Kabanata 8

2K 48 3
                                    


Written by:Jeianneyvehalili

******

GAIL'S POV

"Gulay kayo diyan oh. gulay. sariwang-sariwa."-sigaw ko. nagta'taka ba kayo bakit ako sumisigaw? eh ano pa ba? pinasok ko na'rin kahit ang pagti'tinda dito sa palengke. kailangan eh. para kahit papaano may kinikita. hindi yung mag'damag lang naka-tengga at naka'tunganga sa bahay. mas okay narin ito. tyaka nalaman na'rin kasi nila mama yung tungkol sa pagkaka'sipa ko sa trabaho. umiyak nga sila eh, kaya mas nasaktan ako na makita silang umiiyak ng dahil sa'kin ang hirap. atleast kahit papaano diba? hindi kami magugutom. kahit papano may pera akong naha'hawakan. sabi nga ni kaye bakit hindi ko raw subukan lumapit kay frank. hindi naman pwede ayoko namang isipin ng pamilya ni frank na pera lang gusto ko sa anak nila. kaya kahit miss na miss na miss ko na yung lalaking yun, tinitiis ko kasi alam ko mag'aalala lang yun. gusto ko palagi lang kaming okay ni frank yun bang walang problema at iniisip. Nung mag'alas otso na ng gabi ay nagsara na ako ng tindahan. umupo muna ako sandali at nag'pahinga. ang sakit pala sa likod mag'tinda parang dati lang ako yung buyer. ngayon ako na yung seller nakakatawa. ngumiti ako ng mapait, kaya ko ito. ako pa ba? kinuha ko nalang yung beltbag na laman nung mga pera na galing sa benta. magku'kwenta muna ako. nung natapos na akong mag'kwenta ng kinita ngayong araw ay nag-ayos na ako ng mga paninda para sa pag'sasara. sabay dating naman ni Kaye na hini'hingal pa sa pagtakbo.

"b-bes..."-sabi niya. napakunot-noo naman ako. anong problema niya?

"Oh bakit ganyan itsura mo?"-tanong ko. nagulat naman ako nung bigla nalang siyang umiyak. teka ano ba nangyari?

"b..bes si...si t..tito nawalan ng malay.."

Halos man'lambot yung tuhod ko sa narinig ko mula kay ate. kaya nabitiwan ko yung hawak kong repolyo ng hindi oras. ano raw?

"Hindi magandang biro iyan Kaye ha."-sabi ko. pero mas lalo lang siya umiyak. lalo ako nang'hina nung makita ko yung face towel na hawak ni kaye na may bahid ng dugo. Agad akong napa'takbo ng hindi oras.

papa ko....

Ano nang'yari sa papa ko? hindi pwede. wala na ako sa sarili ko habang tinutungo yung bahay namin. takbo lang ako ng takbo habang wala akong nara'ramdamang pagod. bakit ganito? akala ko ba tapos na problema ko? may pahabol pa pala. habang tumatakbo ako ay hindi ko napi'gilang mapahagulgol. At dahil nga sa kawalang malay ko hindi ko nakita yung bato na natapakan ko. dahilan upang mapa'dapa ako ng hindi oras at tumama yung bahagi ng sentido ko sa isa pang bato. pinilit ko pa'rin tumayo. hindi ako dapat uminda kailangan ako ng papa ko. hindi pa siya pwedeng sumuko. sa pagtayo ko, ramdam ko yung likidong pula na tumutulo sa ulo ko. alam ko dumu'dugo ito. pero wala akong pake'elam si papa lang bukod tanging nasa isip ko. medyo lumalabo na'rin yung paningin ko pero pilit kong nilalabanan. Nung nakita ko na yung gate namin ay agad kong nakita yung ambulansya habang sina'sakay si papa. nakita ko si mama na umiiyak sinabi ko na ako nalang sa-sama kay papa sa hospital. kaya naman, sumakay na ako sa loob ng ambulansya. umupo agad ako sa tabi ni papa habang hawak ko yung kamay niya.

"pa..please? huwag kang susuko. mashado pa pong maaga pa... please?"-Sabi ko. guma'galaw yung mga ugat ni papa pero hindi siya gising. please po panginoon, huwag muna? aahon pa kami eh. please po?hindi pa ako ready mawala si papa. please Lord? maawa kayo. mas lalo ko lang hinigpitan yung pagkaka'hawak ko sa kamay ni papa. na'alala ko tuloy bigla nung mga oras na katabi ko si papa. kung paano niya ako tapikin sa oras na kailangan ko matulog tapos ay hindi ako makatulog. yung ya'yakapin niya ako tapos bubulungan nang "mahal na mahal ko prinsesa ko." yung i'susubo niya nalang, ibi'bigay niya pa sakin. Nanghihina ako. ayoko mawalan ng papa. hindi pa ako handa. at kahit kailan hindi pa ako magiging handa. iyak lang ako ng iyak sa loob ng ambulance car. ano bang ga'gawin ko? buhay pa papa ko diba? hindi dapat ako umiiyak.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon