Kabanata 41

148 5 1
                                    


Written by; JeianneYveHalili

***

GAIL'S POV

"Ano ba kasing pinag-awayan n'yong dalawa nanaman ha?"

"Para naman kayong mga bata oh! Ngayon nalang kayo ulit nagkita tapos away pa kayo ng away."

"Dapat sainyo binabatukan eh."

"Daig n'yo pa ang mag-asawa."

Sunod-sunod na sabi ni Clyde at Harold. Nandito kasi kami kasalukuyan sa Clinic at isinugod ang dakilang kurimaw na akala mo, mamamatay na. Binato ko lang naman s'ya ng Sandok 'diba? Mabuti nga hindi pa yung Pala ang ibinato ko sa kan'ya eh.

"Hindi naman kami nag-away Clyde, Harold."-Sabi ko. Tumawa naman sila nang todo na parang wala ng bukas. Napataas naman ang dalawang kilay ko. Bakit ba sila tumatawa? Wala naman akong nasabi na mali 'diba?

"HAHAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHAH"

Hanggang sa mapagtanto ko na, may tini-tignan pa sila sa room na pinasukan ni Kurimaw. Nang tignan ko kung sa'n sila nakatingin, hindi ko na rin naiwasan hindi matawa.

"HAHAHAHAHAHAHAH"

"FUCK! STOP LAUGHING!"

Sino ba namang hindi matatawa sa itsura ni Kurimaw ngayon sa harapan namin? Kanina kasi, naka-takip s'ya ng mata kaya naman hindi namin nakita na may black eye pala s'ya. Napa-takip tuloy ako nang bibig ng dahil sa tingin n'ya. 

"Ikaw, nagagawa mo pang tumwa ha?! Look what you did!"-Singhal n'ya. Gusto ko pa sanang tumawa, pero bigla nanaman lumabas sa isipan ko ang senaryo na palaging nakikita ko. Napa-pikit ako nang makita ko ang likod ng isang lalaki habang naka-yakap sa likod ng babae. Palagi nalang sila lumalabas sa isip ko pero hindi ko alam kung sino sila. Hindi ko matukoy kung nasa'n ako ngayon na mundo. Bakit nagpapakita sila sa isipan ko? Sino ba sila?

"Gailarie..."

Napa-pikit ako ng may biglaan akong marinig na isang boses na talagang pamilyar sa'kin. Bakit gan'to? Para na 'kong nababaliw! Para 'kong wala sa kasalukuyan. Hindi alam ng utak ko kung sino ang katauhan mula sa boses na narinig ko pero alam ng buong pagkatao ko na kilala ko ang tao sa likod ng boses na narinig ko.

"I love you..."

Muli ko nanamang narinig ang tinig na bigla na lamang nag-eecho sa pandinig ko. Bakit ganu'n? Bakit pakiramdam ko, ang naririnig kong boses ay galing kay Earth? Hindi ako maaaring magkamali.

"Disa!"

Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Kuri na kaboses ang boses na gumugulo mula sa isipan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nandito na pala s'ya sa tabi ko at nakahawak sa sugat na natamo n'ya mula sa paghagis ko sa kan'ya ng sandok. Tyaka ko lang din namalayan na wala na pala sila Clyde at Harold. Ganu'n na ba 'ko katagal nakatulala?

"Ano sabi ng doctor sa sugat mo?"-tanong ko. Tumingin naman s'ya ng masama sa'kin na para bang pwede n'ya 'ko patayin anuman oras.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon