Blaire's POV
"HOY! Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatanong!" Aray naman, kung maka sigaw naman itong lalakeng to'.
"Aray ha! Hindi ako bingi. Eh ano naman ngayon kung kanina pa kita pinapanood?" Tsk. Magkaharap lang kami, hindi kailangan sumigaw!
Bat' kaya parang galit to'?
Ayaw kaya niya malaman ng iba na isa siyang fanboy? HAHAHA.
"Eh bakit mo ako pinapanood? May gusto ka ba sa akin? Tsk. Ang gwapo ko talaga!" Ayyy. Muntik na akong liparin dun ah! Nakakahiya naman sa kanya.
"Woooh! Grabe. Maka alis na nga baka matangay pa ako ng dala mong ipo- ipo."
"Eh bat' di ka pa umaalis?" Hihihi, nagloloko lang naman ako. At Ayoko nga! Gusto ko kasi malaman kung fanboy talaga siya. Yun lang. Hohoho.
"Eh bakit nangingialam ka?"
Ganti ko sa kanya.Magka salubong na yung kilay niya. Naiinis na siguro. Nyahahahaha. Ice yan. Very Good. Ang sarap pala inisin nito. Lasang Hawain pizza. Char! HAHAHA.
Napataas naman yung kilay ko ng bigla naman siyang ngumiti. Bipolar eh?
"Well, hindi naman kita masisi kung ayaw mong umalis. Madami naman talagang babae ang gusto makita lagi ang napaka gwapo kong mukha!" My Ghaad! Bakit ba ang hilig nito magbuhat ng sariling bangko? Tss.
"Nakakahiya naman sa'yo. Baka gusto mo pati puno buhatin mo na?" Wala na yata makakatalo sa kayabangan nitong lalakeng to'.
"Ha! Sige ba! Kayang kaya ko yan! Kita mo to'?" Sabi niya habang pinapakita pa sa akin yung 'muscles' niya daw.
"Kayang kaya ko yan!" Dagdag niya pa. Walanjo. Bilib na talaga ako sa kayabangan ng panget na to'.
"Sige nga! Gawin mo! Pustahan tayo ano? 1000, hindi mo yan kaya!" Akala niya magpapatalo ako sa kanya? HA! Kakaltukan ko siya pag hindi niya yan ginawa.
"Hindi mo ba alam yung salitang 'joke'?" Sabi niya ng naka kunot na naman ang nuo. Sus. Talo lang siya eh.
"Bakit close ba tayo, para mag joke ka sa akin?" Pabiro kong tanong. Ayyyy. Kawawa naman.
Mas lalo naman siyang nainis.
"Ugh! Fine! Ililibre na lang kita." Ayos! Kung sini swerte ka nga naman!
"Sige, sige!"
***
"GUSTO ko yan, yan, yan at ito!" Sabi ko habang tinuturo ang mga gusto kong pagkain.
Aba! Minsan lang may man libre sa akin, lulubus lubusin ko na! Hahahaha. Matakaw pa naman ako.
"Balak mo bang ubusin yung pera ko?" Napatingin ako sa kanya. Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Pwede din." HAHAHA. Nakaka tawa talaga yung itsura niya tuwing naaasar siya.
"Tss."
Maya-maya lang dumating na din yung order namin. Hohoho. Kainan na!
Busy ako sa pagkain ng bigla siyang magsalita.
"Ano bang pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap, hindi ko pa alam yung pangalan mo." Sabi niya.
Ngumiti ako.
Mabait muna ako. Ngayon lang, tutal nilibre naman ako nito ni Dilim.
"I'm Blaire Santiago, 19. EXO-L, katulad mo, and Baekhyun's Wife. Nice to meet you Dark." Napa ngisi naman siya. Tsk. Alam ko na kayabangan na naman ang na sa isip niya.
"Stalker kita no? Ha! Sabi ko na nga ba may gusto ka sa akin!" Sabi ko na nga ba! Umandar na naman ang pagka mayabang niya. Tsk.
"Are you stupid or what? Malamang kilala kita, sikat ka kaya sa University natin." Ayan napa English na tuloy ako. Na ste- stress ako dito sa lalakeng to'.
"How dare you to call me stupid?!"
Hala. Galit na naman to'.
Sinabi ko bang stupid siya?
Hindi naman diba? Assuming to'. Tss.
"Ha? Wala naman akong sinasabi." Pagde- deny ko. Baka bugahan pa ako nito ng apoy eh. Mahirap na.
"Tss." Wala na siyang sinabi kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain at ganun din naman siya.
Hmmm... Sarap!
***
A/N: Thank you po sa lahat ng nagbabasa!Vote and Comment na lang po!
XOXO, Bacon
YOU ARE READING
Almost [ON-HOLD]
Hayran Kurgu"Tayo ba?" "Niligawan ba kita?" "Sinagot mo ba ako? Hindi naman di ba?" ©byun_fhoebe [ON-HOLD]