CHAPTER 8

8 0 0
                                    

CHRIS POV:

"Babae ba talaga yan?"

"Sino siya?"

"Eeew may panis na laway pa siya sa face so gross"

"Ang seksi niya pre"

   Binuksan ba ni nanay ang TV? Bat grabe namang lakas?"

   Haharap sana ako sa kabilang side ng

"BLAAAG"

   Putcha! Aruy ang sakit ng balakang ko

   Nakarinig ako ng tawanan kaya nagmulat ako ng mata, ang hapdi

   Konsensya: Eh sino ba kasing tanga ang umiyak-iyak kagabi?

   Oo ako na, ako na ang tanga pero maganda

   Napansin kong pinalilibutan ako ng maraming tao aaahh oo nga pala kapwa ko calmers. Hindi ko sila pinansin at hinimas-himas ang aking balakang daig ko pa ang binagsakan ng 10 elepante tss

"Excuse me"  = maarteng sabi nito

   Nakapula siya head to foot, I remember siya si Patricia

   Tiningnan ko lang siya sa mata, nag-excuse me pa siya eh pwede namang dumaan

"Ayusin mo nga yang sarili mo, nakakasuka ka"   = sabay irap nito

   Tiningnan ko ang sarili ko, nakataas ang isa kong paa sa table, nasa ibabaw ng ulo ko ang isa kong kamay at bahagyang tumaas ang shirt ko kaya naman nakikita na ang tiyan ko

   Hindi naman nakakasukang tingnan, sinubukan kong tumayo pero

"Aaaargh"   = daing ko paksheet ang sakit!

"Tulungan na kita miss"   = sabi ng isang lalaki na nakangiti sa kin

    Sinuri ko kung manyak ito, kayumanggi ang kanyang balat, bilugan ang mata, may dimples, gwapo siya kaya sigurado akong may gf na to at magaan ang loob ko sa kanya

   Nginitian ko lang siya ng tipid

   Dahan-dahan niya kong tinayo, iniingatang hindi ako masaktan sa pagkakahawak niya, iniupo niya ko sa aking upuan

"Ang landi"   = parinig ni Patricia

   Kumalma ka Chris hoo! Kaya ko to

   Para akong nasa husgado at sila ang mga hurado. Sinipat nila bawat parte ng katawan ko, ano bang meron?

"Excuse me! Excuse po!"   = matinis na sigaw sa labas ng kumpulan

   Nabaling ang tingin ng lahat sa bagong dating

   Aish! Si Sheila lang pala

   Binigyan siya ng daan ng mga ito. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at halatang naguguluhan sa nangyayari maski naman ako eh

"What's with the commotion all about?"

   Umagang-umaga nusblid agad

"Sheila sino siya?"   = tanong ng isang babae na kala mo'y nakatira sa disyerto dahil sobrang init ay napilitang magsuot ng maiksing damit teka napilitan nga ba?

"Oh I forgot"   = naiinis na sabi nito

   Lahat ay nag-aabang sa susunod niyang sasabihin

"She's Chrisalyn Martinez, our new co-calmer here in Calmfort"

   Ang iba'y naliwanagan kung ano ba ako dito, may ibang walang pake, may pangiti-ngiti at naiinis

"Hello sa inyo, tawagin niyo na lang akong Chris"   = nakangiti kong sabi

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon