Chino's POV
"Anak, tumawag yung papa mo, gusto nya magbakasyon kayo ni Bea sa US sa kanila",bungad ni mama pag dating nya.
"Ayoko ma", maikling sagot ko. "Si Bea na lang kung gusto nya."
"Kuya ayaw mo ba makita si kuya Travis?" tanong sakin ni Bea
Gusto kong makita si Travis pero hindi ko kayang makasama ng magaling kong tatay at yung pamilya nya dun.
"Basta ayaw ko" sabi ko na lang "at aalis na ako ma, may pupuntahan pa kasi ako."
"osige anak, sabihin ko na lang sa papa mo na si Bea lang makakapunta." Sabi ni mama saakin. "ingat ka ha."
"Bye kuya. Balik ka ulet dito kasama na yung girlfriend mo." Sabi ni Bea
Loko talaga yung batang yun. Ayaw ko naman na magisa lang sya sa US, pero ayaw ko din talaga pumunta dun.
Bigla naman may tumawag sa phone ko.
"hello", Sagot ko
"Chino, tara dito sa club." Si Sofie pala yung pinsan ko. "Kasama sila Troy, at kasama rin nya yung kapatid nya." Si Troy yung boyfriend nya. Sila ang kasama ko pag nagpupunta ako ng club pero madalas ay mag isa lang ako.
"sige sunod ako dyan, andito ako galing kila mama." Sagot ko.
"sige insan, ingat ka" sabi nya.
Binaba ko na agad yung phone ko. At pinatakbo kona yung sasakyan papunta sa club kung saan ako lage pumupunta. Sabado ngayon at wala akong pasok.
Tinutulungan ko mag manage si mama sa business namin. Kasi sabi ni mama dapat matuto ako kung paano mag manage nun. Kasi sakin din naman daw nya pamamana yun dahil ako ang panganay.
Graduate na ko, and i'm already 21yrs old. At 19yrs old si Travis si Bea naman 17yrs old. 2 years ang agwat naming tatlo.
Pero ako eto hindi parin seryoso sa buhay. Oo aminado akong babaero. Hindi pa ako nagmahal ng tunay sa babae. Pero ayaw ko silang umiyak at masaktan dahil may nanay at kapatid akong babae. Hindi ko rin naman sila maiwasan kasi sila ang lumalapit. Gwapo ko kaya. Hahaha
Natatawa na lang ako sa pinagsasabi ko, dumating na ako dito sa harap ng club. Pagpasok ko...
"hi baby,can be with you tonight?" bungad ng isang babae, at sa pagkakatanda ko eh nakasiping ko na sya.
"NO" maikli kong sagot. At nilagpasan ko na sya.
"hi honey, pwede ba kita makasama ngayong gabi?" tanong naman nung isa
"NO" maikling sagot ko. Halos sila lahat binabati ako, hanggang sa makarating na ako sa pwesto nila Sofie.
Ganyan ako ka chic magnet. Pero minsan mahirap din kasi may nakakaaway akong boyfriend ng nakakamake out ko. Hindi ko naman kasi alam na may boyfriend I'm just being kind to those girls.
"Chino!" tawag sakin ni Sofie.
"Musta guys?" bati ko at may isa akong babaeng napansin. Ngayon ko lang sya nakita. Mukang masungit at snob.
"sya pla si Jessie,kapatid ni Troy," pakilala ni Sofie.
"Hi", sabi nya
"hi, Im Chino." Pakilala ko sa kanya sabay abot ng kamay ko para makapagkamay
Nakipagkamay naman sya, at parang may ibang dumaloy sa kamay ko nung hinawakan nya. Bigla rin bumilis tibok ng puso ko.
"baka gusto kong bitawan kamay ko?" masungit nyang tanong.
"ay sorry." Sabi ko
Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya at pag titingin sya umiiwas ako. Ano ba tong ngyayari sa isang chic magnet na katulad ko. Hindi ganun kaganda, pero once na titigan mo sya, parang ayaw mo ngtanggalin yung pagkakatitig sa kanya. Unlike yung ibang girls na andito at nakilala ko.
"Chino order ka na ng inumin mo, baka matunaw ang kapatid ko sayo eh." Singgit ni Troy.
"hahaha, hindi ko tinititigan kapatid mo ah, osige", sabi ko nakakahiya
"Uy si Chino nag bablush," sabi ni Sofie
"magsitigil nga kayo nakakahiya kay Jessie." Pagtingin ko wala na sya sa pwesto nya. Hala baka mamaya may mambastos dun ah.
"wait lang mag comfort room lang ako." Paalam ko sa kanya, para makatakas ako at hanapin si Jessie.
Pumunta akong comfort room, baka nga andon sya. At tama ako andun sya.
"Miss ganda anong pangalan mo?" tanong ng isang lalaki
"Sorry hindi ko ibibigay ang pangalan ko sa isang panget na katulad mo", sabi ni Jessie, natawa ako dun ah. Iba din tong si Jessie.
"aba panget pala ha, baka mainlove ka pag hinalikan kita dyan." Nacorner sya nung lalaki at aktong hahalikan na sya nung lalaki ng bigla akong lumapit at sinutok yung lalaki.
Napaupo sa sahig yung lalaki, at ang talim ng mga tingin sakin.
"Sino ka ba ha?! At nakikialamka dito?" gait na tanong nung lalaki.
"wag mong mabastos bastos tong kaibigan koha at ako makakabangga mo!" sabi ko
At umalis na sya, buti na lang at malakas ang tugtog sa labas at konti lang tao dito sa comfort room.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Jessie
"oo. Salamat." Maikling sagot nya. Ang sungit nya parin ha kahit tinulungan ko na sya.
At sinabayan ko na sya bumalik sa pwesto namin.
"saan kayo galing?" tanong ni Sofie
"May nam---." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi nagsalita si Jessie
"Nagkita kami sacomfort room kaya nagsabay nalang kami bumalik dito." Sabi nya
Natahimik na lang ako kasi nakatingin sya sakin na 'wag-kang-maingay' look.
Bakit kaya ayaw nya malaman nila.
Buong gabi nag inuman at kwentuhan lang kami pero si Jessie tahimik lang. At haggang sa nagkaayayaang mag uwian na.
Nagpunta nako sa kotse ko at dumaresto sa condo ko. At naabutan ko dun si Tricia.
"Babe" bungad nya at sabay halik sakin at sabay tanggal nya sa mga damit nya at dun na nagsimula ang gabi namin ni Tricia.
YOU ARE READING
TRUE LOVE WAITS
RomanceHanggang kelan kaya tatagal ang relasyon na malayo kayo sa isa't isa? Kaya nyo bang tiisin na wala kayo sa piling ng isa't isa? Makukuha mo pa kayang makatakas sa mga tuksong nasa paligid mo kung ang minamahal mo ay malayo sayo? Sa isang salita, man...