Chapter 7

20 1 0
                                        

Blaire's POV

"OH, wag kang masyadong kiligin, huh? Sayang naman kasi yung 5 piso na binayad nila dito!" Napa irap na lang ako nang sabihin niya yun. Ang kapal talaga ng mukha! Nanggigigil ako! Kung pwede lang kutusan ko siya, kanina ko pa sana ginawa!

Kasalukuyan kaming naka upo sa gitna ng room namin, at kunwaring nakikinig sa mga sinasabi ng "pari".

At ngayon lang ako nakakita ng pari na bakla! HAHAHA! Well, yung kaklase namin na bakla ang nagsisilbing pari sa kasal- kasalan na to'!

Napagtripan kasi kami ng mga kaibigan ko, kaya eto kami ngayon kasalukuyang "kinakasal". Jusko, halos magwala ako kanina nung malaman ko kung anong trip nila! Kung hindi lang ako kinokonsensya kanina nila Dream, na sayang daw yung 5 piso na ginastos nila! Pake ko ba sa 5 piso nila?!

Napatingin na lang ako ulit sa gawing kaliwa sa likod ko, kung saan naka upo ang dalawa kong best friend. Na mukhang kinikilig pa! Grr!

Pinatayo na kami ni 'Father', at pinaharap sa isa't isa. Ito naman si Dark, nakatingin lang sa akin nang nakakaloko. Tsk.

I glare at him. Humanda talaga sa akin sila Dream at Zylie.

Hindi ba nila alam, na hate na hate namin ang isa't isa, tapos ipapakasal pa nila kami, dito marriage booth ng section namin. Gaaah!

Siguradong pagkatapos nito, aasarin kami ng mga kaklase namin!

" Blaire Santiago, do you accept Dark Gonzalez to be your husband in weakness and in health, in richer and in poorer and promise to love each other until you die?"

Isang malaking NO, ang sagot ko diyan. YAH! Huhuhu, kung pwede lang talaga eh!

Napalingon ako sa mga kaibigan ko na halatang pinipigilan ang kanang mga tili dahil sa kilig. Hmp! Nakakatampo sila, kung gusto nila, sila na lang dito sa pwesto ko!

Huminga ako ng malalim bago sumagot, no choice.

"I--I-I d-do." Hindi ko mapigilan na mautal sa pag sagot at nararamdaman kong namumula na ko ngayon. Narinig ko naman na naghiyawan ang mga kaklase namin.

Nagtataka namang napatingin ako sa katabi ko na ramdam ko na parang nanigas dahil sa sagot ko. Nagulat ba siya? Well, ka- gulat gulat naman talaga, asa pang darating ang panahon na magkakatotoo yun! Hahaha.

Pero napalitan agad yung expression niya ng mapang asar na ngiti niya habang napatingin sa akin. Arrgh!

Umaandar na naman ang pagiging Mayabang niya! Baka mamaya, magugulat na lang kami nililipad na pala kami dahil sa kahanginang taglay ni Dark! HAHAHA!

Buti sana kung si Baekhyun my loves ang pakakasalan ko ngayon, buong puso akong sasagot ng I do! MWAHAHAHAHA!

O kaya naman, si Dyoooooo! Gwapo rin naman yun, kaya lang malaki ang mata, parang kwago! LOL!

Nagulat ako ng biglang masalita na ulit ang 'pari'.

" Dark Gonzalez, do you accept Blaire Santiago to be your wife in weakness and in health, in richer and in poorer and promise to love each other until you die?"

Napatingin naman ako kay Dark na nakangisi na ngayon. Bago siya sumagot ay tumingi muna siya sa akin. Inaasar talaga niya ako!

"I do." Confident niyang sagot. At narinig ko na naman ang nakakabinging hiyawan ng mga nandito sa loob ng room namin.

Hindi ko naman maiwasang pamulahan dahil sa sinagot niya. NO! Hindi, baka mahalata niyang kiniki---. Wait, sino nagsabing kinikilig ako? Hindi ah, mainit lang talaga kaya ako namumula. Oo, yun nga. Haha!

"Oh, wag mo namang ipahalata na kinikilig ka!" Napaka sama na ng tingin ko ngayon kay Dark. Kung nakakamatay lang ang pagtitig ng masama, siguro pinagluluksaan na siya ngayon. Ang yabaaaaaaaang niya talaga!

"Tse! Asa ka pa!" Asar kong sagot sa kanya.

Nginitian niya lang ako, as usual, mapang asar na ngiti na naman.

Nagulat naman ako ng medyo lumapit siya sa akin.

"Wag mo naman akong masyadong titigan, masyado mo namang ipinapahalata na may gusto ka sa akin eh!" Bulong niya sa akin. Ugh! Ang yabang talaga! Masyado siyang bilib sa sarili niya.

Sasagot pa sana ako ng magsalita na ang pari. At sinimulan ang iba pang seremonyas. (The Heck?!)

Meron pa nga na, isusuot namin yung singsing sa daliri namin na dala pa ng ring bearer na President pa ng class officer.

"You may kiss the bride." Yan ang kinatatakutan kong linya ng pari. Bawaaal yuuuuuun! Labag yun sa batas! Na-uh! Hindi pwede! Hindi naman sa nagiinarte, ayaw ko lang mapunta sa panget na yan ang first kiss ko.

Nakita ko naman na ngumisi siya.

Isusumbong ko siya kay Baekhyuuuuuuun!

"Oh, pano ba yan?" Nang aasar niyang tanong sa akin. Parang gusto ko na tanggalin yung mapang asar niyang ngiti sa labi niya. Arrgh! Seriously, nakaka- asar.

"No!" Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman na nagsisigawan na naman yung mga kaklase ko, pero mas nangingibaw ang boses ng dalwa kong baliw na best friend.

Tumalikod na ako sa kanya, tutal tapos na ang 'kasal'. Tss.

Pero nagulat ako ng bigla niya na lang ako hilahin pabalik sa kanya.

Naramdaman ko na hinawakan niya ang batok ko at ang kabilang kamay niya naman ay humawak sa bewang ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang siya lumapit, nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko.

Ngunit bago ko pa siya matulak, ay lumapat na ang kanyang labi sa akin.

Parang, nawala sa pandinig ko ang hiyawan at sigawan ng mga kaklase ko.

Ang naririnig ko na lang ngayon ay ang malakas na tibok ng puso ko.

Nararamdaman ko rin ang sinasabi nilang 'butterflies in my stomach'.

Charot! Korni ni author no'?

Pero wait, WAAAAAAAAAAAAAAA! Hinahalikan ako ni Dark Gonzalez!?

Oh. My. God. This can't be happening.

Tinulak ko agad si Dark nang ma- realize ko yung nangyayari. Gosh.

Isusumbong ko na talaga siya kay Baekhyun! Ipapa-wushu ko siya kay Tao! Mamamatay siya sa titig ng Kaisoo! Tutusukin ko siya ng baba ni Kris at Sehun.

Huhuhu. Yung first kiss ko.

Nakangisi lang si Dark habang napatingin sa akin. Mahihimatay na yata ako sa mga pangyayari ngayon.

Hinila ko na sila Zylie at Dream paalis dun. Aish. Nakakainis talaga.

Habang paalis kami dun, tinutukso pa ako ng aking mga baliw na best friend. Tss.

Bakit Hindi pa sila maka get over dun? Move- on!


***

A/N: Sorry po kung maiksi or lame. Sorry din po sa mga typographical errors.

Vote and Comment na lang po.
Thank you😊💓

XOXO, Bacon💞

Almost [ON-HOLD]Where stories live. Discover now