Chapter 3

32 1 3
                                    

Blaire's POV

"KYAAAAAAAHH!" Napalingon agad ako sa sumigaw. Tss.

Ang napaka ingay at napaka energetic ko na naman palang  best friend.

"Annyeong Blaire!" Sigaw na naman niya. Jusko! Magka harap lang kami. Tch. Hindi pa ako nasanay sa babaeng ito, lagi ko tong' kasama eh.

Napa irap na lang ako, at nag patuloy sa paglalaro.

Napaka bait ko talagang best friend *insert sarcasm here*

Nandito ako ngayon sa gym ng school namin. Naglalaro ng basketball. Player ako ng varsity namin. Obviously, basketball girls.

Alangan naman boys diba? Tsk.

"Baeklaaaaa!" Napalingon agad ako kay Zylie ng isigaw niya yun. Haaaay. Hindi ba napapagod ang babaitang ito?

Pahinga muna kami. Kaya kinausap ko na si Zylie.

"Oy, hindi bakla ang asawa ko no'! Kaltukan kita diyan eh!" Sabi ko at akmang kakaltukan ko na siya nang bigla siyang magsalita.

"Assuming ka! Hindi mo naman asawa si Baekhyun!" Wow! Nakakahiya naman sa babaeng to'. Sus.

"Sus. Kung maka angkin ka nga kay Xiumin!" Ganti ko sa kanya. Halos katayin niya na nga yung mga nang aagaw sa kanya kay Xiumin. Hahahaha.

"At least kami kami kasal na!" Buong pagmamalaki niya na akala mo naman totoo!

Zylie Kim, my oh-so- chubby best friend. Joke lang! Baka magalit pa siya pag nabasa niya to'. Baka pumayat pa siya. HAHAHA!

Actually hindi naman siya ganun kataba, chubby lang talaga! Kaklase ko siya at magkasing tanda lang kami.

"Baekhyuuuuun! Xiumimiiieee!" Napalingon kami ni Zylie sa tumawag sa mga asawa namin. Feeler eh?

Si Dream Gonzales, best friend din namin ni Zylie. 2nd year din siya, Business Ad. nga lang ang course.

And ang alam ko pinsan niya si Dilim. Tch. Naalala ko na naman yung patagong fanboy na yun!

"Annyeonghaseyo Chanyeollie!" Sigaw ni Zylie. Oo, sigaw talaga.

Nag paalam na ako sa kanila na magpa practice muna ako. By the way, wala kaming klase ngayong after lunch, kasi may meeting ang lahat ng Professor kaya nagpa practice na lang muna kami.


Naglalaro kami, ng bigla na lang may nagsigawan sa gulat ko, naibato ko ng malakas yung bola.

Hala! Dapat ipapasa ko lang yun. Tsk. Magugulatin din kasi ako.

"Patay ka Blaire!" Napatingin ako kay Zylie ng bigla niya yong sinabi.

"Oh? Ano na naman ang ginawa ko?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko namang hindi siya nakatingin sa akin. Kaya naman napatingin na din ako. Shit! May natamaan ba ako? May nagkaka gulo na kasi dun.

Lumapit na kami ni Zylie. Nasaan kaya si Dream? Baka naman kinuha na siya ng kapre. Na nagngangalang Chanyeol. HAHAHAHA.

"Bakit ka tumatawa? May tinamaan ka na nga masaya ka pa! Baliw ka na ba?" Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot sa kung saan si Dream habang naglalakad kami. Tch. Akala ko naman kinuha na ni Kapre.

Almost [ON-HOLD]Where stories live. Discover now