Kabanata 21

1.5K 49 4
                                    

Written by:JeianneYveHalili

******

GAIL'S POV

ISANG BUWAN na pala ang naka'lilipas simula nung araw na may maganap na senaryo sa pagitan namin nila frank at nung babaeng model na maganda. Sa loob ng isang buwan, marami ng nang'yari pero wala namang pinag'bago. noong nakaraan lang, sinuprise ako ni frank, bigla nalang siya nag'propose sa harapan ko. hindi ko nga alam kung bakit hindi ako masaya. dahil siguro, alam kong hindi na ako ganun ka'mahal ni frank. pero wala akong nagawa, hindi ko siya kayang tanggihan dahil, bigla'bigla nakuha niya simpatya ko sa harap ng maraming tao. Nang malaman nga ito ni kurimaw halos kulang nalang sunugin niya buong pagka'tao ko. alam niyo sinabi niya? pina'mukha niya lang naman sa'kin kung gaano ako ka'tanga. totoo naman eh, na tanga ako. pero wala akong magawa, sa pama'magitan ng pagi'ging tanga ko dito ako suma'saya. kahit na alam kong may consequences ang pagpapaka'tanga na ito wala akong pakeelam. alam ko namang, mahal parin ako ni frank at baka natukso lang si'ya at nag'hanap ng iba. pero bakit ganito? parang bina'balot ako ng kaba sa dibdib ko.

Si Papa naman, hindi pa'rin nagi'gising. luma'laki na nga yung bill namin sa hospital. ayoko namang pauwiin sa bahay si papa dahil baka hindi siya matu'tukan ng mga doctor doon. mas mabuti ng alam kong ligtas si'ya. atleast nandoon si mama para i'guide siya.

Si Lucky? lumalaki na siya talaga. hindi na nga masyadong umiiyak eh. pero malakas ng kumain.

Si kurimaw naman, kahit pa'paano natu'tuto na maging mabait kay lucky. minsan pag da'dalaw ako sa hospital, maayos niya nang naba'bantayan si lucky. pero sa pag'lilinis ng dumi, ganun parin hindi parin siya magka'roon ng initiative. atleast tumino naman kahit pa'paano. pero hindi na nawala sa'min yung away'bati kami. hindi na talaga yata mawa'wala sa'min yun eh.

Tungkol sa tinanong ni'ya noon? nung araw na matikman ko luto niya? alam niyo ba yung tinanong niya sakin? gusto ni'yo talagang malaman?

-

"Pwede bang mag'tanong?"

Napatingin naman ako sa kan'ya. seryoso siya pero bakit ako bigla akong kina'bahan.

"Pwede naman. basta siguraduhin mo lang na hindi kalokohan ita'tanong mo."-sabi ko. tumabi naman si'ya sakin.

"Virgin ka pa ba?"

Halos masamid naman ako sa tanong ni'ya. tinitigan ko muna si'ya ng matagal. hindi pa'rin ako maka'recover sa tanong niya. tama ba namang itanong sa'kin yung ganung bagay? pinuk'pok ko naman siya ng kutsara sa ulo as in yung masakit na masakit at talagang mada'dama ni'ya.

"ARAY ANO KA BA?! NAGTA'TANONG LANG NAMAN AKO AH. GUILTY KA BA?! HAY KAHIT KAILAN MAPA'NAKIT KANG BABAE KA."-sigaw niya.

"Eh bakit mo kailangan mag'tanong ng ganun? buwisit ka rin eh no?"-sabi ko naman. tumayo nalang siya at naka'hawak pa'rin sa ulo niya. parang bata.

"Eh bakit ba? hindi naman ipinag'bawal ng president na bawal magtanong ha. sasagot ka lang, mana'nakit ka pa."-Atungal niya. gusto kong matawa sa reaksyon niya. parang bata na pinalo ng mommy ni'ya.

"Ayusin mo tanong mo sa susunod. baka kasi, hindi na kutsara ipalo ko sa'yo. baka sandok na. kaya isipin mo munang mabuti yung ita'tanong mo."-sabi ko. masama lang yung tingin ni'ya sakin kaya tumawa naman ako. padabog nalang siya na umakyat sa kwarto ni'ya.

-

Oh diba? ngayon ni'yo sabihin na dapat sagutin yung tanong niya. simpleng manyak talaga yung lalaking yun kahit kailan eh. At ngayon nandito ako sa kusina ako nalang mag'luluto. alam niyo bang simula nang matuto siyang mag'luto, yung natutunan niya lang bukod tangi niyang niluto. bukod doon, wala ng iba pa. kaya sabihin ni'yo sakin na masayang may kasama na abnormal? diba, napaka'pasaway.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon