CHAPTER 10

11 0 0
                                    

AUTHOR'S POV:

    Hindi mapakali si Chris sa kanyang hinihigaang banig, nagawa na niya yata lahat ng posisyon pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Napabangon siya at napapadyak na parang batang paslit.

"Ano ngayon kung gwapo siya at yummy, bading pa rin siya"

    Sabi niya sa sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit ayaw maalis sa kanyang isipan ang singkit nitong mga mata, mamasa-masa nitong labi na muntik na niyang mahalikan

   Nakaramdam siya ng panghihinayang kahit hindi ito ang unang beses na makakahalik siya

"Sigurado akong bad breath siya"   = giit niya

    Sa kabilang banda naman ay parang timang na nakangiti si Alvin

"She's driving me crazy, shit!"

    Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi. Inaamoy-amoy niya ang panyo niyang dalaga na parang asong ulol

"It's smell delicious"   = amoy na amoy niya ang strawberry scent nito

    Lahat ng naranasan niya sa pagtatagpo nila ng dalaga ay bago sa kanyang lahat dahil trabaho lagi ang inaatupag niya maliban na lang kung pestehin siya ng nobya

    Nangasim ang mukha niya ng maalala ang tawag nito sa kanya

"Tss, whose gay? Lalaking-lalaki kaya ako"

******************************************

XYLENE POV:

   Nandito ako sa kitchen umiinom ng wine, yung delivery boy hanggang ngayon tulog pa rin, napagod ko yata

   Tulad ng inaasahan hindi dumating si Alvin. Kahit kelan hindi pa kami nagkikiss ni wala pa ngang nangyayari sa min

   Wala talagang kwenta ang lalaking yun!

   Ang relasyon namin ang pinakabulok sa lahat, pasalamat siya gwapo siya

"Hi handsome"   = maarteng sabi ng babae at bahagyang yumuko upang ipakita ang dibdib

   Pero sa kasamaang palad ang lalaki ay tutok ang mata sa laptop nito. Sila ay nasa Heart Restaurant kung saan nabuo ang iba't-ibang uri ng pagmamahalan

   Nainis ang dalaga ng hindi siya nito pinansin

"Hey!"   = may kalakasang sabi niya kaya't nakuha niya ang atensiyon nito

"Ang ingay mo"   = iritang sabi nito

"I'm Xylene, Xyle for short, ikaw bhe anong name mo?"

   Napakunot naman ang noo ng binata

"Bhe?"

"Yup, you're now my bhe from now on boyfie"

   Nagtaka ang lalake sapagkat sa pagkakaalam niya ay wala pa siyang gf

"Alvin ang pangalan ko and I'm not your boyfriend"

"I don't care boyfie"

   Maraming nagkakagustong babae sa kanya, sanay na siya sa mga ganitong uri ng babae. Hinayaan niya na lang ang babae sa gusto nito para naman may mapaglibangan siya


   Walang sweetness sa pagitan namin, isa lang itong laro

   Ano bang bago? Nagsisimula na kong mabagot sa larong ako mismo ang nagsimula

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon