Blaire's POV
WEEKS had passed, pero wala namang masyadong nagbago. Bukod sa, mas lalong lumala yung pag aasaran namin ni Dark tuwing nag kakasama kami sa iisang lugar.
Hindi na yata mauubusan yun ng kayabangan sa katawan eh! At pati maliit na bagay pinag aawayan namin.
Maski nga, tungkol sa mga nangyayaring aksidente dito, pinagtatalunan namin eh! Hahahaha! Ganon talaga, pag maganda, lahat ipaglalaban mo! Joke! Nahawa na tuloy ako sa kayabangan ni Dark.
Tsk.
"Helloooo Blaire!?" Napabaling naman ako sa katabi ko ng bigla itong magsalita.
"Huh? Bakit?" Nagulat naman daw kasi ako nang kausapin niya ako. Duh! Hindi kaya ako nakikinig. Iniisip ko kasi si Da--. Wait, wala akong sinasabi!
"Duh! Kanina pa kaya kita kinakausap! Ano bang iniisip mo, or should I say sino bang iniisip mo?" Pagtatanong pa ni Zylie. Hindi ko na lang pinansin yung mapang asar niyang ngiti.
Obviously, wala dito si Dream. Ang alam ko may klase pa siya. Nagla-lakad lakad kami dito sa field, madami kasing nagkalat na mga booths dito, dahil Foundation Day ngayon.
"Huh? A-Ah, wala! Iniisip ko lang yung baliw sa may kanto ng bahay namin. O-Oo, yun nga!" Bakit ba ako kinakabahan? Putspa! Yung baliw sa kanto? Iniisip ko? Bakit yun pa, ang ginawa ko ng dahilan? Waaaaaah! Oh, jusko!
At Hindi ko naman talaga siya iniisip.. Wait, sino?? Aaaaahhh! Wala, wala talaga akong iniisip! Nababaliw na talaga ako..
"Ano kamo? Yung baliw? Hahahahaha! Wala ka na naman sa sarili mo no?"
"At ang sabi ko, bibili lang ako. Hintayin mo na lang dito si Dream kasi tapos na daw yung last class niya. At medyo matatagalan ako, madami kasing tao eh!" Sabi niya sabay takbo. Napatingin na lang ako sa kanya at napakibit balikat na lang.
Madami kasing tao ngayon, kasi kahit mga outsiders pwedeng pumasok.
Haaaaay. Yeah right. Nawawala na naman talaga ako sa sarili ko. Huhuhu! Ano bang nangyayari sa akin? Ugh!
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin dumadating si Dream. Haaay! Ang tagaaaaal! Umupo na lang muna ako sa bench sa tabi at doon na lang naghintay.
Bench. Tsk. Naalala ko tuloy si Dark! Gaaaaah! Anubayan! Naalala ko pa yung fanboy na yun!
Nagulat ako ng biglang dumilim yung paligid. May nagtakip na pala ng mata ko. Sa sobrang lalim pala ng pagiisip ko, Hindi ko na namalayan na may nakalapit na pala sa akin. Tss. Siguro si Dream na to'.
"Dream, tanggalin mo na nga to'!" Pagrereklamo ko, kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya tinatanggal yung pagkakatakip niya sa mata ko.
Napakunot naman ang nuo ko nang hindi man lang siya kumilos. Sinubukan ko pang tanggalin yung pagkakatakip niya sa mata ko, pero wala ding nangyari. Naging pipi na ba to' si Dream? Ugh!
"Dream, hindi ako nakikipaglaro!" Bakit ba ang kulit nitong babaeng to'? Jeez. Napipikon na ako sa katagalan huh?! I hate waiting!
Nagulat naman ako ng may humila sa akin, pero hindi pa rin natatagkal yung kamay ni Dream sa mata ko.
"Hey! Ano ba?" Sigaw ko dahil sa gulat. Kung malakas ang trip nila, wag ako, don't me! Others na lang! Lol!
"Shhh!" Napakunot pa lalo ang noo ko sa pagtataka. Ano bang trip ng mga to'? S**t! Wag lang nila ako ipapasok sa kahit na anong booth dito. Subukan lang nila, makakakita sila ng dyosa na magtra- transform into a dragon! Char! HAHAHAHA!
"Blaire, wag ka ngang malikot!" Saway sa akin ni who-ever-she-is. Eh sa ako pamilyar sa boses nito eh! At as a bad girl, nagpatuloy pa rin ako sa paglilikot at umaasang pag napikon na sila sa akin, papakawalan na nila ako! Ang talino mo talaga Blaire! MWAHAHAHA-- *cough* *cough* Ehem! HAHAHAHA!
"Baliw ka na ba? Para kang mangkukulam kung tumawa!" Napatikhim na lang ako dahil sa pagkapahiya. Hindi ko alam na tumatawa na pala ako. Jeez!
"ARAY naman!"
"Dahan-dahan nga!"
Kasalukuyan kaming umaakyat ng hagdanan. At hindi naman halatang nasasaktan na ako, dahil halos kaladkarin na nila ako, no'?
Ghad! Ang dami pa kasing pakulo eh? Kung tinatanggal na nila yung pagkakatakip nila sa mata ko at mahigpit na hawak nila sa kamay ko, eh di sana madali na ang life namin ngayon? Haaaay!
"Just be quite na lang, okay?"
Hindi na ako naka sagot sa sinabi niya nang bigla na lang nila tanggalin yung kamay nila sa mata at kamay ko! Haaaaay salamat!
Kinusot kusot ko muna yung mata ko at medyo malabo pa ang paningin ko. Nung maka adjust yung mata ko sa liwanag, tiningnan ko agad yung kamay ko na namumula. Waaah! Kasalanan nung babaeng yun, ang higpit kasi ng pagkakahawak sa akin kanina. Akala naman niya makakawala ako.
Pero kung nakawala agad ako kanina, malamang ay kanina pa sila umiiyak sa sulok, dahil ipapa- wushu ko sila Kay Tao! Hahahahaha!
Napaangat naman ang tingin ko nang maramadman ko na may mga nakatitig sa akin. Pag tingin ko, napansin ko na nandito na pala ako sa loob ng room namin. At katabi ko ngayon si Zylie.
At ang mga nakatitig sa akin ay ang mga kaklase ko. Well, hindi ko naman sila masisisi, isang dyosa kasi ang tinitingnan nila ngayon. Char!
Ano bang ginagawa ko dito at bakit sila nagpapatug tog ng ganyaa----.
Nanlaki ang mata ko ng marealize kung bakit at maalala kung ano ang booth ng section namin..
At kung bakit ako nakatayo sa kabilang dulo ng room namin.
Just WTF?!!!
***
A/N: Haay, nakapag update na din! Sorry po kung madaing typos, maikli lang o kung bitin. Masakit na po talaga yung braso ko eh. Muehehe!Vote and Comment na lang po.
Thank you!XOXO, Bacon.
![](https://img.wattpad.com/cover/98051144-288-k153527.jpg)
YOU ARE READING
Almost [ON-HOLD]
Fanfiction"Tayo ba?" "Niligawan ba kita?" "Sinagot mo ba ako? Hindi naman di ba?" ©byun_fhoebe [ON-HOLD]