CHAPTER 11

7 0 0
                                    

CHRIS POV:

   Ang sakit sa balat ng nung sikat ng araw kahit maaga pa lang

   Bakit naman kasi ang daming kalat sa harapan ng aming munting kubo. Kanina pa ko walis ng walis pero bumabalik lang ang kalat gawa ng hangin

   Napa-upo na lang ako sa inis

   Sa mga ganitong pagkakataon hindi ko talaga maiwasang magdrama. Nagkaroon ako ng jowa noon, oo, inaamin kong masaya talagang magkaroon ng love life kasi nga inspiration pero sa iba destruction itong matatawag

   Crush ko siya simula first year high school tapos naging kami noong third year. Matapos ang pagpapapansin ko sa kanya at pagpapacute ay nagustuhan niya rin ako

   Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba basta alam kong masaya ako sa piling niya. Sabi nila ako daw ang patunay na bulag ang pag-ibig

   Ewan ko kung bakit ayaw na ayaw nila kami para sa isa't-isa

   Nang ikwento ko kina nanay ang first kiss namin ay talagang pinaghahampas niya ko ng walis at sukang-suka naman si tatay

   Kahit ang tatlo kong barkada ay halos sumuka na talaga noon

   Pero alam mo ba ang pinakamasakit sa isang relasyon?

   Iyon ay ang hiwalayan ka sa hindi malamang rason

   Umabot din ng 2 taon ang pagsasama namin. Pagkalipas ng isang buwan ng aming paghihiwalay ay nalaman ko ang dahilan niya


"Bhe lumabas ka diyan harapin mo ko!"   = pagwawala ko sa tapat ng bahay nila

    Wala akong narinig na sagot mula sa kanya

   Wapakels ako kahit dis oras na ng gabi at magmukha akong tanga

"Lester Buenaferti lalabas ka diyan o ipagsisigawan kong may nangyari sa atin sa talahiban!"

   Wala naman talagang nangyari sa min masyado lang talaga akong desperada, nagmahal lang ako kaya di niyo ko masisisi

"Chrisalyn ano na naman ba ito?"

  Mabuti naman at nilabas niya na rin ako

"Bhe bumalik ka na sa kin. Ano bang pagkukulang ko? Magbabago ako sabihin mo lang" =desperada na kung desperada

   Tinawanan niya lang ako

"Simple lang, hindi tayo bagay. Mayaman ako at dukha ka lang baka nga ginayuma mo lang ako"

"PAAAAK"

   Hindi ko sinasadyang masampal siya

"So-sorry di ko sinasadya"

   Hahawakan ko sana siya ng tabigin niya ang kamay ko

"Isa pa yan! Napakabigat ng kamay mo, lagi ka na lang nananakit. Sa tuwing kinikilig ka hinahampas mo ko o kaya naman kapag natatawa ka kinukurot mo ko, ano pa kaya kapag galit ka!"   = inis niyang sigaw

   Hindi ko alam na naiinis pala siya sa mannerism ko palagi kasi siyang malambing sa kin

"So-sorry bhe"   = umiiyak kong turan

"Yuck! Alam mo bang diring-diri ako sa tawagan natin. Bakit mo ba kasi naimbento yan?"

    Ang sakit! Ang sakit-sakit

ANG SEKSING MATON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon