CHAPTER 5

10 1 0
                                    

SALLY POV (nanay ni Chris):

"Mahal maupo ka nga muna, nahihilo ako sayo " = sabay hawak niya sa kanyang sintido

   Sinamaan ko siya ng tingin

"Paano ako makakaupo kung 8:30 na ng gabi ay wala pa rito ang anak mong babae?!" = bulyaw ko sa kanya

   Lalong umiinit ang ulo ko sa lalaking to, naku Chrisalyn tatamaan ka sa akin!!!

"Malaki na ang anak natin mahal pabayaan mo naman siyang enjoyin ang buhay dalagita niya" = malumanay niyang sabi

   Putragis! Anong enjoy?!

   Sumampa ako paharap sa kandungan niya at pinanggigilan ang buhok niyang puro uban

"A-aray mahal, ang sakit!" = nahihirapang sabi nito habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay na nakasabunot sa kanya

"So ang ibig mong sabihin pinipigilan kong sumaya ang anak natin huh ganoon ba!!  = inis na sigaw ko sa kanya aissshhh!! Kumukulo talaga ang dugo

   Nangingilid na ang luha ng kanyang asawa dahil sa sakit ng anit nito. Masyado na silang matanda para sa ganitong klase ng lambingan kung lambingan nga itong matatawag

"Wag kang sigaw ng sigaw diyan Sally baka magising ang mga bata"

   Nanghihinang sabi ng lalaki, hindi niya kayang labanan ang asawa dahil isa sa pagka-mainitin ng ulo nito ang nagustuhan nito noon pa man kaya nga siya ay proud to be under ni kumander

"Wala akong pakialam! Ilabas mo ang anak ko Jack!"

   Nawalan ng balanse ang ginang kaya nahulog ito sa sahig nilang kawayan at dahil nakasampa ito sa asawa ay napasama ito sa pagbagsak

"BLAAAAG!" = nagdulot ito ng bahagyang pagyugyog ng munti nilang kubo

   Mabigat ngunit mabilis na mga hakbang ang nagmula sa maliit na paa

"Aaaaahhh!" = tili ni Bernie ng parang kinakatay na baboy, mabilis niyang tinakpan ang mga mata

    Nakapatong kasi ang ginoo sa kanyang asawa at bahagyang nakabukaka ang ginang. Pagtataka naman ang rumehistro sa limang taong gulang na si Annie

'Bakit di nila ako sinali sa laro nila?', sa isip-isip ng bata

   Napansin ni Bernie na nakamulagat ang mata ng kanyang nakababatang kapatid kaya naman dali-dali niya itong niyakap

"BOOOGSSHHH!" = tinulak ni Sally ang asawang mukhang sayang-saya

   Ay naku Jack! Ang harot-harot mo talaga!! Sinamaan ko ito ng tingin ngunit sinuklian lamang ako nito ng pilyong ngiti. Inayos ko muna ang sarili ko bago harapin ang aking mga anak

"Ehem! Ma-mga anak matulog na ulit kayo" = sabay punas ko ng pawis sa noo

   Ibinaba na ni Bernie ang kamay at niluwagan ang pagkakayakap sa kapatid. Nang makawala si Annie ay kumaripas ito ng takbo papunta sa akin

"Nay ano pong tawag sa nilalaro niyo ni tatay?" = habang hinihigit ang aking bestida

   Bumaling ako sa magaling kong asawa at ang gago nagpipigil ng tawa

   Aiish! Lalong umiinit ang ulo ko!!

"Hoy Jack! Ikaw nga ang sumagot dito sa anak mo"

Nilapitan niya ang anak, yumuko ito at hinaplos ang buhok ng aming anak

"Nak gusto mo ba talagang malaman?"

   Mabilis na tumango ito at napansin kong bahagyang lumapit ang aking binata

"Marpokyo ang tawag dun"

   Ano bang pinagsasabi ng lalaking to? Marpokyo?

"Marpokyo po? Ano po yun?" = bahagyang kumunot ang noo nito

"Haha kunwari ako yung MARtilyo at ang nanay mo naman yung turnilYO kailangan ko siyang pukPOKin para bumaon haha" = sabay kindat sa kin

??????

????????

Bastos talaga!! Kinaltukan ko nga

"Aray!"

   Napansin kong naguluhan ang aking unico hijo, salamat at hindi niya naintindihan ang magaling niyang ama. Nagtama ang aming paningin at binigyan ko siya ng pumasok ka na sa kwarto mo look, mabuti at sumunod ito

"Tay bakit naman po kailangan pukpukin para bumaon e di masakit po yun"  = inosenteng tanong nito

"Masakit man sa una anak pero kalaunan ay masar- - -"

  Dali-dali kong tinakpan ang malisyosong bibig ni Jack

"Yaaawwwn" = (tunog ng paghikab ni Annie)

"Shige po nay tay enjoy po kayo sa pukpukan at baunan hihi" = tawa-tawa nitong sabi at patakbong tinungo ang kanilang kwarto

"Uhm uhm uhmmmmm"

   Napatingin ako sa asawa ko, maputla ang kulay nito at nahihirapang huminga. Di ko sinasadyang matakpan pati ilong niya huh!

Pramis hindi talaga

Hihihihihi

Please vote and comment 

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon