CHAPTER NINE: SANA TAYO NA LANG

2 1 0
                                    

One Month Ago...

Jessie's POV

Halos araw araw kaming nag uusap ni Chino.

Sa facebook at Skype.

Masaya akong kausap sya. Para syang si kuya Troy.

Halos lahat ng problema ko sinabi ko na sa kanya. At masaya syang kausap.

Sya na yung nagging guy bestfriend ko.

Hindi ko din kasi nakakausap si Kuya palage. Busy din kasi sya.

Si Chino palageng may time para sa akin.

Magkausap kami ngayon ni Chino sa Skype.

Parehas kaming umiinom. Naglolokohan at kwentuhan.

Parehas kaming tawa ng tawa.

Chino: tol, baka mamaya lasing ka na dyan ah. Wala ako dyan para asikasuhin ka.

Bigla akong sumeryoso. Hindi ko din alam kung bakit,lasing na ata ako. At nag salita ako.

Me: Sana tayo na lang tol.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi sa kanya yun.

Lasing na nga siguro ako.

Chino: Anong sabi mo?

Me: sabi ko, sana tayo na lang.

At inulit ko pa ulet.

Chino: E di tayo na lang.

Yan ang mga nasagot nya.

Jessie: E di tayo na

Yan ang nasagot ko, hanggang sa nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.

Chino's POV

Isang bwan na ang nakakalipas.

Andito na kami ngayon nila Bea at mama sa Japan.

At palage parin kami nag uusap ni Jessie. Palage akong naghahanap ng time para makausap sya.

Para ko na nga syang girlfriend eh. Kasi madalas din kaming mag sabihan ng "I Love You"at "I Miss you".

Minsan para akong bading kasi kinikilig ako pag sinasabihan nya ako nyan.

Pero para sa kanya isa lang akong kaibigan – malapit na kaibigan.

Tanggap ko naman na yun. Ang mahalaga masaya kami sa isat isa.

Nag uusap kami ngayon sa skype at parehas kaming umiinom.

Bigla akong nagulat sa sinabi nya.

Jessie: Sana tayo na lang tol.

Lasing na ata to eh.

Pinaulet ko yung sinabi nya. At yun parin yung sinabi nya.

Me: E di tayo na lang.

Yan na lang ang nasagot ko. Pero seryoso ako sa sagot ko.

Jessie: e di tayo na

Yan ang naisagot nya bigla syang nakatulog

Seryoso kaya sya? Girlfriend ko na nga ba talaga sya?

Yan ang tanong na paulit ulit na bumabagabag sa akin.

Masaya ako pero may halong kaba. Kasi hindi ko alamkung seryoso ba sya. Kaya natulog na lang din ako.

Kinabukasan, nag usap kami, normal parin na pag uusap.

Walang nag bago.

Araw araw pa rin kaming nag uusap.

Ayaw ko naman tanungin kung seryoso sya dun sa sinabi.

Baka maoffend ko sya.

Hanggang sa lumipas ang isang buwan...

Andito ako ngayon sa loob ng kwarto, hinihintay kong mag 12:00am.

Kasi kahit malayo kami sa isa't isa gusto kong mag effort sa relationship namin – kahit parang malabo.

Hinihintay ko yung monthsary namin – 1st Monthsary namin.

May 19, 2010 12:00am

Nagmessage agad ako sa kanya.

Me: Happy Monthsary 

Maya maya nag reply sya. Online pala sya pero nakahide sya.

Jessie: Ngayon ba yun tol?

Nalungkot ako sa sinabi nya. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko.

Me: Oo

Jessie: Sorry,hindi ko naalala.Happy monthsary din. I Love you

Me: I Love You too.

Masakit kasi parang hindi mahalaga sa kanya ang lahat. Hindi ako mahalaga sa kanya.

Pero pinalipas ko na lang. Basta masaya naman kaming dalawa.

Tuloy tuloy parin yung pag uusap namin.

Hanggang sa lumipas ang 2nd at 3rd monthsary namin at ganun parin ang nangyari.

Hindi ko na alam kung ano na nangyayari sa aming dalawa.

..............

"kuya, okay ka lang ba?" tanong ni Bea.

Andito kami ngayon sa sala, magkasama nanunuod.

Eto na lang yung nagiging bonding naming magkapatid.

"okay lang ako" sabi ko nalang kahit hindi, para hindi sya mag alala.

Wala si mama ngayon nasa bahay ng mga tita ko.

"Kuya, malapit ng matapos si Travis" sabi ni Bea

"kamusta na nga pala sya? Tuloy ba sya na pumunta dito?" tanong ko.

"oo kuya, pero hindi daw nya sasabihin kay papa." Sabi ni Bea

"Kamusta na pala kayo ni Cassie?" sabay din nyang tanong

"Hindi ko alam bunso" sabi ko na lang

"Basta andito lang ako palage kuya sa tabi mo" sabay nyang yakap sa akin

Oo masakit tong nararamdaman ko kasi parang balewala na lang ako kay Cassie at nagiging magulo na sya lately.

Sana maging okay din ang lahat sa aming dalawa.

TRUE LOVE WAITSWhere stories live. Discover now