.

Nag wowork ako sa isang sushi bar tuwing Monday, Wednesday and Friday.

Yung isa naman ay sa office,tuwing Tuesday,Thursday and Saturday.

Tas sa gabi sumasideline ako magsundo or maging driver ng mga Japanese.

Lumilipas ang araw na hindi ko sya nakakausap.

Unti unti na akong nakakamove on.

Dumating yung takdang araw ng kasal ni Jessie.

Hindi ako nakapunta sa kasal ni Jessie kasi hindi ako pwedeng mag leave sa Sushi bar wala kasi akong kapalitan.

Nag message na lang ako sa kanya at nag greet ako sa kanya.

Me: Tol, Sorry hindi ako makakapunta.Hindi ako pwedeng mag leave sa Sushi bar. Congrats palaah.

Jessie: Nakakatampo ka tol. Pero naiintindihan ko naman. Ingat ka palage. Papakilala ko sayo sa susunod asawako.

Me: Okay Sige tol. Ingat din kayo.

Masaya na ako ngayon na kahit ganito set up naming ni Jessie, basta masaya sya masaya na rin ako.

Hindi naman nagkaroon ng awkwardness sa aming dalawa.

Ganun parin kami mag usap, pero nabawasan lang yung time na nag kakausap ka

...................................

Nakalipas na ang mga arawna unti unti nang lumuluwag yung puso at isip ko.

Oo, nasaktan ako pero hindi naman ibig sabihin nun eh magpapabaya na ako sa sarili ko.

Tama si Bea, need lang unti untiin.

Kahit ganun, masasabi ko parin talagang mahal ko si Jessie

Ni minsan hindi sya kinalimutan ng puso ko.

Naghilom lang ang mga sugat ko, pero hindi nakalimot.

Isang araw magkausap kami. Off ko ngayon ganun din sya.

Me: Tol, musta na kayo?

Jessie: Mag didivorce na kami tol.

Me: Ha?! Bakit?

At kinuwento ni Jessie sa akin ang lahat.

Nag palit na sya ng religion kaya nag iba na yung pananaw nya sa buhay.

Tanggap naman nilang pareho ang sitwasyon.

Maghihintay pa sila ng 2 years bagomakapag divorce.

Dahil sa mga pangyayari na yun, naging mas malapit ulet sakin si Jessie.

Madalas na ulet kamimagkausap.

Maski yung asawanya naging close ko na rin – si Betty.

Minsan nakakachat ko rin yung si Betty .

"tol mak, ikaw ang gusto ko para kay Jessie. Alam ko kasi kung gaano mo sya ka mahal." Sabi ni Betty.

Natuwa ako sasinabi nya.

At mas lalo akong akong natuwa sa sinabi sa akin ni Jessie. Para akong nakakita ng stars sa mga mata ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Eto ang sabi nya, "If God's will at kung bibigyan ako ng chance ni God na mamiling taong mamahalin at makakasama sa buhay, ikaw ang pipiliin ko Chino."

Nakatulog ako ng mahimbing at masaya nung gabing yun.

Magkakaroon ulet kamini Jessieng chance sa isa't isa.

Nag paplano na kami ng mga bagay bagay kapag magkikita at magkakasama na kami.

Gumawana rin kaming bucket list ng mga pupuntahan.

Masaya sana kami, kaso may hindi inaasahang mangyari.

TRUE LOVE WAITSWhere stories live. Discover now