A/N: Muahugs!!!
***
Blaire's POV
"HEYO!!!" Napatingin kami ni Dream dun sa sigaw, as usual our forever energetic best friend, Zylie. Si Dwaeji.
Joke lang, baka mabasa ito ni Zylie, mabawasan pa yung timbang nun. WAHAHAHA! Sobrang bait ko talagang best friend no'?
"Tara sa cafeteria!" Sabi pa ni Zylie. Gutom na naman ba siya? Tch. Nandito nga pala kami ngayon sa room. Well, vacant kami for 3 hours kaya may kanya kanyang business ang mga tao dito. Kagaya na lang namin na papunta na sa Cafeteria! Si Dream naman, vacant din siya kaya tambay siya sa room namin. Lagi naman eh. -_-
"Libre mo ba?" Tanong ni Dream. Sus. Yan pa si Zylie, manlilibre. Kuripot kaya yan at madamot! Oy, I'm just telling the truth. Oh! English yun! •^•
"Ang yaman yaman niyo, magpapalibre pa kayo sa akin!" Sabi pa ni Zylie. Hmm.. Hindi kaya kami mayaman na mayaman, rich lang. HAHAHA! Echos!
"Ako na lang ang oorder. Libre ko. Kawawa naman kayo." Biglang sabi ni Dream at tumayo na. Nag apir naman kami ni Zylie. Iba talaga pag mayaman. Sossy!
"Yun naman pala eh!!!"
"Yaman!" Sabi namin ni Zylie. Inirapan lang kami ni Dream at umalis na para umorder. Alam na naman niya kung ano ang gusto namin eh. Huehue.
Nagkwe kwentuhan lang kami ni Zylie tungkol sa KPOP at kung ano ano pa, habang hinihintay si Dream.
"Zylie, naalala mo pa ba yung kinwento sa atin ni Dream, yung naka panty lang si Irene, yung kaklase natin nung highschool?" Natawa kami ng malakas ng maalala namin yun. Sa sobrang lakas, napatingin na sa amin yung mga tao sa canteen. Pero, we don't care. Nakakatawa naman talaga kasi yun! Hohohoho!
"Syempre naman! Yun yung biglang inangat ni Dream yung palda ni Irene at tinanong si Irene kung bakit wala siyang short at naka panty lang siya." OMO! Ang sakit na nung tiyan ko kakatawa. Bakit ko ba kasi pinaalala pa yun?
"Tapos sabi naman ni Irene 'Nasa labahan lahat ng
short ko eh, anong magagawa ko?' Shet! Ang sakit na talaga ng tiyan ko!" Pagkwe kwento ko pa kahit ang sakit sakit na nung tiyan ko kakatawa. Si Irene yung weird naming kaklase nung highschool. Pero mabait, at sobrang ingay."Hoy! Ang ingay niyo! Wala kayo sa bahay. FYI!" Napatingin ako sa nagsalita at si Dream pala.
Hindi na lang namin pinansin yung sinabi niya at kinuha na namin yung pagkain at nagsimua na kaming kumain. Woooh! Napagod ako sa kakatawa ah!
"Oh? Pupunta ba kayo sa EXOr'DIUM?" Napatingin naman ako kay Zylie nang itanong niya yun. Napasimangot naman ako bigla nang maalala ko na hindi nga pala ako pinayagan. Mas lalo naman akong nalungkot ng malaman ko kahapon lang na hindi pala kasama si Lay. Huhuhuhuhu. Ang sabi nila may sakit daw si LayUnicorn.
"No. Next concert na lang ako. Hindi nakaabot eh!" Pagsagot naman ni Dream at ako umiling na lang bilang pagsagot. Tumango na lang si Zylie.
"Ako din. Buti na lang pare pareho tayong hindi pinayagan. Mwahahaha!" Sabi ni Zylie sabay tawa ng malakas. Baliw eh?
"Para kang mangkukulam." Pang aasar ni Dream kay Zylie. Hahaha. Tama nga naman.
"Ako, parang lang. Ikaw mangkukulam na talaga!" Ganti ni Zylie. Hahaha! Lakas talaga ng tama ng mga to'. Well, pare pareho lang naman kami!
"Oyyy, look who's here!" Napatingin naman ako sa tinitingnan nila Dream at Zylie.
Nagtataka ako kung bakit parang papunta na siya dito sa kinauupuan namin, baka naman dahil kay Dream. Tch. Ano bang pake ko diyan sa Dilim na yan?
Sht. Tumayo ako agad para makaalis na agad dun.
"Alis na ako. Mamaya na lang. Byeee!" Sabi ko at dali daling umalis, na halos madapa na ako sa pagmamadali. Mukha ngang nagtataka sila dahil sa naging reaksyon ko pagkakita ko kay Dark.
Haaayy! May kasalanan kasi ako don kaya umalis na ako.
Yeah. I know, medyo may pagka O.A ako, nakakatakot lang talaga yung aura niya kanina habang nakatingin sa akin. Feeling ko may black aura na nakapaligid sa kanya. Geez.
But... Aaminin ko I'm physically attracted to him.
Pero, Hindi ko hahayaan na lumalim ito at mahulog ako sa kanya ng tuluyan, kasi alam ko hindi niya ako sasaluhin.
I know.
***
A/N: Sorry po kung masyadong maikli. Promise babawi ako. Muehehe. Sorry po kung Hindi ako nakapag update agad. Busy lang talaga-_-Well, sino pong #TeamBahay diyan, EXO-L's??? Haaaay. Pare- pareho lang po tayo:(.
Vote and Comment na lang po. Thank you<3.
XOXO, Bacon.
![](https://img.wattpad.com/cover/98051144-288-k153527.jpg)
YOU ARE READING
Almost [ON-HOLD]
Fanfiction"Tayo ba?" "Niligawan ba kita?" "Sinagot mo ba ako? Hindi naman di ba?" ©byun_fhoebe [ON-HOLD]