Kabanata 3

2.8K 66 5
                                    


Written by:JeianneHalili

-

Kabanata 3

[Gailarie Sang]

Isang umaga na magising ako, nakatanggap ako ng mga tawag at texts na sinasabing tanggap na 'ko sa pakulong trabaho ni Kurimaw. Sinubukan ko kasi magpasa ng resume last week at hindi ko alam sa loob lang pala ng Isang linggo ay matatanggap na 'ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may pakulo nanaman si kurimaw. sinubukan ko lang naman at hindi ko alam na ganu'n kabilis ay matatanggap ako. Nagreply nalang ako sa text na pupunta ako sa office bukas.

Mukhang kailangan ko maging artista bukas ha. Exciting!

Hindi ko pa pala na-iinform si Frank about dito. For sure, magagalit 'yun. Si Frank ang fiance ko pero naka-fix marriage lang kami. Hindi ko man s'ya ganu'n kamahal pero alam kong importante naman s'ya sa'kin.

Tumayo na 'ko ng kama at lumabas na ng kwarto ko. Nagluto muna ako ng almusal nila mama tyaka 'ko naligo. Pupuntahan ko si Frank sa office para naman masabihan ko siya. Bahala na kung ano magiging reaksyon n'ya ang importante naman ay nagpaalam ako.

May sarili naman akong bahay pero mas komportable 'kong kasama sila mama dito sa bahay. Pakiramdam ko ay mas safe ako at masaya.

Nang nandito na ako sa office ni Frank ay halos kabahan ako. Baka kasi magalit yun. Isang Photographer si frank, mahilig siya sa arts kaya walang hilig sa negosyo ng pamilya nila. Gusto niya kasi maging independent para naman kahit papa'ano hindi raw siya naka-asa sa pamilya niya.

Sa ngayon ay may sarili na s'yang studio na kilala sa ibat-ibang bansa dahil sa galing niyang mag-anggulo ng mga larawan. Nagkakilala kami noong pagka-graduate ko ng college sinubukan ko kasing mag-apply sa kompanya nila. Nakilala s'ya ng kuya ko at pinilit kaming ipakasal sa isat isa. Kung ano man ang dahilan ay hindi ko alam dahil wala naman akong sarili na desisyon pagdating sa sarili ko.

"Frank." tawag ko mula sa doorbell ng office ni frank. Ilang minuto bago 'to bumukas.

"H-Hey, hindi mo naman sinabing pupunta ka. Come in!" Salubong n'ya. Hahawakan n'ya sana 'ko sa bewang pero agad akong umiwas.

Nang makapasok ako sa loob ng office ni Frank ay may isang babae na nakahiga sa couch at walang saplot ang sumalubong sa'kin. Hindi na 'ko nagulat dahil photographer s'ya at kailangan n'ya kumuha ng kahit na anong larawan. Kilala ko si Frank sa pagiging loyal. Alam kong mahal n'ya 'ko dahil palagi n'yang ipinapaulit-ulit 'yun.

"A-Ah Miss Tricia, Okay lang bang bukas na natin ituloy?"-Sabi n'ya. Tumingin naman s'ya sa 'kin at tinuro ang bakanteng couch.

"G, upo ka muna." Utos n'ya. Umupo naman ako gaya ng sabi n'ya. Sabay nalang namin pinanood ang babaeng nagbibihis sa harapan namin. Nakailang lunok yata 'ko bago s'ya matapos.

"See you tomorrow, Frankie sweetie!" Aniya babae. Natawa naman ako ng wala sa oras. Nang makaalis na s'ya ay tyaka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ano ka ba! Naiilang ka ba sa'kin? Alam mo,hindi mo kailangan mailang. Sanay na 'ko sa mga models mo 'no." natatawang sabi ko.

"Sorry ha? Nakakahiya sa'yo. Baka kasi isipin mo ma---"

"Hey! Alam mong hindi ako judgemental 'diba? Naiintindihan kita. Tyaka alam ko naman na sobra kang good boy." Sabi ko. Ngumiti naman s'ya.

Isa sa mga nagpapatatag sa'kin ay ang mga ngiti ni Frank. Sa tuwing ngumingiti sya para bang nakawawala ng problema. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay si frank lang ang nand'yan para sa'kin. Kaya kahit hindi ko man s'ya nakikita bilang isang lalaki na makakasama habambuhay, nakikita ko naman s'ya bilang isang tunay na kapatid at kaibigan.

WANTED MOMMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon