Kabanata 17

1.4K 40 0
                                    

Written by:JeianneYveHalili

******

GAIL'S POV

Nang nandito na kami sa hospital, naunang pumasok si frank. alam ko nag'tataka na siya dahil buong biyahe ay hindi ako nagsa'salita. hindi ko rin alam eh. bigla'bigla nalang parang ang liit ng tingin ko sa sarili ko.

Hindi na ako pumasok sa loob ng kwarto ni papa. nagpa'iwan nalang ako rito sa kotse niya. nag'lagay ako ng tracking device sa 'neck tie' niya habang hawak ko yung ipod niya. para ma'detect ko at parang 'live' ko nang makikita sina papa. nakuha ko ito kay kumag, doon sa jacket na binigay niya. kaya nakuha at ginamit kong idea. nasa kwarto na si frank, mas nilapit ko pa yung screen sa mukha ko. nakita ko si mama na lumapit kay frank. Natakpan yung screen ng sandali tapos ay lumapit naman siya kay papa. Agad'agad naman bumagsak yung mga luha ko na parang 'pagsanjan falls' halos kahit ang balikat ko ay nakiki'sabay sa pag'agos ng luha ko.

Nakita ko na marami na'namang aparato na naka'kabit kay papa. yung mga kamay niya, hinawakan ko sa screen. gustong'gusto ko itong hawakan sa reality. nakita ko si papa na, nakapikit. ang payat'payat na ng papa ko. sobrang nasa'saktan ako habang tinitignan ko si papa. alam kong, hinawakan ni frank yung kamay ni papa dahil umangat ito at sakop nito yung buong lente ng camera. hinalikan ko naman yung screen.

Papa ko...

Please, dumilat ka lang papa.

Masaya na po ako.

Bakit ganun no? lahat tayo, basta pag'dating sa pamilya o mga mahal natin sa buhay ay parang konektado buong pagkatao natin sa tuwing alam natin na hindi sila okay o komportable kung nasa'an man sila. yung tipong isang patak lang ng luha nila, halos paki'ramdam natin kahit sarili nating mga luha naki'kiramay. ang bigat sa dibdib na makita mo silang nahi'hirapan no? parang gusto mo nalang sila yakapin ng mahigpit. yun bang, hindi na nila mara'ramdaman yung sakit na pinag'daraanan nila ngayon. yung paggising mo, okay na ulit ang lahat. masaya na sila, masaya na kayong lahat.

Pero hindi naman pwede yun no? kasi napaka'perfect na nang buhay kung sakali man. pero yung kasiyahan ko naman ay kung saan masaya yung mga taong mahal ko.makita ko lang sila na naka'ngiti para bang binubuhayan na'rin ako ng loob.

Napaka'kumplikado ng buhay.

Minsan ikaka'takot mo nalang talaga na maging masaya ngayon dahil baka paggising mo bukas, may posibilidad na hindi na. at baka yung 'bukas' nayun ma'aaring maging permanente na. na yung saya nayun pwedeng matapos nalang at hindi na muling maulit pa.

Mahal na mahal na mahal ko si papa. buong buhay ko inikot ko sa kanila, kaya sobrang sakit na nakikita ko siyang mukhang susuko na. Akala ko pa naman, Pwedeng maniwala sa milagro o sa kahit na anong magic. nakalimutan ko na ang magic pala, ay may halong panda'raya at hindi siya pwede sa realidad ng buhay. yung miracle naman, Hindi sa lahat ng aspeto nakaka'ranas ang lahat ng tao. pili lang naman nabibi'yayaan nito.

Iyak lang ako ng iyan sa kotse. this time, ito lang naman yung kaya kong gawin eh. yung umiyak lang ng umiyak. napangiti ako nang mapait. oo nga pala, kahit umiyak ako still wala pa'rin magba'bago. Nasa gitna na nang kamatayan ang papa ko, yung taong mula bata pa lang ako naging inspirasyon ko na sa lahat ng bagay. Na bawat nagiging desisyon ko sa buhay ay alam kong napapa'saya ko siya. ang bigat'bigat sa dibdib. Naisip ko bigla, kung bi'bigyan man ako ng chance na may babaguhin sa mundong ito...

Yun ay ang wala ng mamamatay.

"P..pa, please s-sandali lang naman po ako eh...p-promise papa, matatapos ko rin po ito... pa? laban lang ng laban okay? p-please papa... please..."-Kausap ko sa sarili ko. maya'maya naramdaman ko nalang na bumukas na yung pintuan ng kotse at may biglang humatak sa'kin at niyakap ako.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon