Kabanata 5

2.5K 62 1
                                    

written by:JeianneHalili

******

Ano ba talagang trip ng kurimaw na 'to sa gan'tong oras? Habang nasa stage ako ng pagdududa, isang text message ulit ang nareceived ko mula sa kan'ya.

Gail please. I need you here.
mukhang may sakit si lucky. hindi ko na alam ga'gawin ko. be here please. sobrang init niya.

Nanlaki man ang mga mata ko sa gulat nang mabasa ko ang text n'ya pero mas pinili ko parin na hindi agad maniwala. Ano bang malay ko kung isang prank nanaman 'to? Gan'tong- gan'to s'ya dati eh.

Earth, I am warning you! Kapag nalaman kong niloloko mo ako malilintikan ka talaga sa'kin.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ko mareceived ang text n'ya. Kaya nang mag-vibrate ulit ang phone ko ay agad kong binasa ang message n'ya.

What the fuck?! You know what? If you don't wanna help me, then okay. Just don't make any false accusations about asking me your help. Nevermind.

Bigla naman akong napa-isip sa text ni kurimaw. Hindi kaya nagsasabi s'ya ng totoo? What if may sakit nga si Lucky? Mabilis ko nalang tinungo ang kwarto ko at mabilis na kinuha ang gamit ko tapos ay diretso kong pinuntahan yung kotse ni Frank. Mamaya ko nalang ipaliliwanag kay Frank ang lahat pag-uwi ko.


Nang nandito na 'ko sa subdivision ni kurimaw, naka-abang na siya sa gate nila habang buhat-buhat si lucky. Kinuha ko agad yung bata tapos ay pinasok sa loob ng bahay. Oo nga, mainit nga si lucky. hindi umiiyak pero gising naman.

"Ano nangyari? Bakit biglang nilagnat?"-tanong ko sa kan'ya. Nang tignan ko si kurimaw kitang-kita ko yung pawis na namumuo sa buong mukha niya. Si earth ba talaga 'to? pinaka-ayaw kasi ni earth sa lahat ay yung pinag-papawisan s'ya.

"Stop asking okay? I don't know! And I have no idea.

"I-I don't know. Whole day s'yang hindi umiyak and ngayon ko lang siya nahawakan sobrang init na niya."-sagot niya. kinuha ko nalang yung Medicine Kit ko sa bag tapos ay hiniga si baby sa sofa. Kinuha ko sa loob yung thermometer tapos ay inipit ito sa kili-kili ni baby.

"Kailan pa siya huling dumumi?"-tanong ko sa kanya na kasalukuyan ng naka-upo sa tapat namin.

"l-last week pa. I wonder nga kung bakit hindi siya naglalabas. hay, hindi ko na alam gagawin ko. lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana bumalik na yung mommy niya. hindi ko na kaya. I-I'm just tired and so useless. wala 'kong alam sa pag-aalaga. I-I saw myself to that child na walang may care, walang may gusto."-sabi niya. yumuko naman siya tapos ay, parang may balak pang umiyak. Is he really earth sebastian? I think, tama si clyde may side na nag-bago na si earth. siguro nga, hirap na hirap na talaga siyang alagaan si lucky. at bilang isang nurse, baka winill talaga ni God na ako ang mag-alaga kay lucky. Bumuntong-hininga muna ako tapos ay, direcho siyang tinignan.

"Tina'tanggap ko na yung offer mo."-direchong sabi ko. bigla naman siyang napa'tingin sa'kin.

****

EARTH'S POV

"Tinatanggap ko na yung offer mo."-bigla akong napa'tingin sa kan'ya, after niyang sabihin yung matagal ko ng pinakahi-hintay.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon